EPISODE 6: Twins' Confrontation

1158 Words
Ethan's POV Umalis na si Stacy. Nakapasok na ako sa loob at lahat-lahat pero tulala parin ako sa mga sinabi niya. Dun sa about sa laro. "Jay..." napatingin ako sa kapatid kong si Louise nung tinawag niya ako. "Kasey..." Tinabihan na niya ako dito sa sofa. "Anong problema Jay?" "Diba tinatanong mo ako kanina kung bakit parang ayaw kong pakawalan si Stacy? Kasi mahal ko na siya. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam kung paano. Basta ang alam ko, mahal ko siya." And there, umiyak ako. Niyakap ako ng kapatid ko. Ngayon lang ako umiyak ng dahil sa hindi ko kapamilya. At ngayon lang rin ako umiyak sa kapatid ko. "Jay tama na." "Hindi ko alam kung bakit Kasey. Pero nasasaktan ako ngayon." "I'm sorry Jay." "Bakit? Wala ka namang kasalanan Kasey." Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at hinarap ako. "I'm sorry. Pero kung hindi mo itutuloy ang plano mo, ako na ang gagawa nang paraan para mabura sa mundong to ang kambal." "Kasey." "Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa sakanila noon. Pero ngayon na makita kitang umiiyak ng dahil sa kambal, ibinalik mo lang ang galit ko sakanila. Wala akong pakielam kahit ikaw pa ang makalaban ko. Basta sisiguraduhin kong mawawala sila. Tandaan mo yan." sabi ni Kasey. Pagkatapos nun, iniwan na niya ako sa sala. Ako ang nag-umpisa ng gulong to. At kailangang ako rin ang tumapos. Kahit pa ang kalaban ko… …ay ang sarili kong kapatid. -------------------- 3rd Person's POV Naglalakad si Stacy papunta sa favorite place ng Twin niya habang nakahawak parin sa dibdib niya dahil sa sobrang paninikip ng dibdib niya. Nang makarating siya dun, hindi niya nakita ang kakambal niya kaya umupo nalang siya sa hagdan dun at sumandal sa pader. Habang si Staniel naman ay nasa court at naglalakad-lakad nang bigla na naman niyang naramdaman na sumakit ang dibdib niya. "Stacy..." Nasabi niya dahil alam niyang may nangyayari kay Stacy at apektado rin siya siyempre dahil kambal sila. Nakahawak parin siya sa dibdib niya at parang mas sumasakit. "Twin anong nangyayari sayo?" Naglakad-lakad pa siya habang nakahawak parin sa dibdib niya. Nung lumingon siya sa favorite place niya, nakita niyang may babaeng nandoon. Nakaupo at nakasandal sa pader at mukhang nahihirapang huminga. Kahit likod ang nakikita niya, alam niyang kakambal niya iyon. Tumakbo siya papunta sa kakambal niya. "Stacy!" tawag niya rito ng makalapit siya. Tumingin sa kanya ang kakambal niya at halatang hinang-hina. "Twin..." mahinang sabi ni Stacy. "Twin anong nangyari?" Sinubukang umupo ng maayos ni Stacy. "Twin...masakit..." Napasandal na lamang ang ulo ni Stacy sa dibdib ng kakambal at nawalan ng malay. Niyakap na lamang ni Staniel ang kakambal niya. -------------------- Tristen's POV 27th day of the 30 days deal Nandito kami ngayon sa dining ng kakambal ko. "Okay ka na ba?" tanong ko kay Stacy. "Okay lang naman ako ah." "Stacy." "Ayos lang ako Twin. Hmm? Teka. May titignan lang ako sandali." Umalis muna siya dito sa dining. Napatingin ako sa phone niya. Di niya pa 'to nagagalaw simula nung mawalan siya ng malay kahapon ah. Kinuha ko yun at in-unlock ko. At nakita kong nasa record pala to. Ano namang ni-record ni Stacy at mukhang nakalimutan niyang nagre-record pala siya. Ini-stop ko nalang yung pag-re-record. Pero hindi ko alam kung bakit parang gusto kong pakinggan yung na-record na yun. Kaya pin-lay ko nalang yun at pinakinggan. Siguro mga 5 seconds na tahimik lang. Ii-stop ko na sana yung clip nang biglang... "ETHAN PLEASE! ITIGIL MO NA TO!" Kay Kasey boses yun ah. Mukhang na-record ni Stacy ang pag-aaway ng magkapatid. Teka! Bakit naman niya i-re-record yun? "NO KASEY! ANO BANG PROBLEMA MO?! BAKIT PARANG NAG-AALALA KA?!" "KUNG WALA SANANG MAPAPAHAMAK ETHAN AYOS LANG! PERO HINDI E! ILALAGAY MO SILA SA BINGIT NG KAMATAYAN!" "ANO BA LOUISE! WALA DAPAT TAYONG PAKIELAM SAKANILA! SILA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAWALAN TAYO NG KAPATID!" Meron akong naririnig sa clip na parang hinga. Pero parang nahihirapan huminga. Hindi kaya ito yung time na sumakit rin yung dibdib ko? "KAHIT PA ETHAN! Ako ni minsan hindi sumagi sa isip ko na patayin sila. Pahirapan lang, pero ni minsan hindi ko ginustong mamatay sila! Dahil nananaig parin ang mga pinagsamahan natin noon!" "Wala na akong pakielam sakanila Louise! Kung mamamatay sila edi mamamatay! Buhay nila ang kapalit ng buhay ng kapatid natin!" "Ethan ako na ang nakikiusap sayo! Wag mo nang ituloy ang plano mo! Wag mong hayaang pati ang kambal mamatay!" Nagulat ako sa narinig kong yun. "Wala akong pakielam Kasey. Basta, hindi ko titigilan si Stacy hangga't hindi pa tapos ang 30 days deal." "Bakit ba parang ayaw mo siyang mawala sayo? Ayaw mo siyang pakawalan. Baka naman kapag namatay siya, magsisi ka." Ini-stop ko na yung clip. Ayoko nang pakinggan pa yun. Ibig sabihin, ang 30 days deal, laro lang lahat yun kay Ethan. May balak siyang saktan ang kapatid ko. "Twin..." narinig kong tawag ni Stacy. "Stacy...alam mo ba yung na-record mo?" tanong ko nang di nakatingin sakanya. "Ha?" Tumingin na ako sakanya. "Na-record mo yung pag-aaway ng magkapatid." Nanlaki ang mata niya. "At mukhang wala kang balak sabihin sakin ang mga narinig mo." dugtong ko. "Hayaan mo nalang yun Twin. Ako nang bahala dun." Pinalo ko nang malakas ang lamesa,tumayo at lumapit sa kakambal ko. "ANONG IKAW NA ANG BAHALA DUN TRICIA?! Wag mo sabihin sakin na hahayaan mo siya hanggang sa matapos ang 30 days deal?!" "Oo. Hahayaan ko siya." "TRICIA!" "HAYAAN MO NA AKO TRISTEN! GINUSTO KO NAMAN TO E!" "GINUSTO MO?! PWES AKO HINDI KO ITO GUSTO! Layuan mo na ang Ethan na yun." "HINDI TRISTEN! Hindi ko siya lalayuan!" "TRICIA ANO BA?!" "Pabayaan mo na ako Tristen!" "HINDI TRICIA! Hindi kita pababayaan sa kahibangan mong yan! Tuturuan ko ng leksyon ang lalaking yun!" "Yan ang wag na wag mong gagawin Tristen! Dahil ako ang makakalaban mo!" "Wala na akong pakielam Tricia! Basta hindi ko palalampasin ang ginawa ng hayop na yun!" "MANAHIMIK KA TRISTEN! WAG NA WAG MO SIYANG GAGALAWIN!" "IKAW ANG MANAHIMIK TRICIA! BAKIT BA PINAGTATANGGOL MO ANG WALANG KWENTANG LALAKING YUN?!" "ANG WALANG KWENTANG LALAKING SINASABI MO AY ANG LALAKING MAHAL KO!" Natahimik ako sa sinabi ni Stacy. Mahal? Mahal na niya ang lalaking yun? "Manahimik ka na Tricia. At gumising ka na diyan sa katangahan mo sa lalaking yun." "Ikaw ang manahimik Tristen! At sa'ting dalawa? IKAW ANG TANGA! DAHIL HINDI MO KO NAIINTINDIHAN! DAHIL HINDI MO PA NARARANASAN ANG MAGMAHAL AT HINDI MO PA NARARANASAN ANG MAHALIN NG TOTOO! Alam mo kung bakit? Kasi wala kang kwentang tao!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko ang kakambal ko. Pagkatapos nun, natauhan ako. Sinampal ko ang kakambal ko. Sinaktan ko siya. "Stacy..." "Mas mabuti siguro kung wag na muna tayong magkita at mag-usap." sabi niya ng hindi nakatingin sakin. "Stacy..." Umalis na siya. Hindi ko na siya nagawa pang habulin kasi alam kong ayaw niya muna ako makausap. --------------------------------------------------EPISODE 6: TWINS CONFRONTATION--------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD