"Napakaganda talaga ng anak natin..." nakangiting sabi ni Brandy habang buhat ang kanilang anak. Ngumisi naman si Zora. "Syempre, kanino pa ba magmamana?" "Malamang, sa napakaganda niyang mommy," sambit ni Brandy bago inabot ang labi ng kaniyang asawa. Ilang oras nilaro at inalagaan ni Brandy ang kanilang anak bago ito ibinigay kay aling Emily. Bumuntong hininga si Zora habang nakatingin sa matanda na inaalagaan ang kanilang anak. "Gusto kong tulungan si aling Emily na makita man lang ang unang lalaking minahal niya na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya. Gusto niya kasing malaman kung buhay pa ba ito o hindi. Para maging panatag na siya," sambit ni Zora sabay baling kay Brandy. "Ano ang pangalan ng lalaking iyon? Ipahahanap ko sa mga tauhan ko. Ibig sabihin pala nito, kay

