Aria’s POV “Look what have you done! Are you blind or a really stupid?” Nahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Chelsy mula sa pasilyo ng Accountant department. Nakita ko ang isang empleyada ko na halos maiyak na dahil sa matinding panghihiya na inabot nito mula kay Chelsy. “PAK!” Naningkit ang mga mata ko ng sampalin nito ang pobreng babae. Hindi lumaban ang babae bagkus ay nanatiling nakayuko lang ito habang tahimik na tinatanggap ang lahat. Nakikita ko ang aking sarili noon sa sitwasyon ng babae ngayon kaya hindi na ako nakapagpigil. Kinuha ko ang kapeng hawak ng aking Secretarya, tinanggal ko ang takip nito bago nagsimulang humakbang patungo sa direksyon ni Chelsy. Nagtataka namang sumunod sa akin ang aking Sekretarya at ang ilang mga empleyado. Hindi man lang nara

