"Kumusta ka naman, Esmeralda? Sa nakikita ko kasi... halatang masaya ka sa piling ni Archer. Bakit hindi pa kayo magpakasal?" Nabigla ng bahagya si Esmeralda. "Grabe naman po kayo, tita! Kasal agad? Hindi pa nga po umaabot ng ilang taon ang relasyon namin. At saka mas okay po na ganito muna kami. Iyon bang inaalam po muna namin ang tibay na ugali ng isa't isa. Kasi mahirap naman po kung kailan kasal na ang dalawang tao, doon pa makikita ang ugali nilang hindi maganda." Napatango si Analyn. "Sabagay, tama ka. Pero masaya ka naman talaga sa kaniya? Ano ang nararamdaman mo sa tuwing kasama siya? Ano ang masasabi mo sa kaniya?" Matamis na ngumiti si Esmeralda. "Sobrang saya ko po sa piling mo niya. Wala rin po akong masabi sa kabaitan niya. Maloko siya pero mabuting tao po siya. Iyon po ang

