Sumandal muli si Zanya sa swivel chair pero inikot nang bahagya para hindi siya nakaharap kay Brandon. His eyes were penetrating her soul. Sa unang pagkakataon sa buhay niya'y nailang siya sa isang lalaki dahil lang sa mga titig nito. No other made her feel this way before. Ni walang nagtangkang titigan s'ya nang matagal sa takot na makarate n'ya. She's a martial expert and that made men scared about her.
She's beautiful. Wala naman sa pamilya nila ang hindi maganda o hindi gwapo. Her cousin Stacey had several suitors that she envied when they were younger. Pero siya'y hindi lapitin ng manliligaw. Laging nagiging biruan na dahil sa takot sa kanya kaya hindi na lang lumalapit ang gustong makipagkaibigan. Hanggang nasanay na siyang hindi tumatanggap ng imbitasyon sa mga dinner na galing sa ibang kalalakihan. Pinanindigan niyang hindi naman niya kailangan ng lalaki sa buhay. She's a strong woman. She's tough. Walang nagagawa ang lalaki na hindi niya kayang gawin.
"Kailan natin pag-uusapan ang kasal?" Naputol ang pag-iisip niya sa sinabi ni Brandon. Napatitig siya dito pero agad ding binawi nang hindi niya kayang harapin ang mga titig nito. He has dark expressive eyes. Minsan ay hinangaan niya ang mga mata ng asawa ng pinsang niyang si Stacey na si Marcus. Tila ba iduduyan ka sa alapaap kapag tinititigan. But Marcus never looked at her this way, and he never brought unexplainable emotions. While Brandon' eyes could make her words falter and her heart race faster.
"Hindi ko gustong maging fiesta ang kasal," walang emosyon niyang sagot sa binata. "Which one is easier to annul? Church or Civil?"
"Parehong matatag ang kasal na sinabi mo, sweetheart," madiing wika ni Brandon na lumapit sa mesa niya at isinandal ang dalawang kamay sa magkabilang armrest ng swivel chair niya. She wasn't expecting it, at tila kakapusin siya ng hininga sa pagkakalapit nilang dalawa. Gusto niyang umatras pero tila nahihipnotismo rin siya sa presenya nito. Hindi niya maiwasang mapadapo ang tingin sa mabalahibo nitong dibdib dahil sa ilang butones na nakabukas sa polo nito at kung bakit ay napalunok siya. Brandon is definitely a hunk.
"I want a fake marriage..." Halos anas nang lumabas sa bibig niya ang sinabi. His perfume is even powerful. Ang mga bisig nito sa magkabilang gilid niya'y tila gusto niyang hawakan at ipalibot sa katawan niya.
"Your eyes speaks the contrary, babe. Which is which? At ano ba'ng inaayaw mo sa kin?"
"It's not about you, Brandon." Pinatigas niya ang tinig para alisin ang pagkapahiya. "You know that I don't intend to marry anyone. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay --"
"Why not?"
"May pagkakaiba ba kung mag-asawa ako o hindi?"
"Malaki ang pagkakaiba, babe. Gusto mong malaman?" nakangisi nitong wika na gusto niyang mainis.
"Look, Brandon. Magpapakasal lang ako sa 'yo dahil gusto kong makaalis sa poder ng tatay ko. And I know you're also doing this because you want my father's money. Kaya't siguraduhin mo lang na ma-a-annul tayo pagkatapos."
"Una, hindi papayag ang ama mo na pekeng kasal lang ang mangyayari sa atin. Pangalawa, anong grounds ng annulment ang gusto mong gawin nating rason? Mag-isip ka na ngayon pa lang."
Itinulak niya ito sa dibdib para makawala siya sa titig nito at napilitan naman itong tumayo. Tumayo siya sa kinauupuan at sumandal sa isang cabinet na kalapit ng salaming dingding at doon tumanaw.
"Napakaraming dahilan," sagot niya.
"Like what? Lack of Parental Consent? Magulang nga natin ang may kagustuhan nito, hindi ba? Insanity? Tinitiyak ko sa 'yo wala akong sakit sa pag-iisip."
"Unconsummated marriage," matatag niyang sagot. Napangiti si Brandon at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nakaramdam siyang muli ng pagkailang dahil ilang pulgada lang ang layo ng binata sa kanya.
"Marami nang arranged marriage ang ginawang rason 'yan pero hindi naman napanindigan."
Bago pa siya makapagsalitang muli ay yumuko na si Brandon at dumampi ang labi nito sa kanya sa pagkabigla niya. Agad tumaas ang mga kamay niya sa dibdib nito para itulak pero napigil din ng mga kamay nito ang kamay niya. His hands massages her palms instead while his kisses went deeper. Hindi niya alam kung alin ang mali; kung ang labi nitong nakalapat sa labi niya o ang kamay nitong lumipat na sa likod niya -- pressing their bodies closer. Hindi rin niya alam kung paano tumugon. Hindi rin niya maintindihan ang damdaming umaalipin sa kanya sa lalaking ni hindi pa lumilipas ang bente kwatro oras mula nang una niyang makita. And this is her first kiss!
"I heard Montealegre came here! ---"
Naputol ang anumang sasabihin ng kung sinong pumasok nang makita ang paghahalikan nila ni Brandon. Yes - paghahalikan, dahil tumugon siya sa kung anong paraang iniutos ng katawan. Kasabay ng pagpasok ng babae sa opisina niya'y siyang pagtulak niya sa dibdib ni Brandon.
"I'm sorry," paghingi ng paumanhin ni Stacey na siyang pumasok nang walang babala. Bagama't humingi ng paumanhin ay pilyang nakangiti ito sa kanya na gusto niyang lumubog sa kahihiyan.
"It's okay, I'm about to leave anyway. I'm Brandon Montealegre." Inilahad ng binata ang kamay sa pinsan at nakipagkamay.
"It's nice to finally meet you. And I'm sorry to interrupt." Kumindat pa ito kay Brandon na ikinairap niya sa pinsan.
"Aalis ka na, hindi ba?" Tanong niya kay Brandon para maputol na ang pag-uusap ng dalawa.
"Of course. And sweetheart," nakangiting tunghay nitong muli sa mukha niya. "Mukhang hindi uubra ang suhestyon mo kanina. Think of something else."
Gusto niyang batuhin ito ng stapler bago makalabas ng pinto si Brandon dahil sa pagkapikon. Si Stacey naman ay humalakhak nang maiwan silang dalawa. Nakasimangot pa rin siya dahil pa rin sa pagkapahiya.
"I'm really sorry, couz. Nasanay lang akong biglang-biglang pumapasok sa silid mo sa bahay, akala ko'y pwede kahit dito."
"That was first and last, Stacey. Walang nakakatawa sa nadatnan mo, that should've happened."
"But it did. When did you meet that Brandon guy?"
"This morning."
"This morning???? That was fast!"
"Pwede ba, Stacey, huwag kang magtawa d'yan! Why are you here anyway?"
"Because I heard you had a meeting with the Montealegres. Tama sila, he's definitely an attractive and interesting creature!"
"Yun na lang siguro ang kunswelo ko. We're getting married according to Dad." Muli siyang umupo sa swivel chair at muling bumalik sa isip ang paninipula ng ama sa buhay niya.
"Ayokong ibase sa nakita ko kanina para sabihing tama ang desisyon ni Uncle para ipakasal ka sa isang Montealegre. I don't know him and it would take time in getting to know someone."
"Tell Dad about it and ask him to stop this non-sense. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-asawa."
"I'm sorry again, alam kong sa akin nagsimula ang kagustuhan ni Uncle na lumagay ka na rin sa tahimik. He was scared that one day he will see you fighting for your life like the way I did. Kung sana'y huminto ka na lang sa karera at manatili na lang sa opisina mo, baka magbago pa ang isip ni Uncle."
"This isn't me, Stacey. Hindi dito ang mundo ko. Hindi ako katulad niyo na magaling sa mga bagay na nakasulat sa mga reports na 'yan!"
Unti-unti nang bumalong ang mga luha niya sa mata sa awa sa sarili. Ilang araw pa lang siyang namamalagi sa opisina niya'y para na siyang nakakulong. She needs air to breathe! Idagdag pa ang emosyong idinulot ni Brandon sa kanya kanina.
"Then accept that you will be married soon. If you need help in wedding preparation, we are willing to extend extra hands."
"There's no need. Civil wedding lang pwede na, hindi ko gustong pagpyestahan ng mga tao ang pagputol sa kalayaan ko. And I won't give Dad the pleasure to see me defeated by his manipulations."
"Oh, couz... Hindi naman ganun ang Daddy mo. Bakit hindi niyo pag-usapang dalawa?"
"May karapatan ako sa shares ng kumpanya, hindi ba? Then why does he need to cut my allowances? He purposely did it to throw me out of the house! Gusto niyang mawala ako sa poder niya? Then I will not go home!"
"Our doors are open to welcome you."
"Ako na'ng bahala sa sarili ko. I can live on my own," matatag niyang wika matapos kainin ng sama ng loob sa ama ang dibdib niya. "But I'm sorry if I can't let you attend my wedding. It was against my will anayway. Gagamitin ko lang si Brandon para makalayo sa anino ng pagiging Albano."
"I hope you change your mind, Zanya. Walang naaayos sa init ng ulo."
Hindi siya sumagot sa pinsan bagkus ay binuklat ang folder na nasa mesa at hinanap ang telepono ni Brandon sa business card na nakakabit sa proposal para sa Albano Hotels. Makalimang ring bago pa nasagot ng binata ang kabilang linya.
"I'm not going home today, can you reserve a hotel room for me? As your fiancee, pananagutan mo na ako, hindi ba?"