III

2104 Words
CHAPTER THREE Nang makarating kami sa sinasabing art gallery na pagdarausan ng art exhibit ni Travis Clarkson, madami na agad ang mga bisita. Lahat sila busy na sa pagtingin sa mga naggagandahang displays ng mga paintings. “Just keep your eyes for Luis Alfred kung makikita mo man siya. When you get the chance, lapitan mo na agad siya, okay?” sabi sa akin ni Tita. “Yes, Tita.” Ayaw ding magsayang ng panahon ni Tita. Alam kong inaalala niya si Gwayne dahil sa desisyong ginawa ng pinsan ko. Dapat lang na hindi ko siya biguin. Luis Alfred Alcaraz, nasaan ka na ba? “Hannah,” tawag sa 'kin ni Gwayne. “Bakit?” “There he is. Luis Alfred Alcaraz.” May itinuro siya sa akin mula sa kanan ko. May dalawang lalaki in formal attire ang nag-uusap sa harap ng isang moonlight painting. Ang isa parang foreign-looking, that must be Travis Clarkson. Ang isa naman ay familiar na dahil nakita ko na siya sa TV at sa Google. Si Luis Alfred Alcaraz. But wait, bakit ngayong nakita ko na siya sa personal nakaramdam ako ng kakaiba? Something funny like...attraction? Oh, yes. He is undeniably attractive. Hindi ko masisisi sina Helga at Cheska kung bakit hinahangaan nila siya. His height, his built, and his aura na very intriguing. “Gusto mo bang samahan kita kapag kinausap mo na siya?” Saka lang naputol ang pag-iisip ko. “Ahm, hindi na siguro, Gwayne. Sa tingin ko kaya ko na siyang kausapin mag-isa. Salamat na lang.” “Ikaw ang bahala. Just be careful, Hannah.” “I will.” Iniwan na rin niya ako. Ako naman, nagmasid muna sa mga nakadisplay na artworks. Nakakamangha ang mga gawa ni Travis. All pleasing to the sight. Sa'n kaya niya hinuhugot ang galing niya? At magkano naman kaya aabot bawat halaga ng mga paintings na ito? Naalala ko agad si Mommy. She used to be very fond of any artworks. Sa bahay nga namin maraming nakasabit na paintings. Maluho si Mommy pero pagdating sa art lang. Ang katwiran niya, may napupuntahan naman ang pera at iyon ay sa mga charities. Ang pinakamamahal kong Mommy. Hay naku, hindi magandang magdrama ako sa ganitong lugar. Nakakahiya. Sinulyapan ko muli ang direksiyon nina Luis Alfred. Baka sakaling pwede na siyang kausapin. At pagtingin na pagtingin ko, nagtama ang mga mata namin. One thing I didn't expect, it had a strange effect on me that made my heart skipped a beat. *** Nag-uusap kami ni Travis nang may nahuli ang tingin ko. Isang hindi ko kilalang babae, in sky blue dress, ang lumapit sa isang painting na siyang pina-reserved ko kay Travis for my Mom. Bahagya akong napakunot-noo. I unconsciously examined her face. And what's weird is maraming pumasok sa isip ko habang tinititigan ko siya. Lakes and falls, the garden, forests and moonlight. Who is she? And how long have I been oggling at her innocent face? This is the first time it has happened to me. This is just simply weird of me. Kung tutuusin, marami ang mas di hamak na maganda sa kanya sa gabing ito pero siya ang nakakuha ng pansin ko. “LA, are you okay?” pansin ni Travis. “Yeah, of course.” “Pwede bang maiwan na muna kita? Nakita ko kasi ang Tita ko, eh. Babatiin ko lang.” “Yeah, no problem.” Nang iwan ako ni Travis, napalingon  sa direksyon ko ang babae at whoa, nagtama ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin at akmang tatalikod nang may tumawag sa 'kin. “Atty. Alcaraz?” Napalingon ako. It was her. *** Saglit lang na nagtama ang mga tingin namin. Tumalikod siya kaya mabilis akong lumapit sa direksyon niya. Tamang-tama dahil iniwan na siya ni Travis. “Atty. Alcaraz?” Lumingon naman siya. Gosh, mas gwapo siya sa malapitan. “Yes?” “My name is Hannah De Vera. Pwede ka bang makausap?” “Tungkol saan naman, Miss De Vera?” “I know this is not the right place to talk about cases pero kasi...kailangan namin ng tulong mo, Attorney.” Natahimik siya sandali. “Maybe we can talk outside,” sabi niya. “S-sure.” Nilingon ko si Tita. She just smiled at me and mouthed a ‘good luck’. “What do you want to talk about, Miss De Vera?” tanong niya. Doon kami sa garden nag-usap at nakikita ko pa ang mga bisita sa glass wall ng art gallery. “You can call me 'Hannah'.” “How are you related to Franco De Vera, by the way?” Napalunok ako. “H-he is my father.” “My condolences, Hannah.” “T-thank you, Attorney.” “Ano ba ang maipaglilingkod ko sa 'yo?” “You see, Attorney, simula nang mamatay ang Daddy namin, marami ang nagbago. Kinuha ng stepmother namin ang lahat ng ari-arian ng mga magulang namin. Pinalayas kami sa sarili naming bahay at 'yong kompanyang pinaghirapan nila ni Tita Thesa ibinenta niya sa mga Hernandez. Naniniwala kami na pineke rin niya ang Last Will ng Daddy namin. Attorney, naniniwala akong ikaw ang makakatulong sa amin para mabawi kung ano ang mga kinuha sa 'min. Pakiusap tulungan mo kami.” He was just listening. At ako naman hindi ko maiwasang masaktan at magalit at the same time. “I've heard about that news, yes. I'm so sorry about that pero bakit naman ako ang napili mong lapitan?” “Ang sabi ni Tita Thesa magaling ka. Nagresearch din ako sa mga hinawakan mong kaso at lahat sila naipanalo mo. You have a good reputation, too, Attorney. Isang katulad mo ang kailangan namin.” “That sounds like a complement, Hannah, but you see hindi ako basta tumatanggap lang ng mga kaso. Mataas na ang bayad ko para lang mapapayag akong tanggapin ang isang kaso, if you can afford half a million, wala tayong problema.” Nanlaki ang mga mata ko. “W-what? Half a million? Attorney, mahihirapan kaming magproduce ng gan'on kalaking halaga in an instant!” “Well, Hannah, I don't think it's my problem anymore. You want my service, you want to win the case then kailangan niyo muna 'kong mapapayag.” “Pero, Attorney--” “Wala akong pakialam kung isipin mo man na hindi ako madaling kausap pero 'yon ang standards ko.” Bumagsak ang mga balikat ko at mariin akong napapikit. No, no, hindi pwedeng hindi niya kami tulungan. “Hindi na ba pwedeng magbago ang isip mo, Attorney?” “I don't usually change my mind when I decide on something.” “I understand. Thank you for your time, Attorney Alacaraz.” Nakababa ang tingin ko habang sinasabi ko iyon. “Don't mention it.” “Have a great evening,” at matamlay akong ngumiti. “Likewise.” Tinalikuran ko na siya at bumalik sa loob. Agad kong hinanap si Tita at si Gwayne. “Tita.” “Hannah, kamusta?” excited niyang tanong. “Gusto ko na pong umuwi, Tita. Maaga pa po ako dapat bukas.” Parang nakuha naman niya agad ang inasal ko. “Sure, sure, hija. Wait, I'll call Gwayne.” I'm sure disappointed din siya and I felt sorry. Wala man lang akong nagawa para makatulong sa kanila. I'm so disappointed with myself at the same time. *** “Have a great evening.” “Likewise.” Sinundan ko siya ng tingin nang tinalikuran na niya 'ko at bumalik sa loob. So she was the older daughter of the great De Vera. Kaya naman pala walang statement na nakuha sa kanila nang ibenta ni Sylvia, dahil pati ang nararapat sa kanila ay kinuha rin nito. I was surprised to such case na ganito. Hindi na 'ko nagulat kung bakit hindi niya ma-afford ang kalahating milyon. They are left with nothing. Pati ang kompanya nila naibenta na rin. Hindi dapat ibenta ng Sylvia Mendez na iyon ang kompanya kung hindi naman iyon sa kanya unless may patunay siya doon. Something fishy must be really happening. Kailangan kong malaman kung sino ang abogado na kinuntsaba niya. Poor Hannah. I lied to her. Hindi gano'n kalaki ang halaga na kailangan ko para mapapayag akong tanggapin ang isang kaso. Kaya nga may mga kliyente akong mahihirap na magsasaka dahil binibigyan ko sila ng considerations at pinag-aaralan kong mabuti ang kaso nila. But in Hannah's case, it's different. I just wanted to make an impression. Of course, she doesn't deserved it. Kahit naman na sino. Dapat mabawi niya ang mga kinuha sa kanila. Now, susuko na ba siya dahil lang sa tinanggihan ko siya sa unang paglapit niya? *** “Hannah, tell us what happened,” sabi ni Tita nang lulan na kami ng kotse. “He was asking for half a million para lang tanggapin ang kaso natin, Tita.” “Half a million? What?! Paano naman tayo magpapalabas ng kalahating milyon nang gano'n lang kadali?” “Hindi ko rin alam, Tita. Parang gusto ko nang mawalan ng pag-asa.” “If that's the case, pwede tayong mangutang sa bangko,” sabi naman ni Gwayne. “Siguraduhin lang ng Attorney Alcaraz na 'yon na ipapanalo nga niya ang kaso.” “Hindi, Gwayne, hindi natin kailangang mangutang. Kung ayaw tanggapin ni Attorney Alcaraz ang kaso, kukuha tayo ng ibang abogado, 'yong mas mura ang bayad sa serbisyo pero magaling,” sabi ko naman. “Pero malakas talaga ang paniniwala ko na isang katulad ni Luis Alfred ang makakatulong sa atin pero kung ayaw naman niya tayong tulungan, then, maghanap na lang tayo ng iba,” sabi naman ni Tita Thesa. Nalulungkot ako. Ngayong kailangan naming mabawi ang mga kinuha sa amin, bakit ngayon pa naging mailap ang tulong? *** “ANO, friend? Napapayag mo ba si Luis Alfred Alcaraz na tanggapin 'yong kaso niyo?” tanong sa akin ni Cheska habang nasa cafeteria kami para mag-almusal. Malungkot akong ngumiti. “Hindi, Friend, eh. Hindi namin kaya ang halagang hinihingi niya. He wanted half a million para lang tanggapin 'yong kaso.” “Ano?!” gulat na react ni Cheska. “As in five hundred thousand talaga? Grabe naman 'yon?” “Wala akong magagawa kung mataas siyang maningil at kung ganoon na lamang ang standards niya sa pagtanggap ng mga kaso. After all, naipapanalo naman niya ang mga kasong nahahawakan niya.” “Ano na ang plano niyo kung gano'n?” “Malamang maghanap kami ng abogado na hindi gano'n kataas ang singil.” “Naku, sana naman magaling.” “Sana nga.” Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko dahil may susunod pa 'kong klase. Kahit mag-overtime pa 'ko sa mga klase ko at gumawa ng maraming manuscripts, hindi pa rin ako makakabuo ng kalahating milyon nang madalian. Kailangan ba bawat kilos ng tao pera agad? Parang gusto ko nang maniwala na pera nga ang nagpapaikot sa mundo. Iyon din kasi ang pangunahing rason ni Tita Sylvia kung bakit ginagawa niya sa amin 'to. Kung hindi siguro namatay si Daddy hindi mangyayari sa amin ang ganito. *** ANG sabi ni Tita, sila na raw ang bahalang maghanap ng pamalit na abogado. Nagdadasal ako na sana makahanap sila ng kasing galing ni Attorney Alcaraz. Nasi-stress na 'ko. Hindi ko na alam kung paano iha-handle ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Isa pa 'yong ibinalita sa 'kin ni Gwayne. Nakita raw niya sa isang birthday ng isang senator si Tita Sylvia na nagmamayabang sa mga yaman nito na obviously ay hindi naman niya pinaghirapan. “Ate.” Nadatnan ako ni Helga sa kwarto ko na nakatunganga sa harap ng laptop ko. Tinatapos ko na ang manuscript na isa-submit ko sa editor ng publishing company para dagdag income at para naman may panggastos kami ni Helga. “O, Helga. Bakit gising ka pa?” “Gising ka pa nga rin,eh. Dinalhan lang kita ng gatas, Ate, para makatulog ka agad,” at nilapag niya ang baso sa tabi ng laptop ko. “Aba, ang sweet naman ng kapatid ko. Thanks, Helga.” “You're welcome, Ate. Goodnight.” “Goodnight din. Matulog ka agad, ha?” “Ikaw rin, Ate.” That was so sweet of my sister. Siya ang dahilan kung bakit kahit nahihirapan na 'ko, hindi pa rin ako sumusuko. Siya ang dahilan kung bakit gayon na lamang ang kagustuhan kong lumaban. S-in-ave ko na ang ginagawa ko at isinara ang laptop ko. Napagod ako ngayong araw kaya kailangan ko ring bumawi ng lakas. Panibagong hamon na naman ang maghihintay sa 'kin sa mga susunod na araw. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD