"Anong katangahan kasi ang ginawa mo? Sinundan mo siya para ano? Patayin? Nang mag- isa ka lang? Ang tanga- tanga mo naman! Mabuti na lang hindi ka niya pinatay! Sinabi ko naman sa iyo na anak iyon ng mafia boss kaya ganoon siya kagaling! Tapos asawa niya pa si Brandy na isa ring mafia boss kaya wala ka talagang laban sa babaeng iyon!" bulyaw ni Carl kay Cathy habang ginagamot ang sugat nito. Halos tumabingi ang buto sa ilong ni Cathy dahil sa ginawang pagsuntok sa kaniya ni Zora. Sa lakas ba naman ng kamao nito, talagang mababaliko ang ilong ni Cathy. Akala kasi ni Cathy porke may baril siya, magagawa niyang mapatay ng ganoon na lang si Zora. Tila mapapaiyak na si Cathy sa sobrang sakit ng kaniyang ilong. Sa tingin niya nabali ang ilong niya kaya kinakailangan niyang magpa- scan kung m

