Aria’s POV Bakas sa mukha ni Harris ang matinding kasiyahan habang mahigpit niyang hawak ang aking kaliwang kamay. Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang sasakyan patungong Mansion, pinagbigyan ko ang kahilingan nito na makasama ako ngayong araw at simula kanina ay hindi na ito humiwalay sa akin. Para itong ahas kung makalingkis, umusog lang ako ng kaunti ay kaagad na akong hihilahin nito pabalik sa kan’yang katawan. Gusto ko rin naman na niyayakap niya ako dahil napakasarap makulong sa mga bisig nito. Nagmukha tuloy kami na isang bagong mag-asawa na nagsisimula pa lang magpundar ng isang matatag na pundasyon para sa relasyon namin bilang mag-asawa. Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay humimpil ang sasakyan sa harap ng Mansion. Hanggang sa makababa na kami ng sasakyan ay hindi ito hum

