“Ma’am, kanina pa po kayo hinahanap ni Young Master, kaalis lang po niya.” Ito kaagad ang bungad sa akin ng sekretarya ko, kararating ko lang galing sa pag-inspeksyon ng mga bagong deliver na sasakyan. Personal kong sinusuri ang mga ito dahil wala na akong tiwala sa aking mga empleyado simula ng madiskubre ko ang malawakang anomalya sa loob ng kumpanya. Tuluyan ng nawala sa kumpanya ang aking madrasta kaya ganun na lang ang galit nito sa akin ngunit hindi siya makalapit sa akin dahil mahigpit kong ibinilin sa mga security na huwag papasukin ito sa loob ng kumpanya. Nag File na rin ako sa korte ng case laban dito kasama ang ilang mga board member na sangkot sa anomalya. Ang lahat ng iyon ay ipinagkatiwala ko kay Clinton. Siya na mismo ang personal na nag-aasikaso ng lahat habang naghah

