"Zora..." Maluha- luha ang kaniyang nang puntahan niya ito sa kanilang bahay. Nag- message kasi ito sa kaniya na sasama na lang ang mama niya sa kanila. Napangiti si Zora dahil sa naging desisyon ng kaniyang ina. Kahit hindi naging maganda ang trato nito sa kaniya, mahal na mahal niya ang mama niya. Ito na lang kasi ang natitira niyang magulang. Kaya gusto niyang pahalagahan ito at makasama ng mas matagal. Tumingin si Zora sa kaniyang step brother na abala sa paglalaro ng luma nitong toy car. "Gusto mo bang bilhan kita ng marami niyan?" Namilog ang mata ng kaniyang kapatid. "Talaga po? Opo gusto ko po!" masaya nitong sabi. Bumaling si Zora sa kaniyang ina. "Nakahanda na po ba ang mga gamit ninyo? Ipasok niyo na sa sasakyan. Tutulungan ko na kayo..." Tipid na ngiti ang sinagot ng kaniy

