EPISODE 4: Mira

1694 Words
Tricia's POV Naglalakad kami ngayon ni EJ dito sa park. Hinihintay namin si Twin e. Oo, kasama namin si Twin. Protective nga siya sabi ko diba? Buti nga hinayaan niya akong maiwan kay EJ ngayon. Siguro kasi babalik naman siya. Ang dami pa ngang binilin kay EJ kanina bago umalis e. Nahihiya na tuloy ako sa kanya. About sa 30 days deal, 15th day na ngayon. "EJ..." "Hmm?" "Ano ba talagang balak mo?" Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako at humarap sa kanya ng nagtataka. "Bakit? Ano yun?" tanong ko nung di siya nagsasalita. "A-Ah wala...a-ano bang sinasabi mong balak?" "Anong balak mo? Palayuin si Chloe sayo? Kaya natin ginagawa to?" "Ahh...yun ba? Ahh..." "Bakit? May iba ka pa bang balak? Don't tell me palabas lang lahat to?" "Anong pinagsasabi mo? Totoo ang mga pinapakita ko sa inyo ng kakambal mo!" nagulat ako nung sumigaw siya. "Easy. Bibiniro lang naman kita e." "Hindi nakakatawa Stacy! Puro ka kasi hinala e!" sumisigaw na talaga siya. Hindi ko nalang siya sinagot. Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako papuntang mall. Pupuntahan ko nalang ang Twin ko kaysa makasama siya ng ganyan siya. Nagulat nalang ako nang may biglang nanghila ng kamay ko at inikot ako dahilan para mapaharap ako sakanya. Nakita kong si Ethan pala yun. "Stacy sorry na. Hindi ko sinasadyang sigawan ka." "Hindi sinasadya? Binibiro lang naman kita e, tapos bigla mo kong sisigawan? Tapos sasabihin mo ngayong hindi mo sinasadya?" inalis ko yung pagkakahawak niya sakin. Pagkatapos tumalikod ulit ako at naglakad papuntang mall. Nung nahabol niya ako, hinawakan niya ako ulit at iniharap sakanya. Pero kasabay ng pagharap ko ang pagtabig ko sa kamay niya. "Ggeojyeo." [Get Lost.] Madiin kong sabi sakanya. "Ha?" Alam ko namang hindi niya maiintindihan yun e. Pero ganun talaga ako pag galit, o basta gusto kong magsalita ng korean, yun ang gagamitin kong language. Tumalikod na ako sakanya. "Naega jiwoji malhaessda." [I said get lost.] "Anong sinasabi mo Stacy? Hindi kita maintindihan." Humarap ako sakanya. "Naega babo dangsin eul bunsil haessda!" [I said get lost you idiot!] sigaw ko. Pagkatapos nun, tinalikuran ko na siya. Pero hinila na naman niya ako paharap sa kanya. Sisigawan ko na sana siya, pero nabigla ako sa ginawa niya. Pagkaharap niya sakin,hinawakan niya ang mga pisngi ko at hinalikan niya ako sa noo. Pagkatapos ipinantay niya ang ulo niya sakin habang nakahawak siya sa balikat ko. "Sorry na Stacy. Hm?" nakatulala lang ako sakanya. Nagulat kasi talaga ako sa ginawa niya. Twin ko lang ang humahalik sa noo ko. "Stacy?" dahil dun natauhan ako. "A-ah...Sige. Wag mo nalang uulitin yun." Ngumiti siya. "Opo." Ngumiti narin ako. "Haay! Sige na nga. Naniniwala na ako sa inyo." napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Chloe kasama si Cattleya at Trinity. Barkada rin namin sila. Si Chloe Martinez, Cattleya Ruiz at Trinity Perez. "Ang sweet kaya nila." sabi ni Cattleya. "Oo nga. May chemistry talaga sila." sabi naman ni Trinity. "Basta Jay, wag na wag mong sasaktan si Stacy ha? Tandaan mo, once na saktan mo siya, kasama kami ng Twin niya para turuan ka ng leksyon. Si Stacy ang prinsesa ng Infinity Group. Kaya bawal siyang saktan." sabi ni Chloe. "Bakit mo naman iniisip na sasaktan ko siya?" sagot ni EJ. Infinity Group ang tawag sa barkada namin. Lumapit si Chloe kay EJ at bumulong. Hindi ko na narinig yung binulong niya at wala rin naman akong pakielam dun. Pero napansin ko ang uneasiness ni EJ. At nung mas naging uneasy siya after ng binulong ni Chloe, parang bigla kong gustong malaman kung ano yun. -------------------- Ethan's POV Hindi ako mapakali dahil sa binulong ni Chloe. Imposible. Hindi pwede. Kami lang dapat ng kapatid ko ang nakakaalam dun. Ano yung binulong niya? Eto... "Seryoso ako Ethan Jay. Wag mong balaking ituloy ang plano nyo ng kapatid mo. Dahil kapag nawala si Stacy o ang kambal, sisiguraduhin naming susunod kayo ng kapatid mo." Sigurado akong alam na niya ang lahat. At mukhang pati si Cattleya at Trinity, may alam rin sila. Pero ang mas nakabahala sakin, ay yung nararamdaman ko. Dahil ako mismo, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang balak namin ng kapatid ko. Aminin ko man o hindi… …pero gusto ko na si Stacy. -------------------- Tristen's POV Naglalakad na ako dito sa park para balikan si Twin. "Staniel..." napatingin ako sa likod ko. Pero wala namang mukhang tumatawag sakin. "Tristen Staniel..." napalingon naman ako sa harap ko. Pero same, walang mukhang tumatawag sakin. Sino ba yun? "Dangsin-eun babo." [You idiot.] This time, napalingon ako sa side ko. And there, may nakita akong isang babaeng nakatingin sakin. Pero nung pinagmasdan ko siya, dun ko na-realize na siya yung bipolar girl noon. Pero may napansin ako, di ako sure pero parang yung suot niya ngayon ay yung suot niya last time na magkita kami. Ano to multo kaya di nagpapalit ng damit? Imposible. Bakit naman ako makakakita ng multo sa umaga? Diba? "Ako ba yung tinatawag mo?" tanong ko sakanya habang nakaturo sa sarili ko. Lumapit siya sakin. "Sino pa bang Tristen Staniel dito na lumingon? Wala diba? Edi ikaw yun. Babo." [Fool.] Sarcastic niyang sabi. "Teka nga! Paano mo nalaman pangalan ko?" "I have my ways." "Tss. As if naman alam mo lahat tungkol sakin." Nag-smirk siya. "Tristen Staniel Naluz. You have a twin sister named Tricia Stacy Naluz. Kayang magsalita ng kakambal mo ng korean. Both of you have amnesia. Dahil sa nangyari 4 years ago. Madalas kayo sa compound. At lagi kayong pinapahirapan ng magkapatid na Louise Kasey Buan at Ethan Jay Buan. Pero ngayon, nakipag-ayos na sa inyo si Ethan. At may deal kayo, or sila ni Stacy to pretend as lovers for 30 days. Siguro naman sapat na yun para sabihing kilala ko kayo. Hindi lang sa pangalan." Natulala ako sa mga sinabi niya. Sino ba talaga tong babaeng to? Bakit alam niya lahat ng nangyari samin? Pati ang mga nangyayari ngayon like the 30 days deal? "Sino ka ba talaga?" Ngumiti siya. "Ako si..." tumingin muna siya baba. Tapos tumingin siya sakin. "Mira." dugtong niya. Saglit akong natahimik. Parang familiar yung name na yun ah. Saan ko nga—- "UGH!" Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko alam pero bigla nalang sumakit. "Staniel...anong nangyayari sayo?" sabi ni Mira at nilapitan ako. Hindi ko na nagawang sumagot pa sa tanong niya kasi sobrang sakit talaga ng ulo ko. Napaluhod na ako sa sobrang sakit. Then parang may nakikita ako, hindi malinaw ang place basta sigurado akong isang lalaki at isang babae yun at magkaharap sila sa isang arko. Napadilat ako. Tumayo ako. Pumunta sa isang puno malapit at sumandal dun. Pakiramdam ko hinihingal ako. Ngayon lang ako nakaalala ng memory na sumakit ang ulo ko. Pero ang pinagtataka ko, bakit nung sabihin ni Mira ang pangalan niya, dun ako nakaalala? Sino ba talaga siya? -------------------- Tricia's POV Hinahanap ko ngayon ang Twin ko. Nasaan na kaya yun? Nararamdaman kong nandito na siya sa park e. Si Ethan? Nauna na siya kasi may emergency siya. Nag-aalangan pa nga siyang iwan ako kanina e, pero sabi ko okay lang. Ako nang bahala kay Twin. At eto nga, hinahanap ko si Twin. Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa ulo ko. Medyo sumakit e. Pero ang unang pumasok sa isip ko ay ang kakambal ko. "Staniel..." Pero dahil sa hindi ko na talaga alam kung saan ko siya hahanapin, I decided na pumunta sa isa sa mga puno dito at sumandal dun. Hindi rin matao sa part ng park nato dahil kailangan ko ng medyo tahimik na lugar. Gagamitin ko ang psychic ability namin para mahanap ko si Twin. Umayos ako ng upo, at inilagay ko ang hintuturo ko sa noo ko at nag-concentrate. Ganito talaga ang ginagawa namin ni Twin kung gusto naming hanapin ang isa't-isa. Pumikit ako. After a minute, napadilat ako. Nandito na nga siya sa park, nakasandal rin sa isang puno at nandun rin siya sa hindi mataong part ng park. Pero nagtataka ako sa girl. May babae siyang kasama. Sigurado akong malapit lang sila sakin, ito lang ang part ng park na hindi matao e. Lumingon-lingon ako at pagkalingon ko sa left side ko, dun ko nakita si Twin kasama yung girl. Tumayo na ako at lumapit sa kanila. Pagkalapit ko sakanila, napansin agad ako ni Twin. "Twin." tawag niya sakin. Humarap yung babae sa akin at napansin kong gulat ang expression ng mukha niya. Ano naman kayang nakakagulat? "Twin...sino siya?" "Ahh...siya si Mira." Tumayo yung Mira at lumapit sakin. "Hi Stacy." sabi niya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" "Kilala niya tayo Stacy. At halos lahat ng tungkol satin, alam niya." napatingin ako kay Twin nung nagsalita siya. "Paano?" ibinalik ko ang tingin ko dun sa Mira. "Tulad ng sabi ko sa kakambal mo, I have my ways." "Eotteohge dangsin-i uli e daehan modeun geos-eul algo issdago hal su-issda?" [How is it possible that you knew everything about us?] Nakatingin lang siya sakin. Napa-smirk ako nung na-realize kong di nga pala niya ko maiintindihan. Nag-smile rin siya. Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako. "Nan dangsin eul ihaehal su-issda." [I can understand you.] Nanlaki ang mata ko. Marunong rin pala siyang mag-korean? "Naneun ttohan dangsin-ui ma-eum e mueos-eul ilg-eul su issseubnida." [I can also read what's in your mind.] Lumapit ako sakanya at kinuha ang kamay niya. "Annyeonghaseyo! Nan..." [Hi! I am...] Napabitaw ako sa kamay niya. Sobrang lamig kasi. As in parang 0 degree na yung lamig ng kamay niya. Pero binalewala ko nalang yun. Baka malamig lang talaga ang kamay niya. "Naneun teulisya seuteisi naluz ibnida. Mannaseo bangabseubnida!" [I am Tricia Stacy Naluz. Nice to meet you!] Ngumiti lang siya. Tumayo na si Twin mula sa pagkakasandal niya sa puno. "Basta Twins, maghanda kayo. Malapit niyo nang maranasan ang mga pagsubok sa buhay niyo. Kailangan lang, kayanin niyo yun ng magkasama." Nagkatinginan kami ni Twin na ngayon ay nasa tabi ko na. Nung tumingin ulit kami kay Mira, wala na siya. Konti nalang, iisipin ko na talagang multo yun. Pero...ano kayang mga pagsubok ang sinasabi niya? Hindi ko alam pero kinabahan ako. --------------------------------------------------EPISODE 4: MIRA--------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD