Chapter 2

1539 Words
"Do you have another card, ma'am?" tanong ng kahera ng isang sikat na coffeeshop habang nagbabayad si Zanya sa counter. Napakunot noo siya at sandaling kinabahan. "Please try again," utos niya sa kahera. Napilitan na rin ito pero muling inabot sa kanya ang credit card. "How much do I have to pay?" napahiya niyang tanong. "Two thousand three hundred sixty, ma'am." Dumukot siya ng tatlong libo sa wallet saka nagmadaling bumalik sa kinauupuan nang nagrerebulosyon ang dibdib. Tinotoo ng Daddy niya ang banta nito na puputulin ang anumang financial support nito sa kanya kapag hindi siya tumigil sa karera. "Nakasimangot ka diyan?" tanong ni Trina nang mapansin ang inis sa mukha niya. Nasa isang coffeeshop sila sa Roxas Blvd. dahil katatapos lang ng ensayo nila sa racetrack. Si Trina ay isa sa kasama niya sa sports na 'yun na kaibigan din nila ni Stacey. But her cousin now stopped joining after her serious accident six months ago. Ngayon ay kasal na ito kay Marcus na dating namasukan sa pamilya nito couple of years ago. "My Dad cut my allowance!" pagalit niyang kwento. "Ohhh... Desidido talaga siyang patigilin ka dito? Bakit hindi mo kasi pagbigyan ang Daddy mo at magtrabaho ka sa kumpanya niyo? That way baka pagbigyan ka niyang sumali pa din dito paminsan-minsan." "No way!" matigas niyang sagot. Matapos i-serve sa mesa ng waiter ang coffee na order niya, tumayo siya hawak ang kape at nagpaalam sa mga kaibigan na kasama nila galing sa practice. "Hey! Mamaya ka na umalis," pigil pa ng kaibigan sa kanya pero hindi siya nagpapigil. Pagsakay niya sa kotse ay siya namang paglapit ni Harvey sa kanya na pumigil sandali sa pag-alis niya sa parking lot ng coffeeshop. Nakatukod ang kamay nito sa pinto ng kotse niya dahil ibinaba niya ang salamin. "Why in a hurry?" nakakunot noo ito. "I have to talk to my Dad." "Stay a little longer. Kararating ko lang aalis ka naman na," tila may himig pagtatampo nito. Harvey is Trina's sister, at alam niyang inabisuhan ito ng kapatid na nandito pa siya. Harvey was persistently calling and seeing her lately. Madalas din itong ireto ng kaibigan. But she's not interested into having a relationship. "I'm sorry, Harvey. This is important," maagap niyang sagot para iwasan ito. "Trina's still at the coffeeshop. Nandoon din sina Madeline." Ang tinutukoy niyang huli ay ang babaeng may gusto kay Harvey na nanonood lagi sa practice nila at sa kumpetisyon. Bata pa si Madeline at balak nitong sumali sa ganoong sports kaya madalas din nilang kasama sa mga hangouts ng barkada. "Madeline is too aggresive for me. Besides, she's too young, I don't want to be accused of cradle snatching," natatawa nitong wika. "But I'm old for you, tama lang ang age gap niyong dalawa. C'mon, I really have to to. See you when I see you," wika niya nang walang katiyakan. Napapailing naman si Harvey na inalis na ang kamay sa bintana ng kotse niya. Paharurot naman siyang umalis sa parking lot ng coffeeshop gamit ang sports car na binili niya kailan lang. Inabot lang ng kalahating oras ay narating niya na ang opisina ng Daddy niya. "I have a meeting in fifteen minutes, Zanya. What do you need?" Matiim niyang tinitigan ang Daddy Ezekeil niya na ngayon lang niya kinakitaan ng pagmamatigas mula nang magkaroon ng aksidente ang pinsan niya. Agad lumambot ang mukha niya na kanina lang ay hindi maipinta. "You really cut my allowance, Dad?" "Yes. 'Yun lang ba ang ipinunta mo dito?" "You know that I can finance myself," sagot niya na umupo sa couch para kumuha ng lakas ng loob na komprontahin ang ama. "Yes, I know that," mabilis na sagot ng ama. "Hindi lang pagputol sa allowance mo ang ginawa ko. I also asked the organizer of that car racing event to kick you out of the competition. Hindi mo alam ang takot na naramdaman ko nung nanganib ang buhay ni Stacey." "What?!" Napatayo siya sa kinauupuan sa ibinalitang iyon ng ama. "But what happened with Stacey will not happen to me! Bakit ba lagi niyong ibinabalik ang pangyayaring iyon?" "Stop arguing with me, Zanya!" madiing wika rin ng ama. "Your mother and I talked about this and she was happy with my decision." Hindi niya napigilang mapaluha sa desisyong iyon ng ama. "Bakit niyo kailangang pakialaman ang buhay ko?" halos paanas niyang tanong. "Sa tingin niyo mapapapayag niyo akong magtrabaho sa kumpanya dahil sa ginawa niyo? Never, Dad." Napabuntunghininga ang Daddy niya bago tila nahahapo na sumandal sa swivel chair nito. "Why are you so against in working in our company? Sa inyo mauuwi ang lahat ng ito kapag nawala na kami ng Mommy mo." "We have dependable employees. Kahit anong gawin ko hindi ko talaga kayang buruhin ang sarili ko sa opisina maghapon. I want my freedom as it is." "And then what? You're twenty five, Zanya. You just can't stay carefree for the rest of your life. Kung ayaw mong magtrabaho dito, then find another career. Be an engineer, a doctor... huwag lang ang nakikipaghabulan sa kamatayan for God's sake!" Ano nga ba ang gusto niya? She hated their company since she was a teenager. Panahon iyon na nalaman nilang lahat na hindi anak ng Daddy niya ang Kuya Ethan niya. Everyone's eyes were on her brother - trying to give everything to him just to ease the feeling of being a bastard. Siya'y naiwan sa isang tabi na hindi na nasusulyapan man lang noong mga panahon na iyon. Her brother at that time wants also to prove something to their parents -- na deserving itong mamahala sa kumpanya sa kabila nang hindi ito ang totoong anak ng Mommy at Daddy niya. In the end, they were at each other's back. Siya'y pinapanood lang ang mga pangyayari. Hanggang sa matanim sa isip niya na ang Kuya Ethan ang matalino at magaling sa negosyo. They used to work in the company when they were younger. Pero madalas palpak siya kahit man lang sa pag-type ng reports para sa monthly meeting ng board. So, she stopped pretending that she belongs there. Nasa labas ng building na ito ang mundo niya. "You will start working with me starting tomorrow. May meeting ako with one of our biggest supplier of wines next week. I also want you to meet his son, Tristan." Napakunot noo na naman siya sa narinig. Hindi ma ba matapos-tapos ang pagmamanipula ng Daddy niya sa buhay niya? "That can't be serious, Dad. Tristan Montealegre is Stacey's ex-boyfriend and as far as I'm concern, that guy has a depression!" "Oh.. I didn't know that. But anyway, sasama ka pa rin sa akin sa Lunes sa meeting." "And if I dont?!" tila paghahamon niya sa ama. "Then find another job that would sustain your way of living. Pero wala kang sasalihang anumang kompetisyon, sinisiguro ko 'yan, Zanya. You can still live your carefree life, but your allowance will still be cut." Napapikit siya sa pag-uusap nilang mag-ama. Sa ilang taon niya sa karera ay nahanap niya ang sariling tagumpay. Doon lang siya magaling. She can look for another job from other companies, but what if she fails? Kaya ba ng ego niya na pagtawanan siya ng ibang kumpanya na hindi siya marunong magtrabaho ng maayos? She's an Albano for pete's sake! Lahat ng Tiyuhin niya at mga pinsan ay magaling sa pagpapatakbo ng negosyo. Only her Uncle Zandro is a doctor, pero isa rin itong magaling sa larangang pinili nito. While she was a failure in administrative job. "I need an air," tila paalam niya sa ama saka tuloy-tuloy na lumabas ng opisina nito. Sa parking lot ng Albano compound siya naglagi habang iniisip kung ano ang buhay na dapat niyang tahakin. Sa tingin niya'y wala na rin siyang magagawa dahil kinakain na siya ng insekyuridad. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang pinsan na si Stacey. "I'm sorry, Zan..." mahinang wika ng pinsan nang ikwento niy ang pag-uusap nilang mag-ama. "I know it is hard to understand right now, pero kapakanan mo lang ang iniisip ni Uncle." "Oh, I hate my life now." "Don't overreact, couz. Dadating ka naman talaga sa puntong kailangan mong ihinto ang pakikipagkarera. You are not young anymore. You need to focus on the company. Kailangan mo na ring magkaroong ng pamilya." "Uggghh... Isa pa 'yan. Tinotoo ni Dad ang pakikipag-meeting sa Montealegre at balak pa akong ipakilala sa ex-boyfriend mo." Isang matunog na halakhak ang pinakawalan ni Stacey na lalo niyang ikinapikon. "Well, kung si Tristan ang irereto ni Uncle sa 'yo, maswerte ka. He's the tamer among the Montealegre brothers. His brother was a ruthless creature, pati na ang tatlo pa na siyang namamahala sa winery ngayon. Beware of those men, women just come and go." "Ugghh... I'm so stressed right now." "Alam naman natin kung bakit ginagawa ni Uncle 'yan sa 'yo. Find your own man, para hindi ka na kung kani-kanino ireto." Find my own man? Ano ba ang nagagawa ng lalaki na hindi niya kayang gawin? She's even a martial arts expert. Hanggang sa makarating siya sa bahay ay dala niya ang inis da dibdib na hindi niya nagawang maghapunan. Bukas ay bago na ang buhay na tatahakin niya. She' starting to hate her life!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD