High & Untouchable Gods Society
Hermes John Klein
GOD OF TRADE
written by: Blackrose
Chap 8 -Favorable To Me
-------'-,-'--,-{@
Hermes John
It is Wednesday, 3rd day na today na hindi pumapasok ang Head Secretary ko due to her final examinations daw. I've postponed my meeting today with an investor because she wasn't around, same goes yesterday. Ganon ka-important ang Head Secretary sa akin at sa company ko. Three days narin na si April ang gumagawa ng ilan chores ni witch like tending my coffee and newspaper plus doing some important calls for me.
After an hour ay umalis na ako ng office, I don't have anything to do narin naman. Wala akong maisip na puntahan kaya I've decided to go home sa bahay ko in Ortigas and stay there for the night. Pagpasok ko sa gate, I immediately saw my brother's car. I am at the main door entrance when I heard giggles and laughters at the living room. By the sound of it, mukhang nandito ang girlfriend ng brother ko. And I am right... Nandito nga ang girlfriend ng kapatid ko na witch at nagkukulitan sila sa living room. My eyebrow arched when I heard the witch screamed in laughters as my brother tickles her from her sides.
'EHEM!!' they both stop from what they are doing and gaze upon me.
'Hermes! What a pleasant surprise! What brought you here?' hindi nakaligtas sa eyes ko ang pagbaba ng kapatid ko ng skirt ni witch because her upper legs were exposed. Inayos na kaagad ni witch ang buhok niya that were slightly messed up. I bore my eyes at her before I look at my brother.
'The last time I remember my dear brother... This is my home, I paid for this.' the witch glance at me. 'I haven't eaten my lunch yet, Veronica. Tell the cook to prepare one for me.'
'What the...' the witch held my brothers hand. 'f*****g no Diyosa! Ako na ang magsasabi!' nahinto ako sa steps ko when my brother retaliates. But I didn't look back.
'Ayos lang Panget. Ano ka ba.' I grin sa sinagot ni witch and continue my pace towards the stairs.
After 30minutes, I am called by my maid to eat. Pagbaba ko ay wala ng ingay sa living room. I head to the dining room but I only see our maids na nagdadala ng foods sa dining table.
'Where's Hypnos?'
'Nasa pool po Sir kasama ang girlfriend nila. Naliligo po sila.' sumenyas ako for the maids to leave.
While I eat ay hindi ako mapakali. I place the utensils down and drink my water before I stand up and walk towards the back garden where the pool is located.
'Hold on tight Diyosa so you won't fall!! Hahahahaha!!!'
'PANGET!!! HUWAG KANG GUMALAW BAKA MAHULOG AKO!!!'
I was frozen from where I am standing at the sight that I am seeing at this very moment. Nakaupo sa balikat ng kapatid ko si witch wearing only an all-white two-piece string bikini. Nakatalikod sila sa akin and they don't have a clue that I am watching them from afar. Kitang-kita ko ang korte ng katawan ni witch. Akala ko she didn't have the curve dahil parang wala naman talaga but I am damn mistaken. She have a slim waist na kahit na payat siya ay bumagay parin sa kanya. And by the way I look at her now, she also have a slightly round hips na nakapasan sa balikat ng kapatid ko. My throat suddenly gone dry and I felt parched and thirsty.
'f*****g shit.' I hurriedly went inside and back to the dining room. Mabilis kong ininom ang water sa tall glass. Emptied it with just a few seconds.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung bakit may ganito. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong inis sa sarili ko towards them. Hindi ako naiinggit, I am very positive of it. Pero hindi ko malaman why does my inner self reacting this way. It is really confusing, really bothering dahil ngayon ko lang ito naranasan sa buong buhay ko. Hindi ako sanay with this and I don't f*****g know how to deal with it.
Hindi ko na tinuloy ang food ko. I went to my room and take a shower. After refreshing myself, I dive to my bed and tried to take a sleep. Pero isang oras na akong nakahiga ay hindi parin ako makatulog.
'GODDAMMIT!!!'
Tumayo ako and went out of my room. I didn't mind that I am just wearing my boxer shorts, bahay ko naman ito at sanay na ang mga maids ko na ganito ako. I walk straight papunta sa bar.
'What the f**k brother?! Wear something decent, for Christ sake Hermes!' napahinto ako upon hearing my brother's wailing voice. Dahan-dahan akong humarap sa kanya only to find out that he is still with his girl. Nakatakip ang mukha nito with a throw pillow while my brother's face is unfigurable.
'What?! Bawal?! This is my f*****g home! Bawal?! Am I not allowed to roam around my very own home?!'
'You're unbelievable Hermes!! Tss!!'
'Oh f*****g believe it!! Get out of my sight if you can't stand my f*****g presence!!'
Tinalikuran ko sila and proceed to the bar. I pour for myself a whiskey and didn't bother to look at them.
Veronica
Katatapos lang ng final exams namin today at sakto naman na pahinga sa graduation practice ngayon si Jason kaya nahintay niya ako sa labas ng classroom ko kanina. Kumain muna kami sa labas bago kami tumuloy dito sa kanila sa Ortigas. Since hindi kami nakapag-bonding nung Sunday at parehas kaming busy nung Monday hanggang kahapon, ngayon lang ang pinaka-bonding namin dalawa. He called me kahapon at sinabihan akong magdala ng swimsuit para daw makapaligo kami sa pool nila today. Wala naman akong swimsuit na hindi two-piece at hindi naman tama na bumili pa ako para lang gamitin ko today, kaya yung two-piece na lang ang dinala ko. Tutal ay kami lang naman ni Jason sa kanila at saka mga maids nila. Saka hindi naman mapagsamantala si Jason kaya panatag ako sa kanya. But... That's what we thought. Akala namin ay kami lang sa bahay nila pero hindi pala.
We didn't thought that his brother will be arriving today. Ang sabi nga niya sa akin ay almost 2 weeks na daw na hindi umuuwi ang kapatid niya dito kaya ganon na lang ang pagkagulat namin ni Jason kanina nang abutan kaming nagkukulitan ni unggoy sa sala. Mabuti na lang ay umakyat rin siya kaagad dahil ang sama niya talaga makatingin. Para bang may ginawa kami ni Jason na kasalanan kung makatingin siya. Hindi ko tuloy masyadong masalubong ang tingin niya dahil para siyang nanghuhusga by the looks of him sa amin.
We are at the living room again para magpahinga after namin na mag-swimming. Sinusulit namin ang moments namin together dahil bukas ay balik trabaho na naman ako at siya ay may practice na naman sa school para sa graduation nila. Whole day yun pero sabi niya ay susunduin daw niya ako sa trabaho bukas. Nagkwentuhan kami ng bigla na lang takpan ni Jason ang mukha ko ng throw pillow.
'Bakit Panget?'
'Huwag mong aalisin yan Diyosa.' I remained silent at nakatuon lang ang paningin ko sa kanya with a questioning look. After a while... 'What the f**k brother?! Wear something decent, for Christ sake Hermes!' kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jason pero nanatili akong tahimik at walang kibo.
'What?! Bawal?! This is my f*****g home! Bawal?! Am I not allowed to roam around my very own home?!'
Ano na naman kaya ang pakulo ng unggoy na ito?! Wear something decent daw?! So anong suot ng kumag na ito na kailangan pang takpan ni Jason ang mga mata ko?
'You're unbelievable!! Tss!!' pinisil ko ang hita ni Jason, baka kasi magtalo pa silang magkapatid ay mahirap na.
'Oh f*****g believe it!! Get out of my f*****g sight if you can't stand my f*****g presence!!'
Ang sama talaga ng bibig ng unggoy na ito. Puro mura ang laman ng salita niya. Napaka-bastos niya. Napaka-walang modo. Diyos ko po! Saan ba ito pinaglihi ng nanay niya at ganito kawalang-modo ang isang ito? Habang ang kapatid naman niya ay napakabait naman at maginoo. Or baka naman malamang sa malamang ay nung nagbahagi ang demonyo ng kasamaan sa mundo ay gising na gising ang gagong ito at nasalo lahat. Nuknukan na ng yabang, nuknukan pa ng kabastusan at walang modo. Parang hindi nag-aral sa eskwelahan kung makaasta. Hay naku!
'Let's go to the entertainment room, Diyosa. Dun na lang tayo tumambay.'
Hindi na ako nakasagot dahil dali-dali akong tinulungan ni Jason na makatayo then naglakad na kami paalis sa living room. Tumuloy kami sa entertainment room na nasa ikalawang palapag na malapit lang sa fitness room nila at sa kwarto niya. Pagpasok namin sa loob ay inayos niya muna ang sofa then pinaupo ako saka nagsalang ng movie. Hindi pa nangangalahati ang pelikula ay tulog na siya. Malamang ay dahil narin sa pagod sa maghapon. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa sofa saka maingat akong humalik sa pisngi niya at lumabas ng pinto. Alam na naman ni Jason na hindi ako nakikitulog sa ibang bahay kahit pa ayain ako, not unless kila Ate Hazel at Kuya Timothy yan ay ayos lang. Pero kung sa iba, hindi talaga ako nakikitulog. Dati ay nangyari nang narito rin ako sa kanila then hindi niya ako mahatid kaya pinahatid niya ako sa family driver nila. Binilin rin pati ni Jason kay Mang Vic na anytime na magpahatid ako ay ihatid ako nito.
Bago ako lumabas ng bahay ay naglakad muna ako papuntang kitchen. Nauuhaw ako sa puro juice na ininom ko. Wala ng ilaw sa kitchen dahil almost 9 narin ng gabi at nagpapahinga na ang mga maids. May ilaw naman sa dining room na umaabot sa kitchen kaya ayos lang rin. Pumasok ako ng kitchen at kumuha ng tall glass na nasa gilid lang ng ref nila. Binuksan ko ang ref saka nagsalin ng tubig mula sa pitsel. Matapos kong magsalin ay sinara ko na ang ref habang ang bibig ng baso ay nakadikit sa bibig ko at umiinom na ako.
'AYYY!!!'
Ang baso na hawak-hawak ko ay nabitawan ko sa gulat at dahil narin sa pagkabigla ay na-out of balance ako. Hinihintay kong maramdaman ng likod ko ang lamig ng flooring pero imbes na malamig na flooring ay mainit na medyo matigas na bagay ang naramdaman kong lumapat sa katawan ko. Pagdilat ko ay nakita ko ang mukha ni unggoy na malapit na malapit sa mukha ko. Nakakunot ang noo nito na aninag mula sa ilaw sa dining room.
Parehas kaming nakatingin lang sa mukha ng isa't-isa. Ewan ko pero parang bigla na lang akong hindi nakapag-isip ng sasabihin ko or ng gagawin ko at the moment. Nakatitig lang ako sa mga mata niya na kahit na hindi maliwanag ay kitang-kita ko. Kita ko rin ang paggalaw ng adam's apple niya that made my throat dry all of a sudden. Napalunok rin ako nang bumaba ang paningin niya sa mga labi ko at ng basain niya ng dila niya ang lower lip niya.
I should be moving away from him. I shouldn't let him hold me like this. I should be standing, freeing myself from his embrace and go home. Pero bakit hindi ko magawa? Para akong na-magnet that I can't remove my sight off him. Para akong naestatwa. Pero ang pinagtataka ko rin ay kung bakit hindi rin gumagalaw or nagsasalita ang isang ito. He is just staring at my eyes then bababa sa lips ko at muli akong titignan sa mga mata ko. Lumunok ulit siya then took a deep breath. Alam ko dahil ang lapit lang namin that I can feel his breath.
'Diyosa?'
Para kaming biglang napaso ni unggoy sa isa't-isa. We quickly seperate, siya ay nagpunta sa may lababo habang ako ay dali-daling naglakad palabas ng kitchen. Sakto paglabas ko ay siya naman sulpot ni Jason mula sa may hagdanan.
'P-Panget... Akala ko natutulog ka? Bakit nagising ka na agad?'
'I felt you left sa entertainment room when you close the door. Where have you been?' inayos niya ang ilan hibla ng buhok ko tapos ay niyakap niya ako. Yumakap rin ako pabalik sa kanya as if I felt relieved na nagkaroon ako ng hangin sa katawan. Sa totoo lang, nagpipigil pala ako ng hininga kanina nung magkalapit kami ni unggoy.
'Uminom lang ako ng tubig. Pauwi narin ako.'
'Ah... I'll take you home, you wait for me. Kunin ko lang yung key ng motor.' pinigilan ko siya ng paalis na siya.
'Teka! Motor?' he smile at me. 'Hindi ba ay binawalan na kita sa motor, Panget? Bawal ka ng gumamit ng motor diba?'
'Mag-iingat naman ako, Diyosa. Saka kasama kita so I will really drive carefully. Hindi ko bibilisan ang pagpapatakbo, I promise.'
Nagkatinginan kami. As if we are seizing each other. Sa totoo lang ay naaksidente na siya noon sa motor na muntik na niyang ikamatay. Kaya nga binawalan ko siyang gumamit ulit ng motor. Sobrang takot ko that time dahil ilan araw siyang walang malay tao dahil sa impact ng nangyari sa ulo niya. Mabuti na lang ay nagising siya at walang internal damage sa kanya. Mga pasa, bukol at sugat lang ang natamo niya. Kaya mula noon ay talagang pinapagalitan ko siya kapag nababanggit niya na magmo-motor siya.
'Kung motor rin naman ang gagamitin mo para ihatid ako, magpapahatid na lang ako kay Mang Vic. Huwag mo na lang akong ihatid, ayos lang.'
Ewan ko ba! Paranoid na siguro ako pero ayoko talagang gumagamit siya ulit ng motor. Grabe ang takot ko noon at hindi parin iyon nagbabago until now.
'Kung hindi lang kita mahal Diyosa...' lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. 'I love you so much, Nica. Sana makasal na tayo after my graduation. Kaya naman kitang buhayin. Maganda naman ang firearms business ko pati ang investments ko sa LI EMPIRE. Gusto na talaga kitang makasama every minute and every hour. Pakasal na tayo. Bukas agad Diyosa, just say yes at bukas agad ay pakakasalan na kita.'
'Kung anu-ano ang iniisip mo Panget. Napag-usapan na natin yan diba? After ng graduation ko ay pwede ka ng mag-propose sakin. Maghintay ka no! Isang semester na lang naman!' mahina kong hinampas ang dibdib niya na ikinatawa niya. 'Puro ka biro Panget!'
'Hindi kaya! I really wanted to marry you, Nica. Soon! Soon you will officially be Mrs. Hypnos Jason Klein!' mabilis niyang hinalikan ang mga labi ko. 'Remember that okay? Soon! Hahahaha!! Soon I will marry you, Nica.' napangiti ako as I watch him happily walking pabalik sa hagdanan.
Nagpunta ako sa sala at umupo na muna. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko and honestly, kinikilig ako. Mahal ko si Jason, mahal na mahal ko siya. Siya ang first boyfriend ko at gusto ko ay siya narin ang last boyfriend ko. He is exactly the man that I ever wanted na maging boyfriend ko at makasama ko sa buhay in the future. I didn't see myself being with other men but him alone, siya lang talaga. Noon nung magkaibigan pa lamang kami, mabait na talaga siyang tao. Caring at thoughtful saka matulungin sa kapwa. Down to earth siya kahit pa mayaman siya, hindi siya mapili sa pagkain or sa lugar na pupuntahan. At ang pinaka-nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging determinado niya. Kapag may ginusto siya ay ibibigay niya ang buong puso niya at atensyon dito para makuha ito. Paghihirapan niya itong kunin sa paraan na malinis at marangal. Bonus na lang ang pagiging sweet niya at malambing. Kaya nga alam kong he will be a perfect husband and a perfect father someday. At swerte ako dahil sa dinami-rami ng babae sa mundo ay ako ang minahal niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagde-daydream ko nang dumaan sa paningin ko si unggoy. Hindi ko siya masyadong naaninag kanina sa kitchen dahil narin sa kawalan ng ilaw. Naglalakad itong tila ba siya lang ang tao sa bahay. Wala itong suot na pang-itaas at tanging jersey shorts lang ang suot niyang pang-ibaba. Nagbaba agad ako ng tingin. Don't get me wrong. Hindi naman virgin ang mga mata ko sa mga katawan ng lalaki. In fact, ilan beses ko ng nakita si Jason na naka-topless. It's just that, hindi ako sanay na makitang ganito ang unggoy na ito. Dahil never ko pa siyang nakitang ganito lang ang suot. Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang malutong na mga halakhak. Galing ito sa lalaking akala mo ay pag-aari ang buong mundo. Paakyat ito ng hagdan.
Sinong tinatawanan niya? Ako?
'Hey, let's go?' napakurap ako nang marinig ko ang boses ng boyfriend ko. Huminga ako ng malalim saka buong tamis na ngumiti dito.
Hypnos Jason
After kong mahatid si Diyosa sa apartment niya ay bumalik na ako sa bahay. I went straight to my room then sa bathroom. I look at myself at the mirror.
'Nica.'
Lumapad ang ngiti ko upon remembering my girlfriend. I love her so much at gusto ko na siyang maging asawa. I have lots of plans for us, plans for our future together as Mr. and Mrs. Klein. Sa graduation day ko ay planado ko ng mag-propose sa kanya. May nakita na akong engagement ring na alam kong will fit her perfectly. I have everything set in my mind. Sa isip ko ay ayos na ang lahat para sa amin ni Nica. Nakabili na ako ng lot in Antipolo also para same lang ng place kila Ate Hazel at Ares. Pasisimulan ko na ang construction ng dream house ni Nica soon, after kong mag-propose sa kanya.
Lumabas na ako ng bathroom after kong mag-shower. Tinignan ko ang cellphone ko na nakapatong sa study table. I have 2 messages. One is from my beautiful girlfriend at isa ay from an unknown number. Binuksan ko muna ang message ni Diyosa then after reading it ay nag-reply ako sa kanya. After ay binuksan ko naman ang isa pang message sa'kin.
's**t!' I uttered after reading the content of the message. I quickly dialed the number who texted me and waited for the other line to answer. 'Yes hello, good evening. This is Hypnos Jason Klein, I just want to confirm that I will be there by lunchtime tomorrow.' I pause para makapagsalita ang nasa kabilang line. 'Kindly tell her that I will be there. Paki ready na ang mga results since I still need to get back to school bukas.' I pause again. 'Okay thanks a lot.'
Bigla akong kinabahan. There are lots of flying butterflies inside my stomach. Hindi ko alam if what will the results be. Sana... Sana ay favorable to me ang results. Sana please God, make it favorable to me.
-------,--'-,-{@