"Oh? Mukhang may ngiti ka yata sa labi! Mukhang nadiligan ang tuyong bulaklak ah!" panunudyo ni aling Emily nang gabihin si Zora sa pag - uwi. Inilapag niya ang pasalubong niya sa matanda bago binuhat ang kaniyang anak. "Ito naman! Nagpakasaya lang po ako. Syempre, alam mo naman na medyo nasabik talaga kami sa isa't isa. Para sa iyo po pala iyan. Kainin niyo na po..." nakangiting sabi ni Zora. Natawa na lang din si aling Emily. "Ayos lang iyan. Bukas ulit, magpadilig ka. Magpadilig ka lang nang magpadilig hangga't bata ka pa. Kasi kapag tumanda na kayo, hihina na ang mga buto niyo. Ang dating mabilis kumadyot, babagal. Kaya sige patusok lang!" Humagalpak ng tawa si Zora. Tawang- tawa siya sa sinabi ng matanda. Nakaisip tuloy siya nang kapilyahan. Tumingin siya sa labas at naisip niya

