Narito ang pamilya ng asawa mo, Brandon," wika ng ina sa kanya habang nakatitig siya sa Papa niya na nakahimlay ngayon. Kagagaling lang niya sa Albano Corp. kanina at kung maaari ay hindi niya gustong humarap muli sa mga ito. Pero wala siyang pagpipilian kung hindi harapin ang sakit na tumatarak sa dibdib niya tuwing makikita si Zanya. Sakit na nahahaluan na ng galit. Isa-isang lumapit at nakipagkamay sa kanya at sa Mama niya si Ezekeil, Hannah, Ethan at Marga. Nakakapit ang kamay ni Zanya sa braso ng ama na iniwasan niyang tingnan. Isa-isang sumilip ang mga ito sa kabaong. At nang si Zanya ang dumungaw sa Papa niya ay tumalikod siya at naglakad palayo doon. Sa silid niya siya dinala ng mga paa at tumanaw sa halos padilim ng paligid mula sa balkonahe. Katulad ng damdamin niya ngay

