EPISODE 13: Last Day

2533 Words
Tricia's POV Last Day of the 30 days deal "Staniel, Stacy, Jay." Naalimpungatan ako sa boses na yun. Nagising ako at napansin kong nakapatong ang ulo ni Staniel at EJ sa balikat ko sa magkabilang side. Pero nagulat ako nung mapatingin ako sa harap. Tinignan ko siya pataas at nakita kong si Ate Solem pala yun. Nanlaki ang mata ko kaya inalog-alog ko si Staniel at EJ para magising. "Staniel! EJ!" Nung nagising na sila napatingin rin sila kay Ate Solem sa harap namin at nanlalaki rin ang mata nila. Tumayo na kami. "Mira." sabi ni Staniel. "Ate." sabi ni EJ. "Anong ginagawa mo dito Mira?" tanong ko. "Maghanda kayo." sabi niya. "Ha?" sabay sabay kaming nagtanong. "Last day na." "Ha? Anong last day na Ate?" tanong ni EJ. "Last day na ng 30 days deal." "Bakit ba nagma-matter parin sa'yo ang 30 days deal?" tanong ni Staniel. "Dahil ang 30 days deal na ginawa niyo ay hindi niyo deal sa isa't-isa. Deal niyo yun sa tadhana. Sa loob ng 30 days mararanasan niyo lahat. Nakaalala na kayo. Nalaman niyo na ang sikreto ko. At ngayong araw na to ang huling mararanasan niyo. Ang lumaban para mailigtas ang buhay niyo." paliwanag ni Solem. "Ano bang ibig mong sabihin Mira?" tanong ko. "Kailangan niyong patayin si Chloe para matigil na lahat to." "Teka lang naman Mira. Alam kong siya ang dahilan kung bakit ka nawala pero kaibigan parin natin yun. Bakit kailangan namin siya patayin?" sabi ni Staniel. "Staniel hindi yun. Hindi dahil pinatay niya ako." "Kung ganun, bakit? Bakit kailangan namin siya patayin?" "Dahil isa syang traydor." napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na yun. Now Playing: Dark Fantasy by Various Artists "C-Chloe?" sabi ko. Lumapit narin siya samin. "Bago pa mamatay si Mira, wala na ako sa mundo. Ginaya niya lang ang mukha ko at pinaniwala kayong lahat na ako siya." sabi ni Chloe. "Pero bakit? Bakit niya gagawin yun?" tanong ko. "Dahil sa inggit. Naiinggit siya sa inyo. Sa mga Buan at Naluz. Kaya pinatay niya ako at ginamit ang mukha ko para lang maloko kayong lahat. Kaya kailangan niyo siyang mapatay. Dahil hindi niya kayo titigilan habang humihinga pa siya. Sa totoo lang, hindi siya normal. Siya si Christine, kakambal ko. Matagal na malaki ang inggit niya sainyo. Pero maaga siyang nawala sa mundong ito. At hindi ko alam paano niya nagawang makabalik. Kaya ang pagpatay nalang sakanya ang option niyo para mabuhay." sabi ni Chloe. "Si Louise, kailangan niyo siyang mailigtas. Nandito na sila. Papalapit na sila dito mismo sainyo. Kailangan niyong makaligtas. Wag kayong mag-alala, pangako ko sainyo, babalik ako." sabi ni Mira. Napatingin kami kay Mira. "Sisiguraduhin kong makakabalik ako." "Mag-ingat rin kayo sa doppelgangers na posibleng magpakita sainyo." sabi ni Chloe. Nagkatinginan kaming tatlo. Pagkatingin namin sa harap wala na si Mira at si Chloe. "So there you are. Twins and my dearest brother." napalingon kami sa likod. Nakita namin si Kasey. We're expecting na kasama niya sila Chloe, but she was alone. Hindi ko alam, pero masama ang kutob ko. It's weird, but I'm sure, there's something wrong. "Kasey, please, itigil mo na to." sabi ni EJ. Bigla siyang naglabas ng kutsilyo at itinapat samin. "Hindi ako tanga katulad mo EJ! Sila ang pumatay kay Ate Solem pero sila ang kinakampihan mo!" sabi ni Kasey. "Hindi ako tanga Kasey! Dahil alam ko na ang totoo! Naalala na nila ang lahat ng nangyari nung araw na yun! Yung mga TOTOONG nangyari!" sabi ni EJ. Hindi ko alam pero hindi ako makapagsalita. May mali. Hindi ko lang alam kung ano, pero sigurado akong may hindi magandang mangyayari. "Ano?" "Hindi sila ang pumatay kay Ate, Kasey." "Kung ganun, SINO?!" sumigaw na siya. "Kasey..." sabi ko. Lalapitan ko na sana siya kaso may biglang humila sakin na dahilan para mapaharap ako sa taong iyon. Sumalubong sakin ang nakakunot na noo at naguguluhang mukha ni EJ. "EJ..." "Anong ginagawa mo Stacy? Tsaka anong tinitignan mo?" takang tanong niya sakin at tumingin pa sa likuran ko. "Ha?" ako naman ang napakunot noo dahil sa sinabi niya. Anong sinasabi niya? Don't tell me hindi niya nakikita si Kasey sa harap namin. "Twin. Anong nangyayari sayo?" tanong ni Staniel. Mas lalo akong napakunot noo. "Anong sinasabi NIYO? Hindi ba halata? Kinakausap ko si Kasey." "Si Kasey?" takang tanong ni EJ. "Twin." hinawakan na ako sa magkabilang braso ni Staniel at halata sa mukha niya ang pag-aalala. "Anong sinasabi mo? Si Kasey?" sandali siyang huminto at tinignan ang paligid. "Wala pa sila Kasey dito." dugtong ni Twin. "Ano? Eh nandito na ka---" sabi ko at humarap sa pwesto kung nasaan kanina si Kasey. Pero napatigil ako sa pagsasalita ng paglingon ko kung nasaan si Kasey kanina ay wala akong nakitang Kasey o anino man lang niya. Napaatras ako. Ano yun? Anong nangyari? S-sinong nakita ko? "Mag-ingat rin kayo sa doppelgangers na posibleng magpakita sainyo." Doppelgangers? Teka... ---FLASHBACK--- "Doppelgangers? Ano yun Chloe?" tanong ko kay Chloe. "Ang doppelgangers, tinatawag silang evil twin ng living persons." sagot naman ni Chloe. "Evil twin?" tanong ni Staniel. "Yes. Ghost counter part sila ng living person." sagot ulit ni Chloe. "Hindi ko parin maintindihan kung ano yang doppelganger na yan." sabi naman ni Solem. "O sige. Ganito para mas maintindihan niyo. Halimbawa, nakita niyo si Stacy sa isang lugar, then may weird kayong nararamdaman or si Stacy weird rin yung kinikilos niya. Then bigla mo nalang siyang makikita ulit with the exactly same outfit na suot nung doppelganger it means she'll be in danger." paliwanag ni Chloe. Yun ang doppelganger? "So, doppelganger is someone that looks exactly like someone. I get it now." sabi ni Staniel. "Basta may weird feeling ka sa taong yun although kilala mo, it can be a doppelganger. And when you see a doppelganger, one thing is for sure, that person will be in danger. Pero hindi naman lahat, namamatay. Pwede ka naman makagawa ng paraan para mailigtas siya. Just make sure, pag nakita mo ang doppelganger ng isang tao at sure ka na doppelganger nga yun, stay by his/her side the whole time to ensure his/her safety." sabi ni Chloe. "Grabe! Parang hindi tayo normal dahil sa mga kababalaghang nakapalibot satin." sabi ni Kasey. At nangilabot kami sa sunod na sinabi ni Chloe, dahil alam naming totoo iyon. "Oo nga. At kahit kailan…hindi natin matatakasan yun." ---END OF FLASHBACK--- "Doppelganger!" naisigaw ko after that flashback. "Ha?" sabay na tanong ni Staniel and EJ. Humarap ako sakanila. "Nakita ko ang doppelganger ni Kasey." Napalitan ang nagtataka nilang mukha sa pag-aalala. Siyempre, alam rin nila ang about sa doppelganger na kinwento ni Chloe nung mga bata palang kami. Yung totoong Chloe. Nabigla nalang kami nang may biglang magsalita. "So there you are. Twins and my dearest brother." napalingon kami sa likod. Si Kasey ang nagsalita pero kay Chloe or sa impostora kami napatingin. Tumingin kami kay Kasey. "Kasey, please, itigil mo na to." sabi ni EJ. Bigla siyang naglabas ng kutsilyo at itinapat samin. Sandali. Ito rin ang nangyari kanina nung kaharap ko ang doppelganger niya ah. Deja vu? Tinignan ko ang suot ni Kasey at hindi naiwasang mangilabot nang mapagtanto kong yun rin ang suot ng doppelganger niya. No way! Kasey's in danger now! "Hindi ako tanga katulad mo EJ! Sila ang pumatay kay Ate Solem pero sila ang kinakampihan mo!" sabi ni Kasey. "Hindi ako tanga Kasey! Dahil alam ko na ang totoo! Naalala na nila ang lahat ng nangyari nung araw na yun! Yung mga TOTOONG nangyari!" sabi ni EJ. Napansin namin na medyo nanlaki ang mata ni impostora. "Ano?" "Hindi sila ang pumatay kay Ate, Kasey." "Kung ganun, SINO?!" sumigaw na siya. Napatingin kami kay Chloe. Nagdadalawang isip si EJ kung sasabihin ba niya dahil baka kung anong gawin ni Chloe kay Kasey. Pero wala siyang magawa, kailangan nang malaman ni Kasey ang totoo. Tumingin si EJ kay Chloe. "Si Chloe. Siya ang pumatay kay Ate Solem." Napatingin kaming lahat kay Chloe. "WHAT THE HELL ARE YOU SAYING?! HINDI TOTOO YAN!" sigaw ng impostora. Sumagot narin ako. "Totoo ang sinasabi namin! Naaalala na namin ang lahat! Kaya naaalala na namin na ikaw ang pumatay kay Ate Solem! At isa pa, TAMA NA ANG PAGKUKUNWARI MO! HINDI IKAW ANG TOTOONG CHLOE! DAHIL BAGO PA MAWALA SI ATE SOLEM, WALA NA ANG TOTOONG CHLOE! IKAW SI CHRISTINE! Patay ka na diba? At ang patay hindi na dapat mabuhay ULIT!" sigaw ko sa kanya. "And what's your proof?" tanong ni Kasey. "Si Ate Solem mismo ang nagsabi samin. At nakita rin namin ang kaluluwa ni Chloe. Binalaan nila kami." sabi ko. "What a joke!" sabi ni Kasey habang hindi pa rin binababa ang kutsilyo niya. "Hindi ako nagbibiro Kasey! Hindi mo siya kakampi! Kalaban mo rin siya! Tayo ang magkakakampi dito! Dahil ang impostorang yan ay galit sa mga pamilya natin! Sa Buan at sa mga Naluz!" sabi ko. "Well, I think it's all over now. No use to pretend." sabi nung impostora. Nagtaka bigla si Kasey. Bigla niyang hinila palapit sakanya si Kasey at tinutukan ng kutsilyo. Nabitiwan ni Kasey ang hawak niyang kutsilyo. Now Playing: Beethoven by Various Artists "Kuya!" sigaw ni Kasey. "Kasey!" pupuntahan sana siya ni EJ pero pinigilan namin siya. "No EJ! Mas lalo mo lang ipapahamak si Kasey!" sabi ko. "Ano bang kailangan mo ha?!" sabi ni Staniel. "Kailangan ko? Mawala kayo sa mundong ito! Kayo ang sumira sa buhay ko, kaya sisirain ko rin ang buhay niyo!" "Manahimik ka! Wala kaming ginagawa sa'yo! Bitawan mo na si Kasey!" sabi ni EJ. "Ibigay niyo muna ang mga buhay niyo." Natigilan kami. Hindi! Hindi na tao ang kaharap namin! Hindi siya tao! Natigilan ulit ako nang may maalala ako na sinabi ni Chloe kanina. "Binuhay ng demonyo si Christine, at buhay rin ang kapalit noon. Kailangan niyo siyang patayin dahil kung hindi, kayo ang papatayin niya." "Chloe tumigil ka na!" sabi ni Trinity. Pero hindi siya pinansin ni Chloe. "Ano?" tanong ni Staniel. "Ibibigay niyo ba ang mga buhay niyo O HINDE?!" Idiniin niya ang kutsilyo sa leeg ni Kasey. "Wag." sabi ko. Pumunta ako sa harap ni Staniel at EJ. Tumingin ako kay Kasey tapos tumingin ulit ako kay Chloe. "Ako nalang." dugtong ko. "Twin./Stacy." sabay na sabi ni Staniel at EJ. "Ang gawin mo nalang sa ngayon, mamili ka sakanilang tatlo. Sino ang gusto mong unahin ko? Si Kasey na wala nang ginawa kundi pahirapan ka? Ang Twin mong nagawa kang saktan? O si Ethan?" Natahimik ako. Demonyo nga siya. Wala siyang awa. Kahit na nangingilid ang luha ko, buong tapang kong sinabi, "Wala akong pipiliin dahil wala akong gustong mawala sakanila." sabi ko. Mas diniinan niya ang kutsilyo kay Kasey hanggang sa may dugo nang lumalabas dito. "Chloe ano ba tama na!" sabi ni Cattleya. Napatingin siya sakanila. Habang nakatingin siya dun sinenyasan namin si Kasey na kagatin ang kamay ni Chloe. Nung tumingin na ulit samin si Chloe, kinagat siya ni Kasey at diniinan niya ng sobra at tumakbo papunta samin. Niyakap siya ni EJ nung nakalapit na samin at hinalikan sa ulo. "Tara na." sabi ni Staniel. Aalis na sana kami sa lugar na yun nang biglang... "AHHHHH!" nakita naming papalapit na samin si Chloe. Kaya tinulak ko sa magkabilang side sila Staniel, EJ at Kasey at hinawakan ko ang kamay ni Chloe para hindi sumaksak sakin ang kutsilyo. Paurong kami ng paurong hanggang sa tumigil kami sa puno. Pero mukhang mas malakas ngayon si Chloe at naramdaman ko nalang na tumusok na ang kutsilyo sa bandang balikat ko. