Tristen's POV
"Wala nga sila dito!" sabi ni Kasey.
"Nasaan sila?! Saan dinala ng kapatid mo ang kakambal ko?!"
"Wala akong ideya Staniel! Ni hindi ko nga alam na umalis sila e!"
"Kapag may nangyaring---"
Napahawak ako sa dibdib ko. Sumasakit na naman.
"Staniel?"
"Kapag may nangyari lang talaga sa kakambal ko tandaan mo, hindi ako magdadalawang isip na isunod si Ethan kay Solem."
"Bakit ba ang init ng ulo mo kay Ethan?"
"Dahil pinaglalaruan niya lang ang kapatid ko!" napasigaw na ako.
"Alam mo?"
"Oo. Accidentally na na-record ni Stacy ang pag-aaway niyo."
"ANO?! Ibig sabihin, that time, alam na niya?"
"Malamang. Kaya hindi ko mapapatawad si Ethan."
"Hindi mo ba alam na kaalis ni Stacy, inamin sakin ni Ethan na mahal na niya si Stacy? Kaya wala na siyang balak pang ituloy ang plano niya. Pero tingin mo papayag ako dun?"
"Ano? Ibig sabihin..."
"Oo. Pati si Ethan ngayon, kalaban ko narin. Kakampi niyo na siya. Alam mo, pwedeng-pwede na kita patayin ngayon. Pero hindi naman ako ganun kasama. Kaya hahayaan ko munang magsama kayo ulit ng kakambal mo. At sabay kayong mawawala sa mundo. Twins nga diba? Together Forever."
Ewan ko pero natakot ako kay Kasey ngayon.
"Kasey..."
Tinignan niya ako ng masamang tingin.
"Umalis ka na dito habang kaya ko pang magpigil. Dahil kung hindi, baka hindi na kayo magkita ulit ng kakambal mo bago ka man lang magpaalam sa mundo."
Umalis nalang ako dun.
Ibig sabihin, ligtas ang kakambal ko. Dahil si Ethan ang kasama niya.
Pumunta ako dito sa favorite place ko. Umupo ako sa hagdan dito. Inilagay ko ang hintuturo ko sa noo ko. Gagamitin ko ang psychic ability namin para mahanap ko siya agad. Nag-concentrate na ako.
Nakita kong maraming puno. Parang gubat. At natutulog sila ni Ethan. Nakasandal sa puno si Ethan at nakahiga naman sa hita ni Ethan si Stacy.
Napadilat ako.
Alam ko na kung nasaan sila.
Ang exact location nila.
Tumayo na ako pero bago pa ako makaalis dun napatingin ako sa pinto dito. Naka-awang ang pinto. Mukhang may nagbukas ah. Pero hinayaan ko nalang yun. Mas kailangan ko munang mahanap ang kakambal ko ngayon.
--------------------
Tricia's POV
28th day of the 30 days deal
Nagising ako at napansin kong nakahiga pala ako sa hita ni EJ. Umupo na ako ng maayos.
Tinignan ko siya.
Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ko ang noo niya.
Tumayo muna ako at naglakad-lakad. Medyo lumayo lang muna ako kay EJ. Umupo ako at sumandal sa isa sa mga puno dito.
Naiisip ko na naman ang kakambal ko. Kahit na sinaktan niya ako, kakambal ko parin siya. Pakiramdam ko kulang ako pag wala siya. Sabay kaming pinanganak sa mundong to. Sabay kaming lumaki at hinarap lahat ng pagsubok na dumating sa buhay namin. Tapos ngayon, eto magkahiwalay kami.
At dahil yun sa akin.
Dahil mas pinili kong kampihan ang taong mahal ko.
Napatingin ako sa side ko. Pero laking gulat ko nang may makita akong gitara sa tabi ko.
"Wala naman to kanina ah." sabi ko.
Sigurado akong wala to kanina.
Pero may napansin ako sa gitara. Kaya kinuha ko yun. Napatingin ako sa likod niya. May papel na nakadikit dun na may nakasulat na "EJBuan".
"Teka...Hindi ba ito yung kay EJ?" sabi ko.
Pero binalik niya to sa bahay nila.
Bigla kong naalala si Ate Solem.
Lumingon ako sa paligid. Pero wala namang ibang tao o multo. Nung tumingin ulit ako sa gitara, bigla ko naalala ulit ang kakambal ko.
Kaysa isipin ko pa kung paano to napunta dito, nagdecide akong tumugtog nalang. Yung paboritong kanta ni Staniel.
Nagsimula na akong mag gitara at kumanta.
Now Playing: Sa'yo by Silent Sanctuary
♪♫ Minsan oo minsan hindi
Minsan tama minsan mali
Umaabante umaatras
Kilos mong namimintas
Hindi ko naiwasang maalala yung sinabi sakin ni Staniel nung kinanta niya to.
---FLASHBACK---
Kumakanta si Staniel.
♪♫ Kung tunay nga ang pag ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo
Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
Sayo lang ang puso ko' ♪♫
"Ang galing mo naman Twin. The best ka talaga." nag two thumbs up pa ako.
"Ikaw talaga." sabi niya.
"Seryoso ako Twin. Sigurado ako, kung kakantahin mo yan sa taong gusto mo, sasagutin ka niya agad."
"Yun talaga agad ang inisip mo noh?"
"Oo naman. Diba yang kantang yan para sa taong gusto mo?"
"Pwede. Pero Twin, para rin sayo to."
"Ha? E pang mag boyfriend/girlfriend kaya yung lyrics."
"Hindi naman lahat nung lyrics e. Tsaka Twin, tandaan mo, bago ako gumawa ng mga bagay-bagay para sa taong gusto ko, uunahin kita. Dahil kakambal kita. Marami tayong di napagkasunduan, nakaranas rin tayo ng mga ups and downs sa buhay. Pero tandaan mo, kahit ano pang pagdaanan natin, kahit pa tayo ang maging pinakamahirap na tao sa mundo, wala akong pakielam, basta magkasama tayo. At lagi mong tatandaan na mas pipiliin kita kaysa sa taong gusto ko. Ikaw lagi ang uunahin ko. At kahit ano pang mangyari, tandaan mo na handa akong isigaw sa mundo na ikaw ang kakambal ko at mahal na mahal kita. Dahil ikaw ang other half ko."
Maluha-luha ako sa sinabi ni Staniel. Ngumiti ako.
"Thank You Twin. I Love You My Other Half."
"I Love You Too My Twin." at nagyakapan kami.
---END OF FLASHBACK---
Napaiyak na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Dahil naalala ko na naman ang sinabi niyang yun.
Mas pipiliin niya ako kaysa sa taong gusto niya, pero ako mas pinili ko ang taong gusto ko kaysa sa kanya. Kung may gusto man akong sabihin sa kanya ngayon yun ay...
"I'm sorry Twin." sabi ko habang umiiyak ako.
Nung naalala ko si Ethan, may naisip akong tugtugin na gusto kong sabihin sakanya.
Nagsimula na akong mag-strum at kumanta.
--------------------
Ethan's POV
Nagising ako na mag-isa na lang ako.
Nasaan si Stacy?
May narinig akong nag-gi-gitara.
Imposibleng si Stacy yun dahil wala naman kaming dinalang gitara. Sinundan ko yung tunog. Laking gulat ko nang si Stacy nga ang tumutugtog.
Saan naman niya galing ang gitara niya at...at...sakin ang gitarang yun ah.
Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya siguro di niya ako napapansin. Pinakinggan ko nalang yung kinakanta niya.
Now Playing: Impossible by Maddi Jane
♪♫ I remember years ago
Someone told me I should take
Caution when it comes to love
I did, I did
And you were strong and I was not
My illusion, my mistake
I was careless, I forgot
I did, I did
And now when all is done
There is nothing to say
You have gone and so effortlessly
You have won
So can go ahead tell them
Tell them all I know now
Shout it from the roof top
Write it on the sky love
All we had is gone now
Tell them I was happy
And my heart is broken
All my scars are open
Tell them what I hoped would be
Impossible, impossible
Impossible, impossible
Bakit feeling ko para sakin tong kantang to?
Falling out of love is hard
Falling for betrayal is worst
Broken trust and broken hearts
I know, I know
Thinking all you need is there
Building faith on love is worst
Empty promises will wear
I know (I know)
And now when all is gone
There is nothing to say
And if you're done with embarrassing me
On your own you can go ahead tell them
Tell them all I know now
Shout it from the roof top
Write it on the sky love
All we had is gone now
Tell them I was happy
And my heart is broken
All my scars are open
Tell them what I hoped would be
Impossible, impossible
Impossible, impossible
I remember years ago
Someone told me I should take
Caution when it comes to love
I did
Tell them all I know now
Shout it from the roof top
Write it on the sky love
All we had is gone now
Tell them I was happy
And my heart is broken
All my scars are open
Tell them what I hoped would be
Impossible, impossible
Impossible, impossible
Impossible, impossible
Impossible, impossible
I remember years ago
Someone told me I should take
Caution when it comes to love
I did ♪♫
"Stacy..." napatingin siya sakin at mukhang gulat.
"EJ. Kanina ka pa ba diyan?"
"Hindi naman. Yung kanta...para sakin yun...diba?"
"Ha? Hindi ah. Bakit mo naman nasabi yun?"
Umupo na ako sa tabi niya.
"Stacy,okay lang. Alam ko naman e."
"Ang alin?"
Tumingin ako sakanya.
"Alam kong alam mo na ang plano namin ng kapatid ko."
"EJ..."
"Pero gusto kong malaman mo, na wala na akong balak pang ituloy yun."
"Ha? Bakit?"
"Bakit? Kasi mahal kita."
Nanlaki ang mata niya.
"A-anong sabi mo?"
"Mahal kita."
Ngumiti siya kahit teary-eye na siya.
"Salamat."
"Saan?"
"Kasi pareho pala tayo ng nararamdaman."
"So it means..."
"Yes. Mahal rin kita."
Lumaki ang ngiti ko at niyakap ko siya. Niyakap ko siya nang sobrang higpit.
"Mahal kita Tricia Stacy Naluz." sabi ko habang magkayakap parin kami.
"Mahal rin kita Ethan Jay Buan." sagot naman niya.
Kumalas na kami sa yakap.
"And even death wouldn't keep us apart." sabay naming sabi.
--------------------------------------------------------------EPISODE 9: CONFESSION--------------------------------------------------------------