"What?! Hindi niyo makita kung nasaan siya?" galit na sabi ni Brandy sa dalawa niyang kaibigan. "Boss, kung saan - saan kami naghanap. Madami rin kaming tauhan na inutusan pero hindi nila mahanap si Zora. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin!" sabi naman ni Archer. "Puwes hanapin niyo! Kahit lahat na ng tauhan natin utusan niyo, basta mahanap niyo lang siya!" galit na sigaw ni Brandy. Kumukulo ang dugo niya sa mga oras na iyon. Isang araw mula nang maglaho si Zora, hindi na siya nakatulog pa ng ayos. Wala siyang ibang inisip kung nasaan na ba ang kaniyang nobya o kung ano na ba ang kalagayan nito. Wala pa siyang tulog. Nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at saka inihanda ang kaniyang mga baril. Sumabay pa ang paninira sa kaniya nila Jamilla kaya naman lalong dumagdag iyon sa kaniyang

