Napilitang ihinto ni Brandon ang sasakyan matapos tumawag ni Zanya na kailangan nito ng matutuluyang hotel. Wala pang kalahating oras matapos niyang umalis sa opisina nito. At dahil hindi niya napaghandaan na agad itong papayag sa suhestyon niyang sundin ang kagustuhan ng mga magulang, ngayon ay natataranta siya. Zanya Albano. Ang babaeng liligalig sa kanya sa isang kisap lang ng mata. Ipinangako niya sa sarili na hindi siya magpapaalipin sa isang babaeng Albano, pero ngayon ay gusto niyang sundin ang lahat ng gusto nito. "f**k!" galit na mura niya sa sarili. Wala nang balak umuwi ni Zanya sa bahay ng mga magulang kaya't kailangan nitong tumira pansamantala sa isang hotel. Hindi niya ito maiuuwi sa bahay ng Mommy niya dahil hindi pa naman sila kasal. At hindi niya alam kung anon

