Masaya ang mga tao sa barangay Tutan dahil nagbalik na si Brandy. Bilang pasasalamat sa mga tao doon, nagbigay kasiyahan ulit si Brandy sa kaniyang barangay. Nagbigay siya ng tulong sa mga tao doon. Tuwang- tuwa ang mga kabataan lalo na ang mga matatanda. At kinabukasan lang, idinaos ang kasal nina Brandy at Zora. Buong barangay ay imbitado sa kasalang iyon kaya naman napakaraming inihandang pagkain sa kanilang kasal. Ilang baboy ang pinakatay ni Brandy para sumobra ang pagkain sa mga tao doon. "Grabe! Hindi ko akalain na kasal na tayong dalawa. Napakaraming tao!" naluluhang sabi ni Zora habang nakatingin sa maraming bisita sa kanilang reception. "Kahit ako rin. Talagang gusto kong maraming bisita para alam nilang ikaw ang napangasawa ko. Masaya ka naman ba na ako ang napangasawa mo?"

