"Archer, umalis na tayo." Nagmamadaling hinila ni Esmeralda si Archer ngunit hinawakan naman siya ni Lance sa pulsuhan. "Tangina mo bakit mo hinahawakan ang girlfriend ko?!" galit na sigaw ni Archer. Napatingin tuloy ang mga tao doon sa kanila. Ngumisi si Lance. Habang si Esmeralda naman ay hindi alam ang gagawin. Bigla siyang nakaramdam ng takot. "Anong sinabi mo? Girlfriend? Eh ako ang boyfriend ng babaeng iyan! Kami ang magkarelasyon!" Tumawa si Archer. "So ikaw pala ang lalaking nagbigay ng trauma sa kaniya. Ikaw pala iyong lalaking bumubugbog sa kaniya kapag sobrang nagseselos. Iyong nanakit sa kaniya physically at emotionally? Ganiyan ka pala magmamahal? Nasaan ang b ayag mong g ago ka para manakit ng babae?" Nagbulungan ang mga tao sa paligid nila. Lahat ng iyon ay masama ang

