One month later..... Tuluyan na ngang naubos ang Red Wolves. Ang iilan nilang miyembro ay nagbagong buhay na. Wala na rin naman silang boss kaya nagkanya- kaniya na sila ng pagbabagong buhay. Sa kaniyang grupo, nagpaalam na si Brandy bilang mafia boss. Sinabihan niya ang dalawa niyang kaibigan na sila na ang bahala sa X-Skull Syndicate. Gusto niyang makapagsimulang muli kasama ang kaniyang pamilya. Nagpaalam na rin siya bilang Kapitan sa barangay Tutan. Marami ang nalungkot ngunit gusto ng magbagong buhay talaga ni Brandy. Gusto na niyang magsimulang muli. "Hanggang sa muling pagkikita, boss. Mag- iingat kayo palagi ng pamilya mo. Sa tingin namin, hindi na rin namin alam kung ipagpapatuloy pa ba naming hawakan ang X-Skull Syndicate. Parang gusto na rin naming magbagong buhay. Iyong babae