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at itinulak siya dahilan para mapahiga siya. "Stacy!" lumapit sakin si Twin. Now Playing: Epic and Dramatic Trailer Music Napahawak ako sa bandang nasaksak ni Chloe. Nabigla nalang kami nang makitang may humila kay Twin. Nakita naming si Chloe yun at nakatutok ang kutsilyo niya kay Twin. "Chloe ano ba! Tumigil ka na!" sabi ni Kasey. "Hindi ako titigil hangga't hindi nawawala ang mga Buan at Naluz sa mundong to!" sigaw niya. "Chloe please itigil mo na to." sabi ni Cattleya na ngayon ay kasama na namin at kaharap na nila si Chloe. "Wala namang mangyayari kahit mawala sila e." sabi naman ni Trinity. "Ano bang mapapala mo ha? Pag ba nawala kami tingin mo magiging maayos ang lahat? Hindi Chloe. Or should I say…Christine. Ginagawa mo lahat ng to dahil sa inggit mo samin? Dahil noong panahong NABUBUHAY ka pa, hindi namin alam kung ano bang nagawa namin para kami ang mapansin lagi ng tao. Tapos tingin mo pag nawala kami, agad-agad ikaw ang mapapansin? DREAM ON CHLOE!" sabi ni Kasey. "Manahimik ka! Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko. At dahil diyan sa sinabi mo, UUNAHIN KO NA ANG ISANG NALUZ!" "WAGGGGG!" sigaw ko. Sasaksakin na niya si Twin nang... "GIDARYEO!" Natahimik kaming lahat at napatigil rin si Chloe sa pagsaksak sa kakambal ko. Isa lang ang palaging nagsasabi samin ng salitang yun. Napatingin kami sa taong yun at nagulat kami sa nakita namin. Kumawala si Staniel mula sa pagkakahawak ni Chloe at lumingon sa likod. Lumingon rin si Chloe sa likod. At alam kong nanlalaki at gulat na gulat ang mukha nila. Dahil pati kami nagulat. Dahil nandito si Ate Solem. Pero nagtataka kami sa suot niya, yun parin namang lagi niyang suot pero meron nang parang mantsa sa bandang tagiliran niya ng dugo. Ang damit niya lang sa bangkay niya ang may mantsa ng dugo. Paanong ang suot niya ngayon may dugo? "Solem?" binasag ni Chloe ang katahimikan namin. Lumapit si Ate Solem kay Chloe. "Oo Chloe. Ako nga to. At inuutusan kitang itigil mo na lahat to." "P-Paanong buhay ka? K-Kitang-kita ka namin na wala nang buhay noon." di parin makapaniwalang sabi ni Chloe. "Oo namatay ako. Pero salamat kay Stacy at nalaman ko kung nasaan ang katawan ko, kaya nagawa kong makabalik. Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang mabuhay ulit? Christine?" Nagulat nalang kami nang biglang ngumisi si Chloe pang demonyo. "Nagawa mo pang mabuhay ulit?" parang nagiging demonyo ang tono ni Chloe. "Chloe..." sabi ni Ate Solem. "Pwes ngayon, sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makakabalik pa sa mundong to!" sigaw ni Chloe. Sasaksakin na sana niya si Ate Solem pero nahawakan agad ni Ate Solem ang kamay niyang yun at inikot ito dahilan para pati siya mapaikot. Pero nasikmuraan ni Chloe si Ate Solem gamit ang isa pa niyang kamay kaya napabitaw si Ate Solem at sinuntok siya ni Chloe at napahiga siya sa sahig. Biglang naglakad palapit sakanila si EJ. Pinigilan siya ni Kasey. "Bakit? Anong gagawin mo?" tanong ni Kasey. "Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. This time, siguraduhin nating hindi na uli mawawala satin si Ate." Nagpatuloy nang maglakad si EJ. Lumapit siya sa kung nasaan ang kutsilyong nahulog ni Kasey kanina at kinuha niya iyon. Nung napahiga na sa sahig si Ate Solem agad-agad kinuha ni Chloe ang kutsilyo niya na nabitawan niya kanina at bumalik kay Solem na nakahiga parin. "Sisiguraduhin ko ngayon na mamamatay ka na!" sigaw ni Chloe. Sasaksakin na sana niya si Mira. Pero natahimik kaming lahat sa nangyari. Agad tumayo si Mira at natumba na si Chloe. Nilapitan niya si Ethan at napatingin sa kutsilyong nabitawan ni EJ. ----------------------------------------------------------------EPISODE 13: LAST DAY----------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD