"Archer? Nasaan ka? Doon ka muna sa bahay. Bantayan mo ang mag- ina ko. Aalis lang ako. May aasikasuhin lang ako sa ibang lugar. May nabalitaan kasi akong sumugod doon ang Red Wolves..." wika ni Brandy matapos niyang tawagan si Archer. "Copy, boss. Punta ba ako," mabilis na sagot ni Brandy. Agad na pinaharurot ni Brandy ang kaniyang sasakyan patungo sa lugar kung saan nabalitaan niyang nagkaroon ng engkwentro ang kaniyang mga tauhan pati na ang tauhan ng Red Wolves. Kasama niya si Andersen. Titingnan nila kung anong naganap doon dahil marami sa tauhan niya ang masaktan at napatay. Walang kaalam- alam si Brandy na patungo na pala sa kaniyang bahay sina Carl at Cathy. Niligaw lang nila si Brandy na habang wala si Brandy sa kaniyang bahay, aatake sina Carl at Cathy kung nasaan ang kaniyang

