Aria’s POV Saglit akong tumitig sa mukha ng aking asawa, may kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko kaya masuyo ko itong hinalikan labi. Bahagya siyang nakatingala sa akin habang nanatiling nakapikit ang kan’yang mga mata. “Wala kang dapat na ipagselos, dahil ikaw lang ang lalaking minahal ko, alam ko na sa simula pa lang ay ikaw na ang ibinigay ng Diyos sa akin. Sadyang nakatadhana na tayong dalawa dahil sa tuwing kailangan ko ng tulong ay dumarating ka upang sagipin ako. Kaya wala na akong ibang hihilingin pa sa buhay ko kung hindi ang makasama ka hanggang sa huling sandali ko dito sa mundo.” Madamdamin kong pahayag habang diretsong nakatitig sa namumungay niyang mga mata. Hindi ko na hinintay pa na makasagot ito, mapusok na hinalikan ang nakaawang niyang mga labi. Isang mat

