Chapter 3

1513 Words
Nasa parking lot na si Brandon ng Albano Corp. pero hindi pa siya bumababa. Muli siyang humigop ng kape sa papercup na hawak saka iginala ang mga mata. Albano is definitely a multi-billionaire label, owning an airline company, chains of hotels and casinos, and clubs. No wonder his father wants him or Tristan to marry one of their princesses. Pero nabigo si Tristan na paibigin si Stacey nang tapusin ng huli ang relasyon nito sa kapatid pagkatapos lang ng dalawang bwan. Then Stacey turned her attention to a singer-ballader, and ended their affair again. Natatawa siya kapag sinasabing sila ang papalit-palit ng babae na magkapatid. No one really knows the whole story. After that breakup incident, Tristan became distant and depression attacked him. Bukod sa pagkabigo nito sa pag-ibig, bigo rin itong paluguran ang ama at magtagumpay sa gusto niyong makapag-asawa ang isa sa kanila ng isang Albano noon pa man. Pero nagbago kagabi ang awra ng mukha ng kapatid nang sinabi niyang iiwan niya na ang pamamahala ng agency dito dahil magiging empleyado na siya ng Montealegre Distillery. Alam niyang bukod sa malaking responsibilidad na iniwan niya sa kapatid, ang paglalapit nilang mag-ama ang talagang ikinatuwa nito. Sabik ito sa atensyon ng ama mula nang maghiwalay ang kanilang mga magulang. Huminga siya ng malalim bago nilagok ang natitirang laman ng papercup na hawak. Sigurado siyang kayang-kaya niyang gampanan ang pagiging Marketing Manager na iniatang ng ama sa kanya, pero wala siyang balak sumunod sa kagustuhan nito na ilapit ang sarili sa anak ni Ezekeil Albano. Bukod sa may girlfriend na siya, galit siya sa mga ito matapos paglaruan lang ni Stacey si Tristan. Bumaba siya sa sasakyan saka sinigurong naka-lock ang pinto ng halos bago pa na BMW. Gusto niyang ipakita sa mga Albano na hindi siya pipitsuging negosyante -- kung sakali mang mapansin pa ang sasakyan niya roon. Dahil nang maglakad pa siya palabas ng parking lot ay hindi lang iisa ang BMW na naroon. At higit sa lahat, ang umagaw sa atensyon niya ay ang nag-iisang Silver Blue Audi R8 na ang halaga ay katumbas na ng buong advertising agency ng ina. Holy damn! Iisa lang ang gumuhit sa isip niya sa nagmamay-ari ng sasakyang iyon. Zanya Albano. Stacey will not own a luxurious car like that. Sa kwento ng kapatid ay nasa pagta-travel ang hilig nito. One definitely would not use a car in public that would put you in danger and cause your life. Napakaraming naglipanang kidnapper ngayon sa Pilipinas. Hindi rin magiging pag-aari ng isa sa lalaking Albano ang sasakyang iyon dahil bukod sa mga BMW na nasa VIP parking mayroon ding iba pang magagarang sasakyan tulad ng Hummer, Porsche, at Mercedes-Benz. Naiiling siyang tumuloy sa building na tila isang magarang five-star hotel. Ang sabi ng Papa niya ay nasa opisina na ito ni Ezekeil. Itinanong niya sa receptionist kung saan iyon. Tumawag muna ito sa intercom bago siya pinaakyat sa 18th floor at sinabing maghintay sa conference room. Marami siyang nakasabay sa elevator pero pagdating sa 16th floor ay naiwan na siyang mag-isa. Marahil ay para sa top executives na lang ang ikalabing-anim na palapag hanggang sa kung saan man ang hangganan niyon. Tiyak niyang may penthouse pa sa pinakatuktok niyon at helipad. Lumabas siya sa elevator matapos bumukas iyon sa 18th Floor. May maliliit na opisina na napapalibutan ng salaming dingding doon na sa tingin niya'y opisina ng mga sekretarya. Lumabas ang isa nang makita siya at iginiya sa isang pinto na siyang conference room. Naghintay siya doon ng limang minuto bago pumasok ang ama at si Ezekeil Albano. Tumayo siya nang ipakilala ng ama dito at nakipagkamay. Ezekeil is in his late forties maybe, but still handsome that could still charm women. Bukod sa gandang lalaki nito ay ubod ng yaman. He wonders if he is also a womanizer like his father. Men like him would attract women like flowers into bees. "You've got a handsome son here, Leonardo," nakatawang wika ni Ezekeil habang nakatitig sa kanya. "Talagang isinama mo siya para siguraduhing ma-aprobahan ang proposal mo bilang maging exclusive supplier ng alak sa lahat ng hotel ng Albano." "I will use all my 'assets', kumpadre," nakatawang wika rin ng ama niya na tila ginawa siyang pamain kung ang basehan ay pag-uusap ng dalawa. "Let's start our discussion then," sagot nito saka dinukot ang telepono sa bulsa at tinawagan ang sekretarya. "Tell Zanya to come to the conference room," utos nito. "Brandon will handle your account from now on, he will provide you the best wine you could offer to your guests," panimula ng ama. Hindi naman sumagot si Ezekeil na nilalaro ng kamay ang teleponong hawak na tila naiinip sa pagdating ni Zanya. Sandaling katahimikan ang namayani sa conference room bago bumukas iyon at tumambad ang babaeng ikinabilis ng t***k ng dibdib niya nang tumama ang tingin nito sa kanya. Wait! Did he just hear his heart flutter? "Good morning, Dad." Humalik ito sa ama bago umupo sa kanang bahagi ni Ezekeil na katapat ng ama niya. He threw short glances at her who was no interest in meeting his eyes again. Alam niyang sumasabak ito sa sports activities kaya ikinagulat niya na makita ito sa ganoong ayos.  She has no trace of masculinity in her bones.  She has a slender body that could fit for a perfect fashion model.  At kahit hubaran niya ito'y tiyak niyang perpekto ang hubog ng katawan.  He dismissed his thought immediately as his groin started to ache.  Damn! "Meet my daughter, Zanya," wika ni Ezekeil na nakatulong para pairalin ang matinong kaisipan. "She will be incharged in monitoring supplies in our hotels. You may discuss with her your proposal and let's see if you could get the contract for exclusivity right away," tila paghahamon nito. Tumayo silang mag-ama at nakipagkamay dito. Umayos siya ng upo saka muling itinuon ang mata sa dalaga. "Here's our proposal for Albano Hotels," panimula niya saka iniabot sa mag-ama ang ginawa niyang proposal. Mula nang mag-usap silang mag-ama ay nag-research siya tungkol sa magagandang klase ng alak sa merkado. "Besides our top of the line local wines in our company, we are willing to import expensive and best-tasting wine from France." "What about the price of imported wines?" maagap na tanong ni Zanya na tila awit sa pandinig niya. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang anumang atraksyong naiisip niya sa babaeng kausap. "We'll send you another proposal for imported wines once we finalized our contract with Agriberia," mahinahon niyang sagot matapos tukuyin ang isa sa nangungunang importer ng alak sa France. "I hope you prepared your proposal complete, Mr. Montealegre. How can you get exclusivity with us with  incomplete data?" Sandali siyang napipilan dahil sa pagiging pranka nito. Though she was right dahil sa napakaiksing oras na mayroon siya para makausap ang supplier na sinasabi niya ay hindi pa siya nakakapag-costing. Pero ang paghanga na kanina'y dala niya sa babaeng Albano ay napalitan ng iritasyon matapos mapahiya. "I did it on purpose so we can meet again, Miss Albano," sagot naman niya para takpan ang pagkapahiya. "Since we both handle this account, then we can discuss this again over dinner instead?" "I don't do business meetings outside this building Mr. Montealegre," matatag nitong sagot na saglit lang tumingin sa kanya bago ito bumaling sa ama nito. "May iba pa bang pag-uusapan, Dad?" "Well, kanina pa nasa opisina ko si Leonardo kaya't napag-usapan na namin kanina pa ang ilan pang bagay para sa partnership ng Albano at Montealegre Distillery. More than the wine distribution itself, why we are here is to talk about your engagement that will be happening soon." "What?!" halos sabay nilang usal ni Zanya. Pinaglipat-lipat niya ang tingin kay Ezekeil at sa sariling ama na tila kaswal lang ang reaksyon. Nang ilipat niya ang tingin kay Zanya ay isang irap ang pinakawalan nito. "You can't do this to me, Dad!" Mabilis itong tumayo at nilisan ang conference room. Isang malalim na buntunghininga naman ang pinakawalan ni Ezekeil bago humarap sa kanila. "It's nice to meet you, Brandon," wika nito sa kanya bago muling nakipagkamay sa kanilang dalawa saka tumayo. Napilitan siyang tanggapin ang pakikipagkamay nito sa kabila nang nagrerebulosyong damdamin. Lumabas sila ng silid at hanggang makarating sa parking lot ay wala silang pag-uusap na mag-ama. Pinaharurot niya ang kotse palabas ng compound ng mga Albano para ilabas ang inis. Kung nag-iwan iyon ng atensyon sa mga taong naroon ay wala siyang pakialam. Hindi siya magpapatali sa isang Albano lalo at ipinahiya siyang sandali kanina sa meeting. Stacey broke his brother's heart, while Zanya has an arrogant and opinionated personality that irritates him. Being self-centered and egocentric run in their blood. Sa bagong opisina siya ng Montealegre Distillery nagtungo para kalmahin ang sarili. Alam niyang susundan siya ng ama para ipagpatuloy ang pag-uusap sa kaninang nabanggit na engagement nila ni Zanya. He has a girlfriend for pete's sake! At kahit pa wala marahil ay hindi pa rin siya magpapakasal sa babaeng hindi niya gusto at pinangarap na pakasalan. He will never associate himself with any of the Albano women!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD