Chapter 4

1610 Words
Mahigit kalahating oras pa ang lumipas bago pumasok ang amang si Leonardo sa opisinang itinalaga nito sa kanya. It was his grandfather's office when he was still alive and managing the company. Higit iyong malaki kaysa sa opisina ng ama ngayon at kung paano ito napaayos at malagyan ng modernong kagamitan sa loob lang ng ilang araw ay hindi niya alam. Tila ba hinintay lang siyang dumating para magkaroon ulit ng silbi ang silid na iyon na hindi ginalaw ng ama matapos mamatay ng matandang Montealegre. Hindi na kumatok si Leonardo nang pumasok sa opisina niya. Iniwas niya agad ang mata habang ito'y nanatiling nakatayo sa gitna habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng silid. "What was that?" pagalit niyang tanong. "Pinapunta mo ako sa opisina ng mga Albano para ipahiya? Kung alam ko lang na 'yun ang plano mo'y hindi ako pumayag na magtrabaho sa kumpanyang ito." "This company is in financial crisis, Brandon." Napalingon siya sa ama sa sinabi nito saka napakunot ang noo. "We are still the leading brand when it comes to wine production, Papa," pagtatama niya para pabulaanan ang sinabi nito. "Don't give me that bullshit para lang mapapayag ako na magpakasal sa anak ni Albano." "Noong una ay si Tristan ang binalak kong ipagkasundo dahil alam kong hindi kita mapapasunod sa gusto ko. But Ezekeil refused after finding the truth about his depression and failed relationship with his niece. Hindi ang katulad ni Tristan ang kayang mapasunod ang anak niyang si Zanya. Then I told him your name and said that he will make an invistigation about your background and personality first. At kaninang umaga ay pumayag siyang ikaw ang mapangasawa ng anak niya, kapalit ng kontratang magiging exclusive supplier ang Montealegre Distillery sa Albano Hotel and Casino. Their advance payment will save the company to its nearly bancruptcy status. "Paanong napunta sa ganoong sitwasyon ang kumpanya?" nakakunot pa rin ang noo niyang tanong. But he understands now his father's will to make negotiations with Ezekeil Albano. Kahit siya man ay nasa ganoong kalagayan na gagawim ang lahat maisalba lang ang kumpanya ng pamilya. Pero mahirap isipin na habangbuhay na kalayaan ang kapalit ng pagsasalba ng buong distilerya. "How about Alexis?" tanong pa niya na ang tinutukoy ay ang panganay nitong anak sa pangalawang asawa. Alam niyang ang tatlong anak nito ay may kanya-kanyang posisyon sa kumpanya matapos nilang tumanggi dati na dito magtrabaho. His mother was not comfortable in having close relationship with his father's second family. Kaya't nanatili lang silang sa advertising agency ng ina nagtrabaho noon. "Alexis was one of the reasons this company is in crisis. I hate to say this, but since they know they are my illegitimate children, Alexis and his brothers were not as dedicated as I thought they were. May mga missing reports na hindi ko lang maasikasong ipa-imbistiga dahil sa isa pang bagay na mas dapat kong asikasuhin." "Another woman again?" sarkastiko niyang tanong. Napangiti din si Leonardo saka tila nahahapo na umupo sa silyang nasa harap ng mesa niya. "Believe it or not, I stopped womanizing since your mother threw me out of the house then asked for an annulment after. Napagtanto ko ang pagkakamali ko pero hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon ng Mama mo. So, to answer your question, it's not about another woman. I have a lung cancer and I am in and out of the hospital overseas for almost a year." Hindi siya nakapagsalita sa huling ipinagtapat ng ama. He was sure his father was telling the truth. Sa ngayon, ang dalawang magulang niya ay may sakit na kanser at pera ang sagot para parehong humaba ang buhay ng mga ito. "You are my legal son," wika pa ng ama niya na pumutol sa panibagong emosyon na bumalot sa kanya. "Sa 'yo ko gustong iwan ang kumpanya ng Papa na ibinilin niyang palaguin ko para maabutan ng mga susunod na henerasyon ng Montealegre. Matagal ko nang balak hingin ka sa Mama mo para ilipat dito pero tumanggi siya dahil ikaw lang din ang inaasahan niya sa pagpapatakbo sa agency. Napilitan akong ipagkatiwala kay Alexis ang pamamahala pero nabigo ako. I need you, son. Please save this company. For you and for Tristan." Tila biglang bumigat lalo ang pakiramdam niya sa pakiusap nito. Ngayon niya naintindihan ang mabilis na pagpayag ng ina nang sabihin niyang iiwan niya ang agency kay Tristan dahil dito na siya magtatrabaho. His mother did not even ask why. "Nabanggit mo din ba kay Mama ang... s-sakit mo?" Halos bumara pa sa lalamunan niya ang tanong na iyon. "Yes. We even laughed about it," nakatawang wika ng ama na tila ba simpleng sakit lang ang kanser. "After all these years, we became friends again. Ang sakit naming ito lang pala ang maglalapit muli sa aming dalawa ng Mama mo. Now that you're here, I can attend my treatments to at least prolong my life." "You're a tough man, Leonardo," pagbibigay niya ng lakas ng loob sa ama sa kabila ng lungkot na bumabalot sa dibdib niya. "Not even this cancer can defeat you." "But I am old and my days will be over soon, Brandon. I'd be happy to see you managing this company that you will own soon. Ililipat ko agad sa pangalan mo ang kumpanya at ipakikilala bilang bagong CEO." "How sure are you that I will replace you as the CEO of this company?" nakangiti niyang tanong sa kabila nang malapit nang kumislap ang luha sa gilid ng mga mata. He misses his father so much and he loves to serve him to his golden days. If only his mother tried to forgive him. But again, his mother suffered a lot too. At sa panahong ito'y wala na ang lugar para magtanong ng 'what ifs'. "Hindi mo ba gugustuhing manahin ang kumpanya ng Lolo mo? I remember your grandfather told you that this company will be yours when you turn thirty years old. It's two years overdue, son. Hindi sana umabot na kailangan mong pakasalan ang isang Albano para manatili ang kumpanya sa maayos na estado kung dumating ka nang mas maaga." Yeah, he remembers that. Ang silid na ito mismo ang playground niya noong bata pa siya dahil akay-akay siya ng Lolo niya madalas sa opisinang ito. Tristan was always sick at that time, marahil ay dahil stressed ang ina nila noong ipinagbubuntis ito dahil sa pagiging babaero ng ama. Ang Lolo din niya ang dahilan kung bakit matagal pang nagsama ang mga magulang sa kabila ng kabi-kabilang away. But when his grandfather died, Lala decided to finally set herself free from Leonardo. Na kahit hindi na-grant ang annulment ng mga magulang, siniguro ng kanilang ina na hindi na ito magkakaroon pa ng ugnayan sa asawa. "But I am not like you who can marry a woman and desire another," pangangatwiran pa rin niya. "Kung mayroon man akong natutunan sa pamilya natin ay ang pahalagahan ang babaeng mapapangasawa ko at hindi mangangaliwa sa kahit anumang pagkakataon." "That's what makes you an ideal man for Ezekeil's daughter. Alam kong hinalungkat niyang lahat, pati kanunu-nunuan natin para lang alamin ang pagkatao mo. And I am proud to what you have become, Brandon. Sa kabila nang wala ako sa tabi mo, lumaki kang responsable at mabuting tao. You are even better than me in so many ways." "You don't patronize your son and trade him after like a share of stocks in the market," naiiling niyang wika. "Maraming banko ang magkakandarapa na magpautang sa atin kung pinansyal lang naman ang problema ng kumpanya." "Lubog na sa utang ang kumpanya, we can't affor another loan," naiiling na wika ng ama. "Marrying Zanya Albano is the easiest way. At nang malaman ko na tumanggi ang nobya mo na magpakasal sa 'yo, lalong nabuhay ang paghahangad ko na ipakasal ka sa iba. I don't want to hear women turning you down. Walang babaeng tumatanggi sa ating mga Montealegre, Brandon. Keep that in mind." "Pero paano ko pa mapapanatili ang dignidad natin kung tila ibenenta mo ako sa mga Albano? How much are they willing to pay me?" "Si Ezekeil ang desperado na makahanap ng lalaking mapapangasawa ng anak niya, Brandon. Huwag mong isipin na tayo lang ang may pangangailangan sa pagkakataong ito. It's a win-win situation. You are a perfect husband to his daughter, I can assure him that." Isang malutong na tawa ang pinakawalan niya. A perfect husband? Despite having commitment with his girlfriend, he sometimes beds another woman he finds desirable enough. Monique was fine with that. Ang katwiran nito'y hindi pa naman sila kasal at may pangangailangan siya bilang isang lalaki. Monique spends time mostly in Singapore and Paris for her international modeling career. Minsan ay limang beses lang sila magkita sa isang taon. "Ezekeil Albano wants to personally talk to you in his office," putol ng ama sa paglalakbay ng isip niya. "He will be discussing the agreement with you and his terms before he throws his millions away. Hindi na kita masasamahan dahil may appointment ako sa oncologist ko mamayang ala una." "I want to go with you, Papa. Makakapaghintay naman si Mr. Albano." "Don't make him wait, Brandon," maagap na pigil ng ama ng tumayo siya at ligpitin ang mga folders sa mesa. "Samahan mo ako sa ibang araw. I also want to play golf with you one of these days." Kung luha ang kumikislap sa gilid ng mga mata ng ama ay hindi niya tiyak dahil iniwas nito ang tingin sa kanya. Tumayo siya at dagli itong niyakap. "Bad days will be over, Papa," madamdaming bulong niya dito. Agad namang bumitiw ang ama para putulin ang bigat ng emosyon nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD