EPISODE 12: Twins Together Forever

772 Words
Tricia's POV Nakaupo lang ako at nakasandal lang sa puno dito. Bigla nalang tumulo ang luha ko. Ako ang pinakanakasaksi sa lahat. Sa pagpatay kay Ate Solem at kung bakit kami nakalimot ng kakambal ko. Dahil yun sa mga akala naming kaibigan namin. Si Chloe, Cattleya at Trinity. "Twin...nasan ka na ba?" nasabi ko nalang. Bigla akong napalingon sa side ko. Nararamdaman kong nandito si Twin. Napatayo ako. Nararamdaman kong papalapit na siya sakin. "Stacy!" napalingon ako sa kabila. Nakita ko si Ethan na papalapit sakin. "Lagi mo nalang ako iniiwan ah." "EJ. Naaalala ko na ang lahat." "Ha?" "Sino bang nagsabi sainyo na kami ang dahilan ng pagkawala ni Ate Solem?" "Sila Chloe." So, kami ang pinalabas niyang masama sa mata nila EJ. "EJ makinig ka. Si Chloe, siya ang pumatay kay Ate Solem." "ANO?!" "EJ naaalala ko na ang mga nangyari nung araw na yun." "Ano bang sinasabi mo?" "Nung araw na nawawala kaming tatlo, kinidnap kami nila Chloe at dinala sa clubhouse. Which happens to be our favorite place. Sa bodega doon. Nakatali ang mga kamay namin at may panyo rin sa bibig namin kaya hindi namin magawang makahingi ng tulong. Nagtataka nga rin kami noon bakit wala yatang pumupunta sa clubhouse e. Sinubukan naming tumakas, pero nahuli kami nila Chloe. Ang dapat talagang masasaksak ay ang kakambal ko pero buti nalang nahawakan ko agad ang kamay niya. Pero naitulak niya ako ng malakas at tumama ang ulo ko sa mesa doon kaya siguro ako nagka memory loss. Pero nagawa ko paring mabuksan ang mga mata ko kahit na konti nalang talaga sasara na yun. Kaya nakita ko na hinarangan ni Ate Solem ang kutsilyong para dapat sa kakambal ko. Pagkatapos pinalo naman niya ng tubo ang kakambal ko. Na naging dahilan ng memory loss niya. Sila Chloe ang may kasalanan ng lahat EJ. Hindi kami." paliwanag ko kay EJ. "So ibig sabihin, all this time, ang akala naming kakampi namin, siya pala talaga ang may sala." Halatang frustrated si EJ sa nalaman niya. Pero bigla akong may naalala. "Si Louise!" "Ano?" "Kung kasama ni Louise sila Chloe, delikado ang buhay ni Louise." "Hindi ba kayong kambal nalang niyan ang target nila?" "Hindi. Ang mga Naluz at Buan ang target nila. Actually, dapat kasama kayo noon samin. Hindi lang talaga nila kinaya." "Baka kung anong mangyari sa kapatid ko. Nawala na nga si Ate Solem, wag naman sanang pati si Louise." maluha-luhang sabi ni EJ. "May kutob ako na pupuntahan nila tayo dito. Kukumpletuhin nila tayo para sabay sabay patayin." "TWIN!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. At nakita ko ang kakambal ko na papalapit samin. "Twin!" nung nakalapit na siya niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik. "I'm sorry Twin. I'm sorry." sabi ko. At napaiyak nalang ako. Hinahaplos niya ang buhok ko. "No Twin. I'm sorry." sabi naman niya. Kumalas na kami sa yakap. Tumingin siya kay EJ. "I'm sorry Ethan kung pinag-isipan kita ng masama." "Ayos lang yun Kuya Staniel. Salamat rin at pinagkatiwalaan mo ako." "Siyempre. Kapatid ka ni Solem e." "Twin…alam mo na siguro." Nawala ang ngiti sa labi niya. "Ano yun?" clueless na tanong ni Ethan. Napatingin sa baba si Twin. "Kanino gitara to?" Napatingin kami kay Twin nung kinuha niya ang gitara. Nagkatinginan kami ni EJ. Bakit nandito na naman ang gitarang yan? "Ahh...baka dinala niya dito." sabi ni Twin. Na-gets ko ang sinabi niya. Tama. Malamang si Solem nga ang nagdadala niyan samin. "Alam ko na. Pambawi ko sayo Ethan. Kakantahan kita." "Wow. Kakantahan mo siya? Ako nga di mo kinakantahan e." sabi ko kay Twin. "Siyempre ang kakantahin ko sakanya ang themesong natin. So mind if you sing with me Twin?" Napangiti ako sa sinabi niya. Nag-strum na siya ng gitara at kumanta na kami. Own version of the song "Together Forever by Julie Anne San Jose and Elmo Magalona” Both: ♪♫ Hooh...Ooh... Together 'til forever with you ( 2x ) Stacy: We are one okay We wouldn't separate Do you feel the same Twin, I will be there for you Whenever you need me and know that I'm at my best for you Both: Hooh...Ooh... Together 'til forever with you Just say you'll stay This love I have will always be true...ooh Staniel: We will be forever Always remember that You make me feel like I own a candy store With all the sweetness and kindness And add it up with cuteness You just make me complete my Twin Both: Hooh...Ooh... Together 'til forever with you Just say you'll stay This love I have will always be true...ooh Yeah ♪♫ --------------------------------------------------EPISODE 12: TWINS TOGETHER FOREVER--------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD