PROLOGUE

2074 Words
Dali-daling bumaba mula sa bus si Julie. Medyo nagsisisi siya na nalate siya ng gising. Medyo lang naman dahil kahit papaano ay nakatulog pa siya ng mahimbing. Ito kasing si Maqui kung makaparty akala mo wala nang bukas. At palibhasa tapos na din ito sa pagenroll. Kaunting lakad na lamang at narating na niya ang SAU kung saan ngayon ang enrollment nila. Hindi siya kagaya ng iba na kasama pa talaga ang magulang. Kayang kaya naman na niya ang ito saka guguluhin pa ba niya ang mga magulang niya e kagagaling pa lamang ng mga ito mula sa 48 hour shift sa ospital. "Julie!" Umangat ang tingin niya sa pila sa registrar nang kawayan siya ni Maris. She smiled at her friend and quickly made her way over to her. "Bruha ka akala ko hindi ka na aabot!" Natatawa na sabi ni Maris. Si Maris ay isa din sa malapit niyang kaibigan. Magkaklase sila nung high school at kahit ngayon na patapak na sila ng college ay napagdesisyunan nila na iisang kurso ang kukunin at sa iisang paaralan din. "Sorry na sarap matulog eh!" Tawa pa ni Julie habang tumatayo sa tabi ng kaibigan. Sakto ay si Maris din naman ang dulo ng pila. At hindi iyon maikling pila. Mga pahabol na kasi ang pumipila ngayon. Pahabol na enrollment kumbaga. "E diba ngayon din kayo maglilipat ng bahay?" Tanong pa sa kanya ni Maris. She nodded her head in answer as she checked her phone for messages before turning to her friend again. "Oo ang ingay nga kaninang umaga eh. Doon na ako sa bagong bahay dederetso mamaya. Almost all of our stuff's moved." "So...nauna nanaman si James?" Umikot ang mata ni Julie at napailing. "Ano pa nga ba." Then she chuckled as she gripped her files closer to her. Maris merely shrugged her shoulders. "Ewan ko ba dyan sa kambal mo. Masyadong goody goody." "At least pwede ko lagi sisihin sa mga kalokohan ko." Muli ay tawa ni Julie kung saan natawa na din si Maris. Gumalaw na ng isang hakbang ang linya nang makaramdam si Julie ng pagkaihi. "Baks, ihi lang ako saglit ah." "Sige sige." Maris said as she turned to Julie Anne. "Ako bahala sayo." Mabilis na dumeretso papuntang banyo si Julie Anne at umihi bago nag retouch. Hindi naman siya mahilig kasi mag make up. Hindi naman niya kailangan. Simpleng blush para hindi siya magmuhkang mumu at saka liptint okay na. Sabi ng iba maganda daw siya. Naniniwala naman siya doon dahil wala namang tao na ginawang pangit. Nangingibabaw lang siya dahil sa kanyang kutis, nakakahumaling na mga labi at kaaya aya niyang ilong. She smiled at herself on the bathroom mirror. Sakto naman na may pumasok na iilan ding mga muhkang mageenroll. Napatingin pa ang iba sa kanya. She simply gave them a small smile before walking out to rejoin Maris back on line. Nakatalikod sa kanya ang kaibigan dahil busy sa pagtipansa telepono. Bubuka na sana ang kanyang bibig para tawagin ang atensyon ni Maris nang bigla na lamang may humawak sa braso niya. Natigilan siya at napatingin sa muhka ng lalaking mahigpit ngayon ang hawak sa braso niya. "Miss pumila ka naman ng maayos. Kita mo ako nasa dulo sisingit ka pa." Nakasimangot ito ngayon sa kanya pero hindi itinago ng simangot na iyon ang kagwapuhan ng lalaki. Maputi ito, matangos ang ilong tamang nipis ng labi at may bahagyang makapal na kilay. Isang simangot ang sinagot ni Julie Anne dito. "Pwede ba sir, kanina pa ako nakapila dito." "Anong kanina pa eh ayan yung nasa harap mo ang kanina pa nandyan." Sakto naman ay napatingin na si Maris dahil sa komosyon na nangyayari sa likod. "Ah kuya, sorry. Oo kanina pa nakapila ito si Julie. Nag CR lang." Bahagyang natigilan ang lalaki sa sinabi ni Maris pero hindi nawala ang simangot sa muhka. "Hindi ka na dapat pinapasingit eh." Lalong kumulo ang dugo ni Julie sa sinabi nito. "Ang arte mo. O sige ikaw na mauna! Pare-pareho naman tayo makaka-enroll!" "Baks tama na." Tila kinakabahan na sabi ni Maris. Kilala nito ang kaibigan at lahat ng kaibigan ni Julie ay alam na hindi ito basta basta magpapatalo. Imbis na sumagot ay sumimangot na lamang ang lalaki sa kanya. "Hindi na. Kakahiya naman sayo." Aba, talaga namang sinusubukan ako nito. Hihirit pa sana si Julie pero hinila na siya pabalik ni Maris at baka upakan pa niya ang lalaki. "Baks hayaan mo na. Nagsusungit lang yan kasi napahiya." Julie turned back to the guy and saw that he was too busy tapping on his cellphone. Medyo mainit pa din ang ulo niya sa inasal ng lalaki pero hinayaan na lamang niya ito. Nararamdaman niyang tinitingnan siya ng lalaki habang nakapila ito sa likod niya pero hinayaan na lamang niya habang pinagpatuloy ang pagenroll. Matiwasay naman ang naging enrollment niya. Hindi rin sila masyadong nagkasabay ni Maris dahil iba ibang stage ang proseso. Kung mamalasin nga ay ang lalaki sa likod niya ang mas kasabay niya ultimo hanggang sa pagkuha ng ID picture. "Kuya talaga ba nandyan siya?" Hindi napigilan na sabi ni Julie sa lalaking kumukuha ng litrato niya dahil ang kasunod niya sa pila kanina ay nakatayo sa tabi nito at pinapanuod ang pagkuha niya. "Ay. Akala ko nobyo mo siya ma'am." Tila nalilito na sabi ng taga kuha ng litrato. "Ha? Hindi no kuya magkasunod lang kami nageenroll." The guy standing next to the photographer only smirked in answer. "E ang dami mo kasi kuha ang tagal." Kalma Julie, kalma. "E siyempre ID ito! Ito gagamitin natin buong taon dapat lang maayos itsura ko." And the guy only clicked his tongue in answer. Napabuntong hininga si Julie. Naiinis siya sa isipin na makikita niya ang lalaking ito sa university pagdating ng pasukan. Mabuti na lamang talaga at last step na ito bago siya umuwi. She was finally able to take a good photo for her ID card before sprouting out if that room. Sawang sawa na siya makita ang lalaking kasunod. Bwisit siya. "Baks!" Hayun at napatingin nanaman siya sa tawag at nakita si Maris na papalapit sa kanya habang inaayos ang strap ng suot na body bag. "Tapos ka na?" "Oo baks." Julie said tiredly habang nakasimangot. "Nakakainis talaga! Yung lalaking masungit yung kasama ko the whole day!" Sa pagkakataon na ito ay natawa na si Maris. "Hayaan mo na! Ngayon lang yun. Malay mo yun pala forever mo!" "Ha? f**k hindi na no!" "Bakit naman hindi!" Natatawa pa rin na sabi ni Maris. "Gwapo kaya." "Sama naman ng ugali." Napapailing na sabi ni Julie bago muling balingan ng tingin si Maris. Nakatayo silang dalawa sa may south gate banda ng unibersidad. "Baks kailangan ko na mauna. Medyo may hang over pa rin kasi ako." "Maqui?" "Yep." Maris laughed at that and shook her head. "O siya, yayain pa naman sana kita kumain." "Next time promise." Mabilis na sagot ni Julie. Gusto naman talaga sana niya makasama pa si Maris kaso lang ay talagang pagod pa siya mula kagabi at ininis siyang tunay nung hupyak na lalaki na iyon. Sana lang talaga hindi niya masyado makita pagkasimula ng school year. She said her goodbyes to Maris. Nagbeso pa silang dalawa bago niya nahabol ang bus na dadaan sa harap ng bago nilang village. Kakaupo pa lamang niya at binubunot na kaagad ang earphones nang matigilan siya dahil may umupo sa tabi niya. Hindi sinasadya pero nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino iyon. Si kuya mong masungit! Lumingon din ito sa kanya at halata din naman ang gulat sa muhka pero nanahimik lamang. Hindi na niya ito pinansin at pinili na lamang na sa bintana ng bus tumingin. Dumaan ang konduktor at tiningnan silang dalawa bago siningil ang lalaki. "Kuya. Kulang sukli ko." Sabi bigla ng lalaking masungit. Napabaling ulit ng tingin ang konduktor. "Ay akala ko girlfriend mo yan eh." Bago ibalik ang kulang na sukli. Julie simply rolled her eyes before handing out her money. Matapos ay muli siya nag-iwas ng tingin at pinili na lamang na wag pansinin ang lalaki sa kanyang tabi. Nananadya ba talaga ang tadhana at pati bus pareho sila ng nasakyan. It was a good few more minutes until she reached her stop. Mageexcuse sana siya sa lalaki pero nauna na itong tumayo. At saka naman natigilan si Julie. Don't tell me pareho kami ng village?!?! Pinakalma niya ang sarili at bumaba na ng bus. Napabuntong hininga siya nang makita na hindi pumasok ng village nila ang lalaki bagkus ay naglakad pakanan. She merely shrugged her shoulders and approached the guard house. "Magandang hapon po mam!" Bati ng guard. "Good afternoon po." Julie greeted politely. "Ah kami po yung bagong lipat sa Krypton street?" "Ah kayla Doc? Sige mam! Tatawag po ako trike!" "Nako kuya wag na." Ani Julie. Malapit lang naman kasi ang bahay nila sa guard house ng village kahit na malaki ang village na iyon. "Lakarin ko na lang po." "Ah sige po mam." "Thank you!" And thus Julie made her way. Ineenjoy lang niya ang paglakad kahit na medyo inaantok. Exercise was always good. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad nang makarinig ng isang pares ng naglalakad na paa sa kanyang likod. Pasimple siya lumingon at nanlaki ang mata nang makita ang lalaking masungit. Kaswal itong umiinom mula sa malaking Gulp mula sa 7-11 habang naglalakad sa likod niya. "Sinusundan mo ba ako?" Hindi niya natiis na sabihin. Mahinang tumawa ang lalaki at tumigil sa paghigop. "Asa ka naman." Naningkit sa inis ang mga mata ni Julie at pinatuloy na lamang ang paglakad. Hapon naman eh. May araw naman. At may iilang tao sa kalsada kaya medyo panatag ang loob niyang hindi siya pagsasamantalahan ng lalaking ito. Sa dulo pa lamang ng kalsada ay nakita na niya ang moving truck nila. "Kayo pala ang bagong lipat." Bigla na lamang sabi ng lalaki bago patuloy na humihigop. Umakyat ang kilabot sa likod ni Julie sa napagtanto. "Jules!" She looked up at the voice and saw her twin brother James waving at her from inside the moving truck. Binababa nito ang mga gamit niya. Having a fraternal twin brother had its perks. Para kasi siyang may sariling alalay. And James didn't care. He loved her that way. And she him. At hindi na kailangan pa idescribe itsura ni James. Kung ano itsura ni Julie kapag ginawang lalaki. Ayun. Tumigil si James nang sakto ay nakatayo si Julie sa harap nito. Pero hindi ito kay Julie nakatingin kundi sa lalaking masungit na nasa likod pa rin ni Julie Anne. "Nagkakilala na pala kayo ni Elmo." James said. Julie turned to the guy now standing next to her who was still drinking. "James bro." Bati nito. Julie turned to James. "You two know each other?" "He's our new neighbor sis! He lives across the street." James said. "I met him this morning. MedTech din ang course niya sa SAU." God, why? Napalingon si Julie kay Elmo na ngayon ay nakangisi na sa kanya. "Magiging kaklase na kita...kapitbahay pa kita." Tila hindi makapaniwala na sabi ni Julie. James looked at both Elmo and Julie with a confused expression on his face. "Am I missing something here?" "Wala naman." Ani Elmo at napakibit balikat. "Bakit ganito my gulay." Ani Julie na napapailing. "Ganun eh." Elmo shrugged. He seemed very very entertained with the whole predicament. "So hindi ka na nagsusungit ngayon." Sabi pa ni Julie at tinaasan ng kilay ang lalaki. Elmo simply shrugged as he drank from his Gulp. "Nakainom na ako Mountain Dew. Okay na." "Bakit?" James asked. "Sinungitan ka niya?" Pero halatang natatawa na din ito. Typical brother. "Ugh! Wala ako sa mood Hayme!" "I'm just asking, Hulyeta." Pangaasar pa ulit ni James na nakipag apir pa kay Elmo. "Kung kailangan mo mabuwisit, sa tapat bahay lang ako." Ani Elmo kay Julie at inubos na ang Gulp. He threw the plastic can on the trash bin a few meters away. Swak na swak ang pagshoot. "Totoo naman kasi. You shouldn't have been cutting in line." Ani Elmo habang nagkikibit balikat.  Julie rolled her eyes in answer while James amusedly looked at them. "Pwede ba. I wasn't cutting. Saka wala...you win some you lose some. Ganun eh." Balik ni Julie sa lalaki na sumimangot lang ulit. She smiled victoriously before making her way inside their new house. Kahit ano pala na hiling niya ay makikita at makikita niya ang lalaking masungit na nagngangalang Elmo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD