Hindi pumayag si Brandon na hindi ihatid si Zanya kinabukasan sa bahay ng mga magulang nito sa Paranaque. Lihim naman niyang kinausap si Ezekeil Albano na itutuloy nila ni Zanya ang pagpapakasal sa simbahan na labis na ikinatuwa ng mga biyenan. Ipinakiusap niya na huwag munang sasabihin kay Zanya ang mga plano niya dahil magpo-propose siyang muli mamayang gabi. Hindi pa rin niya nababanggit kay Zanya na dito na rin muna siya tutuloy sa bahay ng mga biyenan pansamantala habang inaayos pa niya ang kalagayan ni Monique. Pagkaalis niya sa bahay ni Ezekeil Albano ay tumuloy muna siya sa libingan ng Papa niya. May mga sandali na nagsisisi pa rin siya sa mga panahong tinikis niya ang Papa niya mula noong naghiwalay ang mga magulang hanggang nitong sila ni Zanya ang dumaan sa pagsubok. At

