I

2094 Words
CHAPTER ONE “Hindi ko alam kung papaano'ng nagawa ito ni Sylvia sa inyo pero mabuti na lang at walang masamang nangyari sa inyo.” Naiyak si Tita Thesa nang nalaman niya ang nangyari. Hindi kami binigo ni Tita dahil buong puso niya kaming tinanggap nang dumating kami sa kanila. “Kahit kami po hindi namin inaasahan na noon pa man ay may balak na siyang kamkamin ang kayamanan ni Daddy. Kahit kailan hindi namin siya pinag-isipan ng gano’n, Tita. Hindi namin siya tinratong iba,” sabi ko. “Hindi sapat na dahilan ang Last Will para tanggalan niya kayo ng karapatan sa kayamanan ng mga magulang ninyo. Nasa batas natin iyon. Hannah, naniniwala rin akong may mali nga sa Last Will ng Daddy niyo at kailangan nating gumawa ng paraan para mapatunayan iyon.” “Pero paano po? Wala akong alam sa mga proseso dahil hindi naman ako abogado.” “Exactly, we need a lawyer. ‘Yong magaling at hindi kayang bayaran ng madrasta niyo. Si Atty. Ferrer, noon pa man duda na ako sa reputasyon niya at hindi ang Daddy niyo ang tipo ng taong magtitiwala sa kanya.” Nakuyom ko ang kamao ko. “Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana pinigilan ko ang kasal nila noon.” “Ate...” Nayakap ko si Helga. Sa kanya ako pinakanaaawa. Bata pa ang kapatid ko para dumanas ng ganitong trauma. Hindi dapat ito nangyari. “Ma!” Biglang pumasok sa pinto si Gwayne. “Hijo, kamusta?” Kahit old maid si Tita, may anak siya. He adopted Gwayne twenty-eight years ago at pinalaking parang tunay na anak at kami, parang tunay na pinsan na ang turing sa kanya. “Ano'ng nangyari habang wala ako?” “Look what have Sylvia done sa mga pinsan mo. Pinalayas sila sa sarili nilang pamamahay.” “What?!” Umuklo si Gwayne at ginagap ang mga palad namin ni Helga.”Are you guys, okay?” Tumango ako.”Pero Gwayne, nag-aalala ako para kay Helga. Bata pa siya para makaranas ng ganito.” “Alam ko, alam ko,” at mariin siyang napapikit.”And I'm sorry pero...ang lahat ng shares ni Uncle sa kompanya, naibenta na rin niya. I got fired, Ma, Hannah.” “No way!” protesta ni Tita at ako naman nanlaki ang mga mata ko. “Actually, hindi pa nalilibing si Tito Franco nagkapirmahan na raw sila. Ang mga Hernandez ang nakabili.” Hindi ako makapaniwala. Si Gwayne na siyang pinagkakatiwalaan at katuwang ni Papa sa lahat at mataas ang posisyon ay nakuha pang  tanggalin ng madrasta namin kahit wala naman siyang karapatan doon! “Demonyo siya, Tita, demonyo siya!” hindi napigilang sabi ko. Hindi pa ako namuhi nang ganito sa isang tao buong buhay ko. Ngayon pa lang. Kay Tita Sylvia pa lang! Narinig kong lalong lumakas ang hikbi ni Helga at lalo lang akong naawa sa kapatid ko. “Wag kayong mag-alala, gagawin natin ang lahat para mabawi kung ano ang mga kinuha niya sa inyong magkapatid. Hindi tayo titigil,” pang-a-assure sa amin ni Gwayne. “Gusto ko siyang makulong, Gwayne, gusto ko siyang makulong!” “Definitely, Hannah. Once mapatunayan natin na may mga nangyaring anomallies, makukulong talaga siya. Hindi rin imposible na may tingnang foul play sa pagkamatay ni Tito.” Tama si Gwayne. Kaya nga siguro kahit ano'ng treatment kay Daddy ay hindi siya gumagaling kasi may ginagawang kung ano ang madrasta namin. Sinisigurado ko, magbabayad talaga siya. *** “LA, nabasa mo na ba 'to?” “Ang alin, Mom?” Ibinaba ko ang paintbrush at inabot ang diyaryong hawak ng Mommy ko. The front page. MIGUEL HERNANDEZ, THE NEW OWNER OF DE VERA CORPORATION. According sa article, naibenta na sa mga Hernandez ang sikat na De Vera Corporation which is quite surprising to me kasi hindi naman ito nalulugi or whatsoever. Iyon nga lang pumanaw na kamakailan lang ang founder and CEO niyon dahil sa malubhang sakit. Napakunot-noo ako nang mabasa ko rin na ang dahilan kung kaya nagkaroon ng bentahan ay dahil sa hindi na raw ito kayang pamahalaan ng second wife nitong si Sylvia Mendez- De Vera. Huh, ang babaw naman. I happened to meet this Sylvia sa isang charity event. Mukha ngang wala sa itsura nito ang mamahala ng isang malaking kompanya dahil puro ito sosyalan. Pero hindi ba may mga anak ang Franco De Vera na ito? Nasaan na sila at hinayaan nilang mangyari ito? “Nasasayangan ako, hijo. Wala naman talagang malalim na dahilan para ibenta ito pero bakit kaya nagkaganoon, 'no?” “For some ambitious reasons, maybe,” sabi kong napakibit-balikat. “LA! How could you say that?” gulat na react ni Mom. “Kasi hindi naman ako businessman. You see, I'm a lawyer.” Ibinalik ko sa kanya ang diyaryo at hinarap uli ang canvass. “Lawyer by profession but painter by heart,” she corrected. I just smiled. Dinampot ko na ang paintbrush at nagsimula ulit magpinta. She's right. I have always wanted to be a painter but sabi ni Dad, wala raw akong mararating sa pagpipinta so he forced me to take up Law. Sinunod ko siya at naging hobby ko na lang ang pagpipinta. Hindi naman ako nagsisi na sinunod ko siya looking from where I am now. Kapag hindi demanding ang lawyer duties ko,  exhibits ko ang pinagkakaaabalahan ko. I sell my paintings there at ang kinikita ko ay sa charity napupunta. And Mom is my number one fan. Well, ‘yon ang sabi niya. “And LA...” “Yes, Mom?” “When are you planning to get married?” Nabitin ang paintbrush sa ere at hindi makapaniwalang tiningnan ko si Mommy. “Seryoso ka diyan, Mom?” “Oo, bakit? Nasa tamang edad ka na rin naman at kaya mo nang magprovide para sa pamilya mo, hindi ba?” Napailing ako. “Ibang kaso na yan, Mom. Wala pa sa plano ko 'yan.” “Then you should start dating at least!” “Let's see, Mom,” sabi ko na lang. Mind you, makikipagtalo ako kahit kaninong abogado pero hindi sa Mommy ko. Gano’n ko siya kamahal at siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko. *** “Nakakaloka naman ang mga nangyari sa inyo ng kapatid mo, Friend. Biruin mo namatay lang ang Daddy niyo nagkagulo na ang buhay niyo,” sabi sa akin ng kaibigan kong si Cheska habang nasa faculty office kami. Instructor din siya sa eskwelahang pinapasukan ko. Pagkatapos ng isang linggo mula noong mapalayas kami sa sarili naming bahay ay nagbalik na rin ako sa trabaho. Kailangan kong kumita lalo na ngayon dahil wala na kaming ibang aasahan. Hindi naman pwedeng si Tita na lang ang bumuhay sa amin. May anak din siya at may trabaho naman ako. “At hindi lang ‘yon, Cheska, pati ang kompanyang pinaghirapang buuin nina Daddy at Tita ibinenta rin niya.” “Hay naku, wala palang kasing sama ‘yang Madrasta niyo! Bakit kaya karamihan sa mga madrasta malulupit? Mula kay Cinderella, kay Snow White, pati ba naman sa'yo, Hannah?” “Pero nakita mo naman, 'di ba? Hindi naman sila ang nagtagumpay sa huli. Kaya naniniwala ako na mababawa rin namin ang mga kinuha sa amin.” “That's the spirit, girl! So, ano na ang susunod mong plano?” “Heto, mag-iipon ng malaking pera para makakuha ng magaling na abogado na mag-i-insist ng karapatan namin sa ari-arian ni Daddy at magpapatunay na peke ang Last Will na pinanghahawakan ni Tita Sylvia.” “May kilala ka bang magaling na abogado?” “Wala. At kung makahanap man ako, tiyak na napakalaking halaga ang kakailanganin ko.” “Mangutang ka kaya sa Tita Thesa mo? O 'di kaya sa gorgeous mong pinsan na si Gwayne?” Kuminang-kinang pa ang mga mata ni Cheska pagkabanggit sa pangalan ni Gwayne. “Cheska, hindi ko pwedeng iasa lahat kay Tita. Malaka rin ang pinuproblema nila dahil naibenta nga ang kompanya. Thirty percent sa shares ni Dad ang shares nila. Kailangan pa nilang maghabol at ayaw kong makadagdag. Kakayanin ko itong mag-isa. Alang-alang sa alaala ng mga magulang namin ni Helga.” “Naku, Friend! For sure na magtatagumpay ka! I'll pray for you!” “Please tulungan mo 'kong maghanap ng magaling na abogado, Cheska.” “Oo ba. ‘Yong Uncle ko nagtatrabaho sa isang lawfirm 'yon, baka sakaling matulungan niya tayo.” “Maraming salamat.” “Ano ka ba, wala ‘yon.” *** Now wait a minute. Ano'ng nangyari sa akin? Kanina pa 'ko nakatunganga sa harap ng canvass pero wala pa 'kong nasisimulang piece. Hindi ako makapagsimula. At ewan ko kung bakit. May kulang. Pero ano naman ‘yon? Beauty. It's my trademark. Every piece of art I make displays woman beauty. Of how women give life to the world, just what my Mom did to our family. Ironic lang kasi wala namang special na babae sa buhay ko bukod kay Mommy pero sila ang favorite subject ko. Inilapag ko ang paintbrush at naglakad-lakad sa garden. This is actually my workshop. Isa kasing magaling na landscape artist si Mom and the garden is my favorite part of our home. May pond na nilalabasan ng tubig from both sides at dumadaloy sa paligid ng garden. May deck pa nga siyang inilagay and it's what made the garden cool. Maraming halaman at kung gabi naman, sobrang liwanag dahil sa mga maliliit na lights. But my most favorite is the hammock. Kapag nakakatapos ako ng isang piece, I reward myself by just lying. “LA, kanina ka pa dito, wala ka bang planong pumasok sa loob?” pansin ni Mom nang puntahan niya 'ko. “Hi, Mom. I'm having a trouble. I can't start a new piece.” “Oh. That's new,” pero hindi naman amused ang tono niya.”Siguro you just ran out of inspiration and you need a new one.” “I think you're right.” “And do you know what I'm thinking?” “No, I don't.” “That you should go and find yourself a girlfriend.” “What the--” I forced myself not to laugh. “Mom, ano naman ang kinalaman niyon sa inspiration?” “Akala ko ba matalino ka? Love will inspire you as soon as you find it, hijo.” “No, thanks, Mom. Mas gusto kong magpayaman na lang.” Ang hirap naman dito kay Mom masyadong hopeless romantic. “Mayaman ka na nga, aanhin mo naman lahat ‘yon?” “Pamimigay ko sa charity kapag hindi na kasya sa bangko.” “Gusto mo bang hanapan pa kita ng date?” “Mom? Kailan ka pa naging matchmaker?” “Ngayon lang, sa'yo lang.” I hugged her. “Hindi lang ako ang anak mo, Mom.” “Hindi nga pero ikaw ang nandito. At gusto kong maranasan mo kung gaano kasarap ang magmahal. Kapag nasa korte ka, nawawalan ka ng puso, parang hindi ka tao.” “It's because I have to, Mom. I have to make money.” *** “Hannah.” Mula sa laptop ay napatingin ako kay Gwayne na kakapasok lang ng bahay. “Gwayne, hi.” Mukha siyang problemado. Naupo siya katapat ko. “Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa stepmother niyo, hindi ba siya nag-iisip o wala lang talaga siyang utak?” frustrated niyang sabi. “A-ano'ng ibig mong sabihin?” “‘Yong Miguel Hernandez, hindi basta-basta pumayag na mabawi natin ‘yong shares. Ang akala niya por que napatalsik na kami ni Mama, pati shares natin na-dissolved na rin.” “Pinaniwala siya ni Tita Sylvia?” “Malamang! Para mabenta niya nang walang kahirap-hirap ang kompanyang hindi naman niya pinaghirapan.” “Ano ang gustong mangyari ni Mr. Hernandez kung gano’n?” “Ia-acknowledge lang niya ang rights natin sa shares kapag...kapag pinakasalan ko ang anak nila.” Nanlaki ang mga mata ko. “Gwayne, of course you're not serious!” “Pumayag ako, Hannah.” “Pero bakit?” “Iyon lang ang naisip kong paraan para makabalik ako sa kompanya. Para mas madali nating mabawi ang lahat.” “Pero hindi madali ang hinihingi nila sa'yo, Gwayne.” “Walang madaling paraan para mabawi natin kung ano ang para sa atin, Hannah. Ibigay mo na sa'kin 'to, okay?” “Can you handle?” Gwayne gave me a reassuring smile. “Parang ito lang,eh.” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD