EPISODE 11: Twins Forgotten Memories, Remembered

1893 Words
Tricia's POV 29th Day of the 30 Days Deal Nagising ako nang nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Ethan at nakita kong hawak parin ni EJ ang kamay ko. Tumingin ako sakanya at hinalikan ko ang noo niya. Tapos tumayo ako at naglakad-lakad. Bigla ko nalang naalala ang kakambal ko. Sumandal ako sa isang puno dito habang nakatayo. Tapos inuuntog ko ang ulo ko sa puno. Gulong-gulo na kasi ako kung anong gagawin ko. Gusto ko nang makita ulit si Staniel, pero ayaw ko naman iwan si EJ. Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Ipinikit ko ang mata ko at mas nilakas ko ang pag-untog ng ulo ko sa puno. "Wag kang makipagsubukan ng tigas sa puno." Now Playing: Dream Catcher by Various Artists Napadilat ako. Napatingin ako sa side at nakita ko ang isang lalaki. Matangkad siya at naka-backpack. Lumapit siya sakin. "Hindi naman mukhang katigasan ang ulo mo." Ngumiti ako ng bahagya. "Sorry po. Naguguluhan lang po ako." "Ahh...kung naguguluhan ka? May pinagpipilian ka? Tama ba ko?" Tumango ako ng bahagya. "Pero nakapagdesisyon na po ako e." sabi ko. "Eh bakit parang hindi ka sigurado sa desisyon mo?" Napatingin ako sakanya. "Alam mo, kung may pinagpipilian ka, wag ito ang pinaiiral mo." sabay turo niya sa ulo niya. "Kahit ilang beses mong i-untog ang ulo mo diyan, hinding-hindi mo mababago ang binubulong ng puso mo." "Eh pano ko naman po maririnig yun? Imposible naman po atang marinig ko yun." "Maririnig mo yun." Kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako nang magsalita siya ulit. -------------------- 3rd Person's POV Naglalakad si Staniel sa lugar kung nasaan sila Stacy. Di niya napansin na may bato pala sa harap niya. Habang kay Stacy naman, ang sinabi ng lalaki sa kanya ay... "Geu yagsog." Nanlaki ang mata niya at biglang may memories na nag flashback sa kanya. Si Staniel naman ay natakid sa batong nasa harap niya at tumama ang ulo niya sa puno at may memories rin na nag flashback sa kanya. Sabay na nakaalala ang kambal. Naalala nila ang promise na ginawa ni Staniel at Mira sa isa't-isa noong bata pa sila. TIME SETTING: 8 years old sina Tristen and Solem Magkaharap sila Tristen at Solem habang naroon sila sa kanilang favorite place. Para siyang arko tapos may mga halaman. "Mira, I promise you hinding-hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok ang dumaan nandito lang ako sa tabi mo. Always expect that I'm always there for you whenever you needed me. I will never leave you. I promise that." sabi ni Tristen kay Solem. Ngumiti si Solem at nagsalita. "Staniel, I also promise you that I will always be there whenever you needed me. But I can't promise that I won't leave you. There will come the time na kailangan natin magsakripisyo. But always remember, na handa akong isakripisyo ang buhay ko para sayo. Buhay man ako o hindi, I promise that I will never leave you until death, I'll still stay by your side, kahit dumating sa puntong hindi mo na ako maalala, mananatili parin ako sa tabi mo, pero patawarin mo ko kung itatago ko sayo sa oras na yun ang katotohanang hindi na tumitibok ang puso ko. Pero atleast, tinupad ko ang pangako ko, na hinding-hindi kita iiwan." sabi naman ni Solem. "Ayos lang yun, pero sana wag umabot sa puntong kailangan mong mamatay. Basta, Best Friend Forever, and even death wouldn't keep us apart. Promise?" At nag pinky promise sign si Tristen. Kinuha naman ni Solem ang kamay niyang yun and they did the pinky promise. "Yagsog." [Promise.] "Death can't keep us apart." sabay nilang sabi at nagyakapan sila. Habang ginagawa nila ang promise nila ay nandoon at nanonood si Stacy at Ethan sakanila. Humarap si Ethan kay Stacy kaya napaharap rin si Stacy sakanya. "Let's also make a promise." sabi ni Ethan. "Okay. Let's promise that we'll be together forever. Hindi tayo maghihiwalay kahit anong mangyari." "Geu yagsog." sabay nilang sabi. Ang isa pang memory na bumalik sakanila ay ang matagal na nilang tanong tungkol sa mga Buan. Now Playing: Run Away by Various Artists Nakatali ang mga kamay nila Tristen, Tricia at Solem at may nakalagay na panyo sa bibig nila. Pagkatapos ay biglang dumating ang tatlong babae na nakatakip ang mga mukha ng surgical mask at mata lang ang kita. "Kumusta Staniel, Stacy and Mira?" "MMMMMMM!" ungol ni Staniel. Dahil may nakatakip sa mga bibig nila kaya hindi siya maintindihan. "SHUT UP!" sigaw nung matangkad na babae at sinampal si Staniel. Si Stacy naman gusto niyang sampalin ang babaeng sumampal sa kakambal niya. Ayaw na ayaw nilang nasasaktan ang isa sa kanila. "Iwanan na natin yang mga yan. Tutal maya-maya lang mawawala narin sila." Mala-demonyong sabi nung isa sakanila. Pagkatapos nun iniwan na nila ang tatlo. Teary-eyed si Stacy nang nagkatinginan sila ng kakambal niya. Teary-eyed rin si Mira. Teary-eyed rin si Staniel at tinignan silang dalawa na parang nagsasabing wag silang mag-alala. Makakaligtas sila. Lumingon lingon si Staniel sa paligid. May nakita siyang nakausling pako doon. Lumapit siya doon at sinubukang putulin ang tali niya doon. Nung naputol na niya ang tali ay agad-agad niyang inalis yung tali sa bibig niya at nilapitan sila Mira at Stacy. Napatigil sa paglalakad yung matangkad sa kanila kaya pati ang dalawa niyang kasama napatigil rin at nagtatakang tumingin sakanya. Lumingon siya sa direksyon kung nasaan ang tatlo nilang bihag. Dahan-dahan niyang ibinaba ang takip niya sa mukha at si Chloe pala ang matangkad na yun. Pati ang dalawa niyang kasama ibinaba narin ang mga takip nila sa mukha at sila pala ay sila Cattleya at Trinity. Nagsimula nang maglakad pabalik si Chloe kung nasaan ang tatlo. "Teka Chloe! Ibalik mo ang mask mo! Malalaman nilang tayo to." sabi ni Trinity. Lumingon sakanya si Chloe. "Wag na kayong mag-alala. Hayaan niyo kung malaman nilang tayo to." "Chloe anong pinagsasabi mo? Anong hayaan?" tanong ni Cattleya. "Hayaan niyong malaman nila kung tayo to. Tutal, mawawala narin sila dito sa mundong to. Ngayon mismo." pagkatapos niyang sabihin yun ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Sumunod nalang sakanya ang dalawa kahit pa nag-aalangan sila sa gustong gawin ni Chloe. Inalis narin ni Staniel ang tali ni Mira tapos yung kay Stacy. Tumayo na sila at nagyakapan silang tatlo. Hinalikan rin sa buhok ni Staniel ang kakambal niya. Bumitaw sila sa yakap. "Tara na. Kailangan na nating makaalis dito. Wala naman silang mga tauhan kaya madali tayong makakaalis dito." sabi ni Staniel sa dalawa. Tumango lang sila. "Tara na." sabi ni Staniel. Papunta na sana sila sa pinto nang mapatigil sila. Nanlaki ang mata nila. "At saan niyo balak pumunta?" "C-Chloe?" tanong ni Mira. Nabigla sila dahil nandun ulit ang tatlong babae kanina. Pero ang mas kinagulat nila ay kabarkada nila yun. Sila Chloe, Cattleya at Trinity. "Yup. Kami nga to." sagot ni Chloe. "Bakit?" tanong ni Stacy. "Anong bakit?" tanong ni Chloe. Nananahimik lang si Cattleya at Trinity dahil nag-aalangan parin sila sa gustong gawin ni Chloe. "Bakit niyo to ginagawa samin?" tanong ni Stacy. "Simple. Dahil nakakaasar kayo. Lagi nalang kayong tatlo ang bida. Pasalamat nga ang dalawa pang Buan dahil tatlo lang kami. Kaya tatlo nalang ang kinuha namin." sabi ni Chloe. "Napakasama mo." sabi ni Mira. "Masama na kung masama wala na akong pakielam. Basta nakakaasar na kayo. Lagi nalang kayo ang magaling sa mata ng lahat. Pati sa mga magulang namin. At lagi nalang kaming kino-compare sainyo." sabi ni Chloe. "Tingin mo ba Chloe ginusto namin yun? Hindi Chloe. Wala kaming ginusto sa mga nangyayari samin. Madalas kayo i-compare ng parents niyo samin? Bakit kami tingin niyo hindi nila kino-compare? Kino-compare rin kami ng parents namin sa older twins ng family namin na sila Kuya Timoti at Ate Rose Ann at sa pinakamatanda saming si Kuya Carl. Same with Buan siblings. Kino-compare rin sila kila Ate Grace, Kuya Jayson, at Ate Stephanie. Kaya pare-pareho lang tayo. So please, stop this Chloe." sabi ni Staniel. "NO! Wala akong pakielam! Kung kayo, hindi nakakaramdam ng galit, ako galit na galit ako sainyo. At sisiguraduhin kong hindi na kayo sisikatan pa ng araw." Pagkatapos niya sabihin yun, nilabas niya ang kutsilyo niya. "Chloe!" sabay na sabi ni Cattleya at Trinity. Habang sila Staniel, Stacy at Mira ay takot na takot na. Nagkatinginan sila. "Seryoso ako sa mga sinabi ko." sabi ni Chloe habang nakatingin sa tatlo. "Chloe please itigil mo na to." sabi ni Mira. "Hindi." sabi ni Chloe. "Please." sabi pa ni Mira. Nagsimula nang maglakad si Chloe palapit sa tatlo. "Pag sinabi kong hindi..." ilang hakbang nalang at malapit na talaga siya sa tatlo ng bigla niyang itaas ang kutsilyo at handa na siyang saksakin si Mira dahil siya ang katapat niya. "HINDI!" sigaw niya at sasaksakin na sana si Mira ng bigla siyang yakapin ni Staniel kaya naharangan niya si Mira. Pero nahawakan ni Stacy ang kamay ni Chloe bago pa niya maisaksak yun sa kakambal niya. "Stacy..." mahinang sabi ni Mira at narinig yun ni Staniel. Kaya bumitaw siya sa yakap at humarap at nakitang nakaharang si Stacy at hawak ang kamay ni Chloe kung nasaan ang kutsilyo. "CHLOE TIGILAN MO NA TO!" sigaw ni Stacy. "AYOKO! TUMABI KA DIYAN!" sigaw rin ni Chloe. Pero hindi tumatabi si Stacy. "Ang sabi ko...TUMABI KA DIYAN!" at naitulak ni Chloe si Stacy ng malakas dahilan para mapahiga siya sahig. Pero bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig, tumama ang ulo niya sa lamesa. Kaya nung bumagsak siya sa sahig nawalan siya ng malay at may dugo siya sa ulo. "STACY!" sigaw ni Staniel. Nakatingin siya kung nasaan si Stacy kaya hindi niya napansin na papalapit na sakanya si Chloe. "STANIEL!" sigaw ni Mira. Napaharap si Staniel at nakitang sasaksakin na siya ni Chloe. Para siyang naging istatwa. Nagulat nalang siya nang biglang may nag-ikot sakanya dahilan para ang taong yun ang masaksak. Nung napalingon siya... "Mira..." Unti-unti na siyang natutumba at hawak lang siya ni Staniel hanggang sa tuluyan na siyang natumba habang hawak parin siya ni Staniel. "Mira..." hinawakan niya sa pisngi si Mira at sinusubukang gisingin. "Staniel..." mahinang sabi ni Mira. "Mira...wag. Please wag mo kong iiwan." sabi ni Staniel habang umiiyak. "Wag kang mag-alala. Diba nga Death can't keep us apart." Ngumiti si Mira. Umiiling si Staniel habang umiiyak. "Mira wag mong sasabihin yan. Please." "Saranghaeyo." [I Love You.] At tuluyan na siyang nawalan ng malay. "Mira. MIRA!" sigaw ni Staniel. Kaya hindi niya napansin na kumuha si Chloe ng isang tubo. Napalingon si Staniel kay Stacy. Binitiwan muna ni Staniel si Mira at pinuntahan ang kakambal niya. "Stacy. STACY!" sinusubukan niyang gisingin si Stacy pero wala. "Stacy. Wag naman pati ikaw please. Twin..." sabi ni Staniel habang umiiyak. Hindi niya napansing medyo nakabukas ang mata ni Stacy kaya nakita niya na papalapit na si Chloe sa kakambal niya. Gusto niya sanang sabihin pero wala na siyang lakas. "Pwede ka nang sumama sakanila." Napalingon si Staniel sa nagsalitang yun. Pero saktong paglingon niya pinalo siya ng malakas sa ulo ng tubo. At nakita yun ni Stacy. Pero mas lalo siyang nanghina kaya napapikit nalang ulit siya at nawalan ng malay at magkatabi sila ng kakambal niya. Sabay na napadilat at napa-angat ng ulo ang kambal. Napaupo sila at napasandal sa puno. Pero si Staniel, tumayo siya agad at sinimulan na ulit hanapin ang kakambal niya. ------------------------------------EPISODE 11: TWINS FORGOTTEN MEMORIES, REMEMBERED------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD