EPISODE 3: 30 Days Deal

1576 Words
Tricia's POV After 3 days... Naglalakad kami ni Staniel ngayon dito sa compound. Tatlong araw na ang nakalipas mula nung araw na pinahirapan na naman kami nila Louise. Buti nalang ngayon, magaling na ang kakambal ko. "Twin. Bakit ba ganun nalang ang galit nila Louise satin?" bigla ko nalang natanong kay Staniel. "Hindi ko rin alam Twin. Hindi ko rin alam." "Alam mo Twin, okay lang sana saken e. Kahit na lagi nila tayong pinapahirapan. Basta alam natin ang dahilan. Pero yung ganito, na hindi naman natin alam kung ano bang kasalanan natin sakanila, sobra e." "Wala namang kaso sakin ang mga p*******t nila sakin e. Alam mo ba kung bakit?" Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya. Kaya pati siya tumigil sa paglalakad at humarap sakin. "Bakit?" "Kasi umaasa ako na baka isang beses, sa p*******t nila sakin, ilalabas nila ang sama ng loob nila satin. To the point na bigla nalang nila masasabi kung bakit sila galit satin. But that moment never came. Isang taon na nila tayong pinapahirapan, pero yung ipaalam man lang satin ang dahilan nila, hindi nila nagawa." Naglakad na kami ulit. "Hayaan nalang muna natin Twin. Malay mo, one of these days, may makilala tayo na pwedeng makatulong satin makaalala. At kapag nangyari yun, baka malaman narin natin yung dahilan kung bakit ganun sila Kasey satin." sabi ko. "Mas okay sana kung si Solem nalang ang makita natin. Kasi mga kapatid naman niya yun e." "Tss. How I wish Twin. Kahit makita pa natin ang kaluluwa niya, hindi naman natin malalaman kung siya na yun e. Diba nga simula nung aksidente, pinakilala lang yung mga kababata natin satin. Pero si Solem na wala na, pinaalam lang yung pangalan niya, pero ni hindi sila nagpakita ng picture." "Magpapakilala naman siguro siya." "Sana. At sana rin tumigil muna sila Louise sa pagpapahirap satin kahit ngayong buwan lang nato." "Okay lang yan Twin. Diba nga ang motto natin..." Tumigil kami sa paglalakad at nagtinginan muna kami ng kakambal ko. "No Pain, No Game." sabay naming sabi ni Twin. Nagtawanan nalang kami. At nagpatuloy sa paglalakad. Yup yan ang motto namin. Hindi 'No Pain,No Gain'. Dahil para samin, ang buhay ay parang isang laro. At kailangan mong makipaglaro para makasurvive. Pero hindi pwedeng hindi ka makaranas ng pain habang nakikipaglaro ka. "Twins." napatigil kami sa paglalakad ni Staniel. Alam namin kung kanino boses yun. Kagagaling palang ng kakambal ko, wag muna ngayon please. Dahan-dahan kaming humarap sa taong yun ng kakambal ko. "Anong kailangan mo Ethan Jay?" tanong ni Staniel kay Ethan. Oo, si Ethan ang nandito. Buti nga wala si Louise e. Nakakapagtaka ata. E laging magkasama ang magkapatid na yan e. "Easy. Hindi ako nandito para pahirapan kayo. Nandito ako para makipag-ayos." Nagkatinginan kami ni Staniel. Parehong nagtataka ang mga mukha namin. Si Ethan? Makikipag-ayos samin? Seriously?! Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito? "Niloloko mo ba kami? Hindi ba sinabi mo noon, wag kaming umasang magkakaayos tayo nila Kasey. Dahil mangyayari lang yun, kapag bumalik si Solem." sabi ko. "I'm sorry ok? Inaamin ko, nung una galit talaga ako sainyo. At sabi ni Kasey sakin, dapat maipaghiganti namin si Ate Solem. Kaya ang sabi niya, we should make your life a living hell. Pero last time, nung time na ikaw na Stacy ang lumaban, dun ako na-guilty. Ewan. Siguro kasi nakita kong gagawin niyo ang lahat mailigtas lang ang isa't-isa. Dahil dun naalala ko si Ate Solem. Lahat gagawin niya mailigtas lang kami. Ako, nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sainyo. Pero wag kayong umasang pati si Kasey magiging mabuti sainyo. Dahil punong-puno parin ng galit ang puso niya. Pero pinapangako ko, susubukan ko kayong protektahan sa kanya." ramdam ko yung sincerity sa boses niya. Pero hindi ko alam kung bakit parang may part parin sakin na ayaw maniwala sa kanya. "Po-protektahan mo kami? Sa kapatid mo? Seryoso ka ba?" tanong ko. "Seryoso ako Stacy. Please maniwala kayo sakin." "Di mo kami masisisi kung di kami agad maniniwala sayo. Pagkagising namin galing sa coma, wala kaming maalala. Tapos bigla nalang nung nagkita tayo, galit na galit na kayo samin. Ilang beses niyo kami sinaktan, pinahirapan, nang hindi man lang sinasabi samin kung ano ba talaga ang nagawa namin." sabi ni Twin. "Sorry. Sorry talaga. Kahit na gusto kong sabihin, hindi pwede. Utos yun nila tita pati nila mama. Gusto nila na makaalala kayo sa sarili ninyong paraan. Dahil kayo lang ang makakagawa ng paraan para maalala niyo ang lahat. Besides, sa inyo memories yun." Nagkatinginan kami ni Twin. Pagkatapos tumingin ulit kami kay Ethan. "Sige. Naniniwala na kami sayo." sabi ni Staniel kay Ethan. "Salamat. Salamat Twins. Pero...may isa sana akong hihilingin sainyo kung okay lang. Kailangan ko kasi talaga ng tulong niyo. To be specific, tulong mo Stacy." tapos tumingin siya sakin. Pumunta bigla sa harap ko ang kakambal ko. So ang kinalabasan, parang hinaharangan niya ako kay Ethan. "At anong tulong naman yan at kailangang si Stacy pa? Pwede namang ako." Tss. Protective Twin. Biglang tumawa si Ethan. "Staniel, kung pwede lang ikaw, sayo naman ako hihingi ng tulong e. Pero hindi mo kasi kaya yun e. Si Stacy lang may kaya nun." nakangiti niyang sabi kay Twin. "Ano ba yun EJ?" tanong ko kay Ethan habang nakaharang parin sakin si Twin. "Kailangan ko kasi ng magpe-pretend na girlfriend ko. Ayaw akong tantanan ni Chloe e. Ayaw niyang maniwala kapag sinabi kong may girlfriend na ako. Gusto niya daw may maipakita ako sakanya. At dapat daw magawa naming tumagal for 30 days. Pag nakita niyang umabot daw kami ng 30 days, titigilan na daw niya ako. Kaya kailangan ko talaga ng tulong mo Stacy. Staniel, ngayon, kaya mo bang mag-pretend na girlfriend ko? Kaya kay Stacy ako humihingi ng tulong." paliwanag ni Ethan. "Bakit kailangan pang Twin ko? Marami namang babae diyan ah." sabi ni Twin. "Staniel, ayaw ko naman sa ibang babae. Mas okay nang si Stacy atleast kilala ko diba?" "Bakit hindi sila Cattleya o kaya si Trinity?" "Kaibigan niya ang mga yun. Ayaw ko namang mag-away-away sila. Pero kung si Stacy, di naman nila sasaktan si Stacy nun e. 30 days lang naman e. Tsaka atleast, dapat lagi kong kasama si Stacy, so mas pwede ko siya maprotektahan." Nagbuntong hininga muna si Twin bago magsalita ulit. "30 days lang. SAKTONG 30 days." diniinan talaga ni Twin yung word na saktong. "Promise