"Ang laki talaga ng bahay mo, 'no?" wika ni Zora nang muli siyang dalhin ni Brandy sa kaniyang bahay. "Well... oo. Pero hindi naman ako masaya dahil ako lang ang madalas nandito. Masyadong tahimik. Ayoko naman ng maliit na bahay. Nagiging maingay lang ito kapag nandito ang dalawang asungot kong kaibigan," wika ni Brandy bago pinalibot ang tingin sa kaniyang bahay. Bumuntong hininga si Zora. "Pero masaya naman magkaroon ng kaibigan kahit magulo. Mabuti nga at dinadalaw ka nila palagi dito. Kahit papaano, nabubuhay ang bahay mo." "Kahit huwag na sila masyadong pumunta. Nandito ka na rin naman. Ikaw na lang ang magbibigay ng buhay sa bahay kong ito. Kung gusto mo, dito ka na lang muna. Para may makasama ako dito," malambing na wika ni Brandy bago nahiga sa hita ni Zora. "Gusto mo ba na d

