CHAPTER 33 Umangal man ako, hindi ko na napigilan si Bryan na nagpumilit na maghatid sa akin sa bahay. Wala pang tao sa amin nang makauwi kami ng eight. “Umalis pala mga utol mo?” tanong ni Bryan nang makapasok kami sa bahay. “Baka nagbonding sila ni Ate, sandali, i-message ko.” ‘Kuya, d2 kme bahay, san kayo?’ ‘Trinoma.’ reply ni Kuya ‘Gusto Ate mo nood cine last full show. Order kyo take out or cook something. Be back b4 1 am.’ bigla akong kinabahan. Humigpit naman ang yakap ng loko sa likod ko. “Uy, last full show daw, o?” Kahit `di ko kita, alam kong malaki at masama ang ngisi sa mukha niya. “Uy! Paalam mo sa inyo sandali ka lang!” lumingon ako sa kanya at nakitang bitbit niya ang kanyang cell. “Ayan, nagpaalam na akong mag o-overnight sa inyo.” Ngumisi siya sa akin.

