Muling tumibok nang mabilis ang puso ni Brandon nang matanaw ang babaeng bumaba sa kotse na tila isang prinsesa. Malapit na'ng magdilim dahil halos alas sais na ng gabi. Halos isang oras na siya sa museleo ng Lolo niya na katabi lang din kung saan nakahimlay din ang Papa niya. Kapag ganitong mainit ang ulo niya'y ayaw niyang maglagi sa opisina dahil baka may masigawan lang siya. Isa sa bad traits ng isang Montealegre ay walang kontrol sa emosyon kapag mainit ang ulo. Si Zanya lang ang nakakatunaw ng galit niya kahit ito din ang dahilan kung bakit mainit ang ulo niya at hindi siya nakatulog kagabi. At ngayon ay nakatayo ito sa harap niya dala ang mugtong mga mata. Pa'no pa s'ya magmamatigas?" "Pa'no mabubuo si Leon kung galit ka na naman?" Lumabi itong parang bata na gusto niyang ik