Staniel. Yung pretend 30 days. Pero kung mahulog ako sakanya, pwede ko ba siya ligawan for real?" Mas lalong humarang sakin si Twin. "Tignan natin kung magustuhan ka din niya." Ngumiti si Ethan. "Thank You Kuya Staniel." at nag-manly hug sila. Tapos tumingin siya sakin. "Thank You Stacy." lalapit sana siya sakin para yumakap pero humarang na naman si Twin sakin. "Ok na siguro. Nakapag-thank you ka na. Aalis na kami." sabi ni Twin. Tapos hinila na ako paalis ni Twin. Hindi ko alam kung na malikmata lang ako pero parang nakita kong nag-evil smile si Ethan. Sana naman namalik-mata lang ako. Sana rin totoo lahat ng sinabi niya. Sana... -------------------- Ethan's POV Pagka-alis nila nag-evil smile ako. Magaling talaga ako mag-acting. Hindi lang babae ang magaling sa acting. At oo, tama ang hinala ninyo, hindi totoo lahat ng sinabi ko sa kanila kanina. Pero yung sa girlfriend thingy medyo totoo yun. Yung ayaw akong tigilan ni Chloe. Pero hindi totoong may sinabi siyang dapat may maipakita akong girlfriend sakanya at tumagal kami ng atleast 30 days. Dahil ang tungkol sa 30 days na yun ay kasama lang sa plano namin ng kapatid ko. ---FLASHBACK--- "What?! Mag-sorry?! Makipagkasundo sakanila?! Are you out of your mind Ethan?!" pasigaw na sabi ni Kasey. "Kasey, not exactly na makikipagkasundo tayo. I mean, pretend. Mas mapapahirapan natin sila kung masasaktan sila emotionally diba?" "What? Ano bang plano mo?" "Ganito...I'll just do it myself dahil alam kong di mo kaya. Mag-so-sorry ako sa twins. Magkukunwari akong makikisama ako sakanila. But my main target is Stacy. Sasabihin kong kailangan niyang mag-pretend girlfriend ko for 30 days dahil kay Chloe. Sisiguraduhin kong mafa-fall siya sakin within 30 days. Then after 30 days, I'll tell her na everything was a play. Of course, she'll be hurt emotionally. At mas masakit yun compared sa p*******t natin sakanila physically diba? About Staniel, they're twins, siyempre magiging affected rin siya kapag nasaktan ang kakambal niya. Nice plan right?" pag-e-explain ko ng plano ko kay Kasey. Pero nagtaka ako sa itsura niya. Parang medyo worried? Don't tell me nag-aalala siya sa twins na yun? "Pero Jay, pwede mong mapatay si Stacy. Or worst mamatay ang kambal," halatang worried ang tono ng pananalita niya. "Sasaktan ko lang sila emotionally. Di ko na nun sila gagalawin. Paano ko sila mapapatay?" "Jay ano ba! Nakalimutan mo na ba? May sakit sa—-" "SHUT UP KASEY! Wala na kong pakielam kung mamatay sila. Mas okay nga yun e. Buhay ng kapatid natin ang nawala satin. Kaya buhay rin nila ang kapalit. Twins sila diba? Other half nila ang isa't-isa. Kaya katumbas ng buhay ng kambal ang buhay ni Ate Solem." pagkatapos nun umalis na ako dun. ---END OF FLASHBACK--- Pero hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng awa sa kambal kanina. Nung nakita ko kung paano protektahan ni Staniel si Stacy, parang ngayon palang nagu-guilty na ako. Lalo na nung sinabi nilang naniniwala sila sakin. Pero hindi! Hindi pwede! Malaki ang kasalanan nila samin. At dapat lang na pagbayaran nila yun. --------------------------------------------------EPISODE 3: 30 DAYS DEAL--------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD