Tricia's POV
Nanlaki ang mata ko at napatakip ako sa bibig ko.
Bangkay nga ito.
Pero ang mas nakapagpatindig ng balahibo ko, ay dahil siya si....si...si...
MIRA!
Sigurado akong siya to.
Ibig bang sabihin nito all this time multo ang kausap namin? Multo ang kasama namin?
Inalis ko na nang tuluyan ang kumot at nakita ko ang damit niya at may dugo sa bandang tagiliran niya. Parang nasaksak siya. Yung damit niya, yun yung lagi naming nakikitang suot niya.
Akala namin nagkakataon lang na yun ang suot niya kapag nagkikita kami, yun pala, dahil multo na siya.
Nabigla ako nang magring ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Twin. Hindi ko alam kung bakit, pero sinagot ko ang tawag niya.
"Twin..."
[Stacy? Nasaan ka? Don't tell me nakila EJ ka?]
"Twin..."
Alam kong nanginginig ang boses ko dahil sobrang natatakot na talaga ako.
[Twin? Okay ka lang ba? Bakit parang takot na takot ka? Look, I'm sorry sa nagawa ko sa'yo kanina. Nabigla lang ako.]
Pinagmasdan ko ang mukha ni Mira. At naisip kong may hawig siya kay EJ at Louise.
Don't tell me...
"Twin...ano yung buong pangalan ni Ate Solem?"
[Ha? Bakit?]
"Sagutin mo nalang!"
[Ah...Sandali...Solem M-May? Hindi. Ah! Solem Mira Buan. Oo tama. Solem Mira. Bakit?]
Napatakip ako sa bibig ko.
No way!
"It can't be."
[Nasaan ka ba Stacy?]
Binaba ko nalang ang tawag.
I need to make sure.
Tumakbo ako papunta sa bahay nila EJ. Nung nakarating ako dun pumasok agad ako. Pagkapasok ko nakita ko ang mga pictures nila. Didiretso na sana ako sa taas dahil alam kong nandun si EJ nang may isang picture dun na nakakuha ng atensyon ko.
Tatlo sila sa picture.
Kinuha ko ang picture na yun. Ang nasa picture ay si Ethan, si Louise at...si...Mira.
"Stacy?"
Napatingin ako kay EJ.
It can't be right?
"EJ...s-sino to?"
Tinuro ko si Mira sa picture. Baka naman may pagkakahawig lang talaga sila ni Mira sa picture na to.
"Ahh...si Ate Solem yan."
"Anong buong pangalan niya?"
"Solem Mira Buan. Pero Mira ang tawag natin sakanya. Kapag magpapakilala siya sa di niya kilala o kaya di siya naaalala, Mira ang pakilala niya."
May sasabihin pa sana ako nang mapatingin ako sa likod niya.
Si...si...si....Mira nandun.
Nakatingin sakin nang malungkot at parang yung mukhang nagso-sorry.
Naramdaman kong sumasakit na naman ang dibdib ko. Ibinalik ko na ang picture kung san ko yun kinuha.
Biglang may nagtext sakin.
Fr: Twin
You're with Ethan right? I'm on my way right there.
Nanlaki ang mata ko.
"Stacy? May problema ba?"
"Umalis na tayo dito. Hindi ka pwede dito."
"Ha?"
"Let's go."
Hinawakan ko na ang wrist niya at hinila siya paalis sa lugar na yun.
Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa nakarating kami sa isang unfamiliar place. Basta maraming puno. Mukhang forest siya.
Tumigil kami sa pagtakbo. Napahawak ako sa dibdib ko. Tingin ko mas sumakit to dahil tumakbo kami.
"Stacy? Anong nangyayari sa—-ARAY!"
Napatingin ako kay EJ. Nakita kong may sugat siya sa hita niya.
"Napano yan?" tanong ko kahit hinang-hina na ako.
"Nasugat lang siguro sa mga halaman diyan."
"Pasensya ka na. Hindi ko man lang napansin na nasugat ka na dahil sa paghila ko sayo sa kung saan."
"Ano ka ba! Ayos lang."
"Halika dito muna tayo."
Umupo muna kami.
Siya sumandal sa isang puno. At ako nakaharap sakanya. Buti may panyo ako at yun ang ginamit kong pantali sa sugat niya.
"EJ...Nan jeongmal dangsin-eul joh-a." [I really like you.]
Hindi ako tumitingin sakanya.
Nakatingin lang ako sa sugat niya na tinatalian ko ng panyo. Ramdam ko rin na hinang-hina na ako.
"Wala akong pakielam...kung nakikipaglaro ka lang sakin...Wala rin akong pakielam...kung ayaw mo sa akin. Basta ako...gusto kita."
Then everything went black.
--------------------
Ethan's POV
Napasandal ang ulo ni Stacy sa balikat ko.
Nawalan siya ng malay. Inihiga ko nalang siya sa hita ko kung saan wala akong sugat.
"Stacy...alam ko namang alam mo na. Alam kong alam mo na, ang plano dapat namin ng kapatid ko. Akala mo ba hindi ko naintindihan yung tungkol sa sinabi mo noon na gusto mong makipaglaro? At oo, tama ka, hindi kita gusto. Alam mo kung bakit? Kasi mahal na kita. Mahal na mahal."
Hinaplos ko ang pisngi niya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
Nag-decide nalang rin ako matulog. Isinandal ko nalang rin ang ulo ko dito sa puno at natulog ng hawak ang kamay ni Stacy.
Dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit to mahahawakan.
-----------------------------------------------------EPISODE 8: HER SECRET REVEALED-----------------------------------------------------