Tila mabangis na hayop na pinagbabaril ni Brandy ang mga tauhan ng Red Wolves. Nakaramdam ng takot si Calyx habang pinanunuod kung paano pasabugin ni Brandy ang utak ng kaniyang mga kasama. May tama si Brandy ng bala sa balikat ngunit wala siyang nararamdaman na sakit. Ang nasa isip niya ngayon ay patayin ang lahat ng taong nasa harapan niya. "At saan ka pupunta?" nakatatakot na wika ni Brandy nang maabutan si Calyx na tatakas pa. Nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa kaniya. Kitang- kita ni Brandy ang takot sa mukha ni Calyx. "B- Brandy... m- maawa ka sa akin. H- Hindi naman talaga ako ang nagplano nito. Si C- Carl... siya ang may gustong pata---" Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Calyx nang barilin siya sa noo ni Brandy. Kahit wala ng buhay ang kaniyang katawan sa kalsada, pinag

