Chapter 5

1535 Words
Muli niyang ipinark ang sasakyan sa parking lot ng Albano Corp. pero sa pagkakataong ito'y sa regular parking na lang. Iginiya siya ng isang empleyado sa opisina mismo ni Ezekeil Albano. Pagpasok niya ay may isa pang lalaking naroon na hindi nalalayo sa edad niya. "He is my eldest son, Ethan," pakilala niya dito. "He's the CEO of Albano Hotels now." "Brandon Montealegre," pakilala niya sa sarili bagama't may panliliit siyang nararamdaman. Mataas man ang pagpapahalaga niya sa sarili ay para siyang isang lalaking ibinugaw ng ama dahil kailangan nila ng pinansiyal na tulong. "Ethan was like you years ago," wika ni Ezekeil na marahil ay nababasa ang nasa isip niya. "Ipinagkasundo ko rin sya sa isang kaibigan ng pamilya. Look at him now, he's happily married." Nakatingin lang si Ethan sa kanya na tila tanggap na nito na magiging asawa na siya ng kapatid nito. "Any tips how you did it, brother?" Nagpakawala siya ng pilit na ngiti. Pare-pareho silang nakatayo sa silid at si Ethan ay nakapamulsa ang kamay na kaswal lang ang pagkakatitig sa kanya. "Just love your wife," simple nitong sagot. "But it will not be easy for you. Women love to be pampered with love and attention. But Zanya is one tough woman. At kung hindi ka rin naman magaling sa martial arts, daanin mo na lang pilig ng ulo at buntunghininga." Bago pa siya maka-react ay nagpaalam na ito sa ama na aalis dahil may meeting pa itong dadaluhan. "Goodluck, brother." Tinapik siya nito sa balikat na ginantihan niya ng isang tango. Kung bakit tila magaan ang pagtanggap nila sa kanya ay hindi niya masagot. "Please sit down, Brandon." Mas utos iyon kaysa pakiusap sa pandinig niya. "Ang inaasahan ko'y giyera ang susuungin ko kapag nalaman ng angkan niyo na ipinagkasundo niyo lang ako kay Zanya bilang collateral sa ibibigay niyong pabor sa distelirya. But Ethan welcomed me with open arms," biro niya sa kaharap. Ito man ay napangiti sa sinabi niya. "No need to do that. Kay Zanya pa lang mahihirapan ka na, hindi na namin gustong dagdagan pa ang aalalahanin mo." "Paano niyo siya napapayag sa gusto niyong ito?" Napatitig si Ezekeil sa kanya bago nagsalita. "Hindi ko pa siya nakukumbinsi, Brandon. It's your job to convince her to marry you. Kapag nagawa mo 'yun, automatic na na sa inyo mapupunta ang exclusivity ng pagsu-supply ng wines sa buong Albano Hotels, Casino, at Airlines." Napakunot ang noo niya. So hindi pa pala cien por cientong sigurado ang pagpapakasal nila. Maaari pa siyang umatras. O gusto pa ba niyang umatras? "She just insulted me in front of you in the conference room, Mr. Albano. Paano ko siya makukumbinsi na magpakasal sa akin kung ako ang may kailangan sa kanya para maisalba ang kumpanya ng Lolo ko? Do I need to hear another insult from her?" "She hates working in my office," mabilis nitong sagot. "She loves outdoor activities. Alam mong isa siyang sikat na car racer at scuba diver. 'Yun ang alam niyang trabaho. Ipina-ban ko na siya sa lahat ng sports association sa bansa. Her allowance was also cut days ago. Mayaman si Zanya; pero maluho din. Ikaw ang magiging sagot sa problema niya. You will provide for her." "Napakadali para sa isang Albano na lumapit sa ibang kumpanya. Tiyak gagawin siyang manager sa isang kisap lang ng mata." "Zanya has insecurities when it comes to handling businesses or doing administrative jobs, Brandon. I learned that from one of her cousins. Kaya't mas pinili niya ang makipagkarera na lang kay kamatayan dahil doon siya nagtatagumpay. Kapag nakasal kayo, bibili ako ng shares sa kumpanya mo at kayong dalawa ang mamamahala sa lahat. But you will never allow her to go back to car racing again. It's an order." "But you know that I have a girlfriend, don't you?" "You know how to resolve thst problem, Brandon. Monique also has shares with men as you have also shares with women kapag hindi kayo magkasama. It's fine with me as long as hindi ka pa kasal. Pero wala sa aming mga Albano ang nangaliwa buhat nang mag-asawa; hindi ko rin gugustuhin na may babaeng Albano na niloko ng asawa. Bagama't ipinagkasundo kayong dalawa, inaasahan kong aayusin niyo ang pagsasama niyo sa abot ng inyong makakaya." Hindi siya nakasagot sa dami ng tanong na naglalaro sa isipan. Today was unexpected. Tila sila nasa isang maze na may kailangan siyang tapusing misyon para maging matagumpay ang laro. "Why me?" sa huli ay lakas loob niyang tanong. Alam niyang isa sa dahilan ay ang mahigpit na pangangailangan nila sa pera na tiniyak ng kaharap na hindi siya tatanggi. "Let's just say it's a father's instinct. Nakikita ko sa 'yo ang katangian ng isang Albano. Zanya's temporary office is next to mine. We'll have a meeting again tomorrow to finalize the contract of our agreement. Kung kinakailangan niyong pumunta ni Zanya sa Paris para kausapin ang supplier ay magpo-provide ako ng ticket." "There's no need, Mr. Albano," mabilis naman niyang pagtanggi saka tumayo na. "I can provide for my company's expenses." Tumango lang si Ezekeil sa kanya bago siya tuluyang lumabas sa silid nito. Ang kasunod na pinto ay kay Zanya. Pilit niyang alisin ang kaba bago siya kumatok. Zanya is one tough woman... Hindi siya magpapasindak dito. Pareho nilang kailangan ang isa't isa. Bumukas ang pinto at bahagya lang itong nagulat. Mabilis itong bumalik sa kinuupuan at ibinagsak doon ang katawan. "I am not marrying you!" matigas nitong sabi habang pinaglalaruan ng kamay ang ballpen na hawak. She was tensed. "But you have to, am I right?" Nagpakawala siya ng matamis na ngiti ngunit irap ang iginanti ni Zanya. Kung bakit naaliw siya sa reaksyon nito ay hindi niya alam. Tila ito bata na inuutusan sa hindi nito gustong gawin. "Over my dead body." Over your beautiful and sexy body, aniya sa isip. "Bakit hindi na lang natin sundin ang gusto ng mga magulang natin?" "Para masagot na lahat ng problema niyo sa kumpanya? At my expense?!" pagalit nitong wika. Kahit paano'y nainsulto siya. "Look, alam mong kahit ako'y nagulat. But yes, it's an advantage for me to marry you. Pero para sa kaalaman mo, may girlfriend akong naghihintay sa akin at kung ibebenta ko ang kumpanya ko'y kikita pa rin naman ako. So don't insult me as if I am desperate to marry you. Hindi ka hulog ng langit sa akin, Zanya," matigas niyang sabi. Nakita naman niyang napasapo ito sa ulo. "Kung hindi ako ang mapapangasawa mo, sa tingin mo ba'y titigil ang Daddy mo ipakasal ka sa iba? No, sweetheart. So it's either sa akin ka makipagkasundo o haharap ka na naman sa ibang lalaki na mapipili ng tatay mo." "Oh I hate this life.." Yumuko ito sa mesa na tila batang iiyak. Naantig siya sa itsura nitong walang kalaban-laban sa gusto ng ama. Sa loob pa lang ng ilang minuto'y samu't saring damdamin na ang pinaparamdman nito sa kanya. Gusto niya itong yakapin at ikulong sa bisig niya. "I promise to make life easier for you," mahina niyang wika. "Pareho nating kailangan ang isa't isa. Your father mentioned to me why I have to marry you. Lay down your cards and we'll meet halfway." Napansandal ito sa upuan at tumitig sa kanya. Siya'y nanatili lang na nakatayo. "I want to get out of my father's life. I hate him. Kailan ako lilipat sa bahay mo?" Hindi niya inaasahan ang sinabi nito ngayon at lalong hindi niya inaasahan ang galit at lungkot na nasa mga mata nito. He cleared his throat to release the emotions that started to consume him. Ngayon niya napatunayan kung gaano kalakas ang impluwensya ng isang Albano. Minuto lang niyang kasama si Zanya'y tila malalim na ang damdaming naidulot nito sa kanya. Ilang lalaki na ba ang pinaiyak ng babaeng ito? "What's your name again?" "Brandon." "Where do you live?" Napangiti siya saka lumapit dito at umupo sa gilid ng mesa nito na bahagyang nagpaatras sa upuan ng dalaga. "Quezon City. I live with my mother and Tristan, I know you know who he is. Pero kung makakasal tayo'y lilipat tayo sa condo." "Hindi na kailangan. If you have an extra room, that would be alright. Hindi naman tayo magiging tunay na mag-asawa. May girlfriend ka, 'di ba?" "Y-yes... But --" "You don't have to leave her, kung okay lang sa kanya sa ganitong set-up, it's fine with me. I need my father's money but I can't get it straight from him. Sa pagkakaalam ko'y bibili siya ng shares sa kumpanya mo at ilalagay sa pangalan ko. I will be the part-owner of your company. Kapag nangyari 'yun, wala nang kontrol ang ama ko sa kahit anong gusto kong gawin sa buhay. We can file an annulment after and you can marry again whoever you want to marry." Walang itong emosyon sa mga sinabi nito. It was like a business proposal. Sa ngayon ay tatanggapin niya ang mga suhestiyon nito. He needs her to trust him for now. Kailangan muna niyang isipin ang kapakanan ng kumpanya at ang pagpapagamot ng ama at ina na lumalaban sa kanser. Saka na ang damdaming umuusbong sa dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD