"Saan ang lakad mo, boss?" tanong ni Archer kay Brandy. "Sa Ilocos Norte..." mabilis na sagot sa kanya ni Brandy. Kumunot ang noo ni Andersen. "Ha? At bakit ka naman pupunta doon, boss? Anong mayroon doon?" "Basta, huwag ka na magtanong. Huwag na kayong magtanong dalawa. Iyong inutos ko sa inyo, pakigawa na lang, okay? Itawag niyo lang sa akin kung may mga kailangan kayo o ano. May kailangan lang ako asikasuhin at napakaimportanteng bagay nito sa akin." Nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan. "Huwag mong sabihin nandiyan sa lugar na iyan si Zora?" ani Archer. Bumuntong hininga si Brandy. "Umaasa ako na sana nga nandoon siya sa lugar na iyon. Na sana makita ko na siya at makasama. Sige na... sana maunawaan niyo ako kung bakit kailangan ko munang umalis. Kayo na ang bahalang magpaliwa

