"Grabe! Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko sa inyong mag- asawa. Pero huwag kang mag- alala, mananatili akong tapat sa inyo lalo pa't malaki ang utang na loob ko sa inyo. Kinupkop niyo ako at naging masaya ang malungkot buhay sa inyo. Basta, galingan niyong dalawa sa pagpatay sa kalaban, ha? Tamaan niyo palagi sa ulo nang mamatay agad! Ang angas niyo pa lang mag- asawa!" namamanghang sabi ni aling Emily. Natawa naman si Zora. "Akala ko matatakot kayo sa amin o iisipin niyo na masamang tao kami." Mabilis na umiling si aling Emily. "Naku, hindi! Masasamang tao naman ang papatayin niyo eh. Hindi naman basta kayo papatay ng normal na tayong walang atraso sa inyo. Tama lang iyan. Lalo na't may anak na kayo eh. Syempre, kapag hindi niyo iyan napatay, kayo ang papatayin niyan. Kung medyo bata

