Chapter 39

2048 Words

"Anong ginagawa mo dito?" Halata ang galit sa tinig ni Brandon nang magsalita.  Dito siya pinatuloy ng mama ni Brandon matapos ipaliwanag sa kanya na ang silid nilang mag-asawa ang ginagamit ni Monique ngayon dahil doon ay may sariling banyo.  Ang guest room na dapat na gagawing nursery ay siyang tutulugan niya ngayong gabi -- kung makakatulog ba siya sa kaisipang hindi pa sila nagkakaayos ni Brandon. "M-magpapahinga lang," sagot niya.  "Wala naman gaanong tao sa ibaba kaya umakyat muna ako." "Ang ibig kong sabihin ay bakit nandito ka pa?  Hindi ka na dito umuuwi, Zanya.  Sa bahay ka rin ng mga magulang mo tumuloy kahapon, hindi ba?" "Gusto ko ring magluksa, Brandon.  Karapatan ko 'yun bilang asawa mo." "Now you're my wife again! Ganyan ba talaga kayong mayayaman?  Aalis at babalik kun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD