Dali- daling nagbihis sina Brandy at Zora papunta sa ilog kung nasaan ang kanilang anak. Hindi maipaliwanag ni Brandy ang saya na kaniyang nararamdaman. Gamit ang motor na binili niya, agad niya itong pinatakbo ng mabilis patungo roon. Habang nagmamaneho siya, mabilis ang t***k ng kaniyang puso na para bang mauubusan siya ng hininga. "Nandito na tayo...." wika ni Zora kaya inihinto na ni Brandy ang kaniyang motor. Nanginginig ang kalamnan ni Brandy habang naglalakad patungo sa munting bahay ni aling Emily. Nang makita sila ng matandang babae, namilog ang mata nito. Buhat - buhat nito ang kanilang anak. Nangilid ang luha ni Brandy nang masilayan sa unang pagkakataon ang kaniyang anak. Tawa - iyak ang kaniyang naging reaksyon. "So ito na ba ang sinasabi mo sa akin na lalaking mahal mo, Zo

