EPISODE 2: The Buan Siblings

1381 Words
Tristen's POV Nandito ako ngayon sa sala habang nagbabasa ng pocket book nang bigla akong lapitan ng kakambal ko. "Twin, let's go to the park." "Park? Why?" "Nothing. Na feel ko lang na gusto kong pumunta dun. Ano? Let's go?" Tumango ako and smiled at her. "Okay. Let's go." Sabay kaming pumunta sa mga sariling kwarto namin, at nagpalit ng damit. -------------------- At the park... Naglalakad ako ngayon sa park. Si Stacy? Ayun, may kikitain daw sandali sa mall. Naglalakad lang ako dito sa park nang maramdaman ko nalang na may tumama sa kamay ko na matigas na bagay. Napalingon ako pero halos lahat ng nasa likod ko busy sa mga ginagawa nila. Napatingin ako sa baba at may nakita akong... PAPEL?! Crumpled paper to be exact. Teka, ito ba yung tumama sakin? Bakit parang ang sakit nung tumama sakin? Pinulot ko nalang yung papel at binuksan ito. Binasa ko ang nakasulat... "UMALIS KAYO DITO KUNG HINDI TUTUPARIN KO ANG PANGAKO KO." Kumunot ang noo ko. Bakit feeling ko para sakin talaga 'tong sulat? Medyo natakot ako sa una dahil dun sa umalis na daw kami dito pero napalitan yung takot na yun ng curiosity dahil dun sa pangako. Ano kaya yun? Hayaan ko na nga. Baka para sa iba to. Sakin lang talaga tumama. Crinumple ko nalang ulit yung paper at hinagis ko nalang sa likod ko yung papel ng hindi tumitingin sa likod. Aalis na sana ako nang... "ARAY!" Napalingon ako at napansin ko yung babaeng nakahawak sa ulo niya. Pero nung nakita ko yung papel malapit sakanya, dun ko na-realize na sakanya pala tumama yung papel na binato ko sa likod. Nasaktan rin siya? Ano kayang klaseng papel yun? Agad ko siyang nilapitan. "Miss, sorry hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na may tao pala sa likod ko. Sorry." Tinignan niya lang ako ng...masama? Or dapat yata...emotionless? Hindi ko kasi maintindihan yung tingin niya kasi hindi ko mahulaan. Basta ang alam ko lang, natakot ako sa tingin na yun. Hindi siya nagsalita at umalis na. Pero dahil guilty ako sa nagawa ko sinundan ko siya. Nung malapit ko na siyang maabutan bigla siyang tumigil kaya pati ako napatigil. Ewan pero natatakot ako. Bigla siyang nagsalita. "Umalis na kayo dito." cold niyang sabi. "Ha? Bakit ba parang gustong-gusto kaming paalisin sa lugar nato?" Kasi pati kanina sa crumpled paper ang nabasa ko ay umalis na kami dito. Mas nangilabot ako nang humarap siya sakin gamit ang mga emotionless eyes niya. "Gusto mo bang mapahamak na naman ang kakambal mo?" Hindi ko alam pero biglang nawala lahat ng takot ko sa babaeng ito. Feeling ko kasi nag-aalala siya samin ng kakambal ko—- TEKA! Paano niya nalamang may kakambal ako? "Paano mo nalamang may kakambal ako?" "Nandiyan na siya. Huwag ka nang umaktong kausap mo ko. Magmumukha ka lang tanga." then she smiled. SERIOUSLY?! Hindi ko maintindihan ang babaeng to e. Kanina ang cold sakin ngayon nilalait pa ko. "Wala pa siya. Paano mo naman nasabing nandiyan na siya?" Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay tumingin siya sa likuran ko. Nagtaka naman ako kaya tumingin rin ako sa likod ko. Si Stacy nandun na nga. Tsaka yung tingin niya parang...naguguluhan? "Twin." tawag ko sakanya. Lumapit siya sakin pero ganun parin ang mukha niya. "Twin...sinong kausap mo? Bakit parang may kinakausap ka kanina?" Tumingin ako sa harap ko at wala na yung bipolar girl na yun. "Ahh wala. Alam mo naman mahilig ako magsalita mag-isa." "Be careful. Baka mabaliw ka na nang tuluyan." "Tuluyan? Anong sinasabi mo? Mukha na akong baliw ganun ba?" She just rolled her eyes. "Tara na nga. Uwi na tayo. Baka lumala ka pa Twin." Tapos nauna na siyang maglakad sakin. "Twin! Anong sinasabi mo? Wala akong sakit. Paano ako lalala? Twin!" Humabol na ko sakanya. At naglakad na kami para makauwi na kami. -------------------- Tricia's POV Nauna na akong naglakad sa kakambal ko. Kinakabahan ako para sa kakambal ko. Mukhang may nakikita siyang hindi ko nakikita. Sigurado akong may kinakausap siya kanina. Nakita kong may hahabulin ata siya pero biglang tumigil tapos parang may kinakausap siya. Weird diba? "TRICIA!" napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kakambal ko. Ayaw niya nang hindi siya pinapansin e. Basta tinawag namin sa first name, ibig sabihin nun galit na kami. Kahit kambal kami, natatakot parin naman ako sakanya. "Why?" "Seryoso ako. Wala akong sakit. Ok?" "Alam ko naman yun Twin e. Kaso para ka kasi talagang tang—-ARAY!" Nagulat nalang ako ng biglang may nanghila ng buhok ko mula sa likod at hinila ako palapit sakanya. Nung nakita ko ang mukha niya... "Gustong-gusto niyo talaga nasasaktan noh? Alam na alam niyo kung saan kami pupunta." sabi ni Kasey. Si Louise Kasey Buan. Kapatid siya ni Solem. At kaya siya ganito samin ay dahil galit na galit sila ng kapatid niyang si Ethan Jay Buan samin ng kakambal ko. Dahil iniisip nilang kami ang dahilan kung bakit wala na si Solem ngayon. "Louise ano ba! Nasasaktan ako!" sigaw ko. Kasi masakit ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Kasey! Bitiwan mo si Stacy!" sabi naman ni Twin. Nag-smirk lang siya. Kinuha niya ang phone niya at may dini-al. "Pumunta ka na dito. Panggulo si TWIN e." pagkatapos nun binaba na niya ang tawag. Hindi ko alam pero kinabahan ako. Kinabahan ako para sa kakambal ko. Dahil alam kong kahit ano gagawin niya wag lang ako ang masaktan. "Twin..." mangiyak-ngiyak kong sabi dahil sa sobrang kaba. Kung nagtataka kayo bakit walang nakakakita, halos wala nang tao kasi sa part ng park na to. At mahirap mapansin kung nasaan kami. "Twin wag kang mag-alala. Yan lang ang aabutin mo. That's a promise." sabi niya. "Talagang ito lang ang aabutin niya..." sabi ni Louise ng nakatingin sakin with a devilish smile. Then tumingin siya kay Twin still wearing her devilish smile. "...kung mawawala ka na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. No way! Hindi naman nila kayang pumatay o magpapatay diba? Hindi. Hindi nila gagawin yun. "Twin..." napatingin ako sakanya pero laking gulat ko nang papalapit na sakanya si Ethan. Nakatalikod siya sa direksyon ni Ethan. "TWIN!" sigaw ko. Pero bago pa siya makalingon ay naiharap na siya ni Ethan sakanya at sabay suntok dahilan para mapahiga sa sahig ang kakambal ko. "TWIN! LOUISE ANO BA! BITIWAN MO AKO!—-ARAY!" Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa buhok ko. "TWIN!—-" Naputol ang sasabihin ni Staniel dahil tinadyakan siya ni Ethan sa tiyan. "TWIN! Tama na please! Louise! Ethan! Tama na!" umiiyak kong sabi dahil kakambal ko na naman ang nasasaktan ngayon. Pero hindi tinantanan ni Ethan ang kakambal ko. Tinatadyakan niya sa tiyan at sinisipa. Lumayo si Ethan sa kakambal ko. Akala ko aalis na siya...pero kinabahan na ako nung nakita kong kumuha siya ng malaking kahoy. Hindi pwede! Kailangan ko iligtas ang kakambal ko. "ETHAN! WAG MONG GAGAWIN YAN! NAGMAMAKAAWA AKO!" iyak lang ako ng iyak dahil sa nararanasan ng kakambal ko para lang mailigtas ako. Punong-puno na ng sakit at galit ang dibdib ko. Kaya inipon ko ang lahat ng lakas ko at pinilit kumawala kay Louise. Nung nagawa ko nang makatakas sa kanya hinarap ko siya at sinuntok dahilan para mapahiga siya. Oo suntok para patas sa mga ginawa nila sa kakambal ko. Nung lumingon ako kay Ethan nakita kong pupukpukin na niya ang kakambal ko ng malaking kahoy kaya bago pa niya maipukpok yun ay sinalo ko ang kahoy para hindi tumama sa kakambal ko. Nung ginawa ko yun medyo sumakit ang ulo ko at parang may nakita akong halos same scene pero blurred. Hinayaan ko nalang yun. Katulad nang ginawa ko kay Louise sinuntok ko siya at itinulak ng malakas. Sa lakas ng impact nang ginawa ko sakanya napahiga na siya at nabitawan niya ang kahoy niyang hawak. Kinuha ko agad ang kahoy. Si Louise? Mukhang napalakas yata ang suntok ko kaya nawalan ng malay. Pero si Ethan, nakita kong tumatayo siya. Nung nakatayo na siya sakto nakatalikod siya sa direksyon ko kaya pinalo ko nalang siya ng kahoy at tuluyang nawalan ng malay. Nilapitan ko agad ang kakambal ko. Hindi naman siya nawalan ng malay pero nanghihina siya. Kaya inalalayan ko siyang tumayo at umalis na kami sa lugar na yun. --------------------------------------------------EPISODE 2: THE BUAN SIBLINGS--------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD