"Akin ka lang, Esmeralda! Ako lang nagmamay ari sa iyong putangina ka!" "Tangina mo! Papatayin kita kapag nakita kitang may kasamang iba!" "Esmeralda! Subukan mong tumakas! Papatayin kita! Sa akin ka lang!" Habol - hininga ang ginawa ni Esmeralda nang siya ay magising. Pinalibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kaniyang silid bago pinahid ang pawis sa kaniyang noo. Tumulo ang butil- butil na luha sa kaniyang mga mata. Muli na naman niyang napanaginipan ang lalaking sumira ng kaniyang buhay. Marahas niyang pinahid ang kaniyang luha. Nasabunutan niya ang kaniyang sarili at pilit na inaalis sa kaniyang isipan ang ginawang pananakit sa kaniya nang dati niyang nobyo. Ang nagbigay sa kaniya nang matinding trauma na naging dahilan para matakot siyang magmahal ulit. "Tita Analyn? Tita An

