High & Untouchable God Society
Hermes John Klein
GOD OF TRADE
written by: Blackrose
Chapter 7 -Meet His Match
-------,--'-,-'-{@
Veronica
Sunday ngayon, walang pasok. I am super relieved na pahinga ngayon dahil sobrang stressful ang buong week ko sa work. Akala ko since ako ang Head Secretary at may tatlong secretaries na under ko ay medyo magaan ng bahagya ang trabaho ko, mali pala ako. Mula sa mag-time in ako sa office hanggang sa magta-time out na lang ako ay fully loaded ang work loads ko. Iniisip ko nga if may ginagawa pa ba ang tatlong secretaries. Pero tuwing nakikita ko naman sila ay busy rin sila at parang hindi magkaka-kilala sa sobrang busy. Kaya nga sobrang relieved talaga ako that today is a Sunday. It's rest day for me kaya ang saya-saya ko. Kahapon kasi dapat ay wala akong pasok pero since may Board Meeting kahapon si unggoy together with the Board Of Directors, pinapasok ako at kasama daw ako sa meeting. Saka kahapon rin ako pinag-take ng exam regarding sa company details na hinanda sa'kin ng HR.
Kaya ngayon tuloy na imbes na lalabas kami ni Jason para mag-date at mag-bonding, kailangan kong maglaba at mag-aral para sa Final Exam namin bukas at sa makalawa. Hindi ko na pinapunta si Jason at sinabi niya rin naman na hindi siya pupunta today para makapag-concentrate ako sa review ko.
Maaga akong gumising at nag-almusal para maaga akong makapagsimulang maglaba. Ayoko ng pinapa-laundry ang mga damit ko. Husto lang kasi sila sa bango pero kadalasan ay hindi naman naaalis ang stains. I know dahil minsan na akong nagpa-laundry dahil nga sobrang busy ako pero ng makuha ko ang pina-laundry ko ay nandun parin ang stain ng isang blouse ko.
By 12 noon ay tapos na akong maglaba at magsampay. Tinatamad na akong magluto kaya naisipan kong kumain na lamang sa labas. Tutal naman ay may malapit na Mall rito sa apartment ko, isang sakay lang ng jeep. Pagkatapos kong maligo at gumayak ay umalis na ako. Since Sunday ay mabilis lang akong makarating sa Mall and as usual kapag every Sunday, maraming tao ngayon. Tumuloy ako sa madalas na kinakainan namin na food chain ni Jason, marami rin na kumakain since lunch nga pero malaki naman ang place kaya kayang mag-accomodate ng marami. Pumila agad ako sa counter dahil talagang nagugutom na ako. Sa harap ko ay may isang couple na parang nasa maling lugar kung magharutan. Ang isang kamay ng lalaki ay nasa may pwetan ng babae at hinihimas ito while ang babae naman na akala mo ay naubusan ng tela ang damit ay sige rin ang pagsiksik ng katawan saka paghalik-halik sa leeg ng kasama.
Jusko po naman! May motel or hotel naman para dun sila maglampungan, dito pa talaga sa public place nila ginagawa ang harutan nila. Hindi na nahiya na maraming tao ngayon sa paligid nila na nakatingin na sa kanila. Napailing na lang at napayuko nang saktong pagtingin ko sa unahan ay kitang-kita ko ang pagdila ng babae sa punong tenga ng lalaki.
Bakit kaya ganon ano? Karamihan sa mga couples ngayon ay masyado ng PDA or yung tinatawag na Public Display of Affections. Hindi na nila alintana ang sasabihin ng karamihan na makakakita sa kanila. They don't care if people will judge them and mock them for doing such malicious act in public. Mabuti sana kung nasa abroad sila eh, pwede pa sana dahil masyadong liberated sa bansa nila. Isa pa sa nakakainis sa mga ganitong couples ay yung pagbabale-wala sa mga minor de edad na maaaring makita rin sila. Syempre gagayahin sila kaya marami sa society ngayon ang teenage pregnancy or ang early parenthood.
Nakahinga na ako ng marinig kong nagsalita ng NEXT ang cashier, meaning makakaalis na sa harapan ko ang dalawa na talaga naman na masakit sa mata. Pagtalikod nila ay sakto naman na pag-angat ko ng ulo ko. Parang slow motion na nagtama ang paningin namin ng lalaki. Hindi ko naiwasan na matampal ang noo ko out of annoyance.
'Are you following me? Hindi ko alam na stalker ka na pala ngayon.' sarcastic na bungad ng pinaka-hambog na lalaking nakilala ko.
Kapag minamalas ka nga naman talaga! Out of numerous na kainan dito sa loob ng Mall, akalain mong dito pa kami magkikita? Wow ha!
I tried to calm myself dahil una ay nasa public place ako at ayoko sa lahat ay nae-eskandalo ako at ang pangalawa ay boss ko parin naman ang kaharap ko.
'You knew her baby?' sabi ng babaeng kasama ni unggoy habang sinusukat ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ayoko sa lahat ay yung hindi naman ako kakilala pero kung makatingin sa'kin ay akala mo may malaki akong atraso sa kanya. I hate such behavior, mapa-lalaki man or babae. Nang magtama ang paningin namin ng babae ay ngumisi ako sa kanya na ikina-angat naman ng kilay niya.
Talagang sinusubok ako ng babaeng ito? Teka!
Biglang umiral na naman ang pagiging maldita ko. Sinuklian ko ng isang malapad na ngiti ang nakaangat sa'kin na kilay ng babae. Then with poise and confidence ay kinawit ko ang kamay ko sa bakanteng braso ng unggoy.
'You didn't informed me na lalabas ka pala today, Muffin.' halata sa mukha ni unggoy ang matinding pagkagulat habang kumunot naman ng tuluyan ang noo ng babae. 'Ikaw talaga.' I gently pound his chest para kapani-paniwala ang performance ko. 'Palagi mo na lang akong pinagseselos. Hahaha... Kahit na anong gawin mo Muffin, hinding-hindi mo ako mapagseselos ng walang sapat na basehan.' sumulyap ako kay unggoy at nakatitig lang ito sa akin. Kita sa mga mata niya ang labis na pagkalito. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat nya and hug his waist.
'What is this John?'
'What? I...'
'Haven't he told you Miss?' nakita ko from the side of my right eye na tumingin sa akin si unggoy. 'Ikaw talaga Muffin, hindi hilig-hilig mong maglaro. Porket you knew that I don't get jealous easily ay sinusubok mo na naman ako. Hahaha!' I gaze at the woman na ngayon ay kumalas ng kapit sa isang braso ni unggoy. 'Oh! I'm sorry... I apologize. How rude am I.' ngumiti ulit ako ng malapad. 'I'm Veronica, Hermes John Klein's FIANCÉ.' I extend my hand sa babae. I smile triumphantly na medyo sweet pero deep inside of me ay tuwang-tuwa ako sa itsura ng dalawa.
'What the...'
'Muffin!' nilagay ko ang index finger ko sa labi niya para patahimikin. 'Ayan ka na naman. Nagkukunwari ka na naman na hindi mo ako kilala. You always do that! Pasalamat ka dahil mahal kita. Naku kung hindi, iniwan na kita.' kumunot ang noo ni unggoy. 'Kaya nga... Love na love kita dahil sa side mong yan that you are not ashamed of showing.'
'Kilala mo ba siya John?' epal na sabat ng babae.
'What are you talking about Veronica?!' mas ngumiti pa ako ng malapad ng biglang lumapat ang palad ng babae sa pisngi ni unggoy. 'f**k!!!' he shot a deadly glare sa babaeng kanina lang ay kalampungan niya. 'WHAT WAS THAT FOR?!!!' he roared out loud like a lion sa babaeng kasama niya. 'NO ONE DARES TO SLAP ME, w***e!' marahas niyang tinabig ang balikat ng babae which causes her to stumble sa flooring. 'AT IKAW!!' nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa akin. 'YOU FREAKING WITCH!!!' marahas niyang hinawakan ang siko ko saka hinila ako palayo sa babae.
Hinila niya ako hanggang sa umabot kami sa gilid ng restroom. Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin.
'Ano ba?! Let me go!'
'What's your problem?! Huh?!'
'Ano ba?!!' nagpumiglas ako dahil kita ko na kung saan kami patungo. 'ANO BA KASI?!! TULONG!!! TULONG PLEASE!!!' bigla na lang akong umangat sa ere nang pasanin niya ako sa balikat niya na parang isang sako ng bigas lang. Pinaghahamlas ko ang likod niya pero hindi ito sapat para ibaba niya ako.
'You witch!! I'm gonna wring your neck until you beg me to stop!'
Para akong isang bagay na basta na lang niyang binaba sa nakasarang toilet bow. Nag-squat siya sa harap ko at seryoso akong tinignan. Inipit niya ang dalawang tuhod ko sa pamamagitan ng pagharang niya ng magkabilang kamay niya sa gilid ko.
'ANO BA?!! BAKIT MO BA AKO DINALA DITO?!! NAPAKA MO TALAGA ANO!!'
'YOU BETTER SHUT THE HELL UP!! KUNG AYAW MONG AKO ANG MAGPATAHIMIK SA'YO!!' hindi naman sa nasisindak ako sa isang ito pero ngayon na nasa loob kami ng isang cubicle sa loob ng CR ng mga lalaki, dehado ako. Ayokong maulit pati ang nangyari noon sa Fire Exit ng KLEIN INDUSTRIES. Kadiri kaya! For sure ay samu't-sari ng laway ang natikman niya. Mas pinili kong manahimik kahit pa gustong-gusto ko siyang bungangaan. 'Now!! Who the hell told you to meddle with my life or with my affairs?!! What's wrong with you?!! Basta-basta ka na lang gagawa ng act dun! Alam mo bang hindi ko pa natitikaman yun?!!'
'BASTOS!!! WALANG MODO!!!' pinilit ko siyang ilayo sa akin pero mas malakas siya.
'Hindi kita palalabasin dito hanggang hindi ka nadadala!! Who are you to interfere?! Huh?!! If I remember it right, syota ka lang ng kapatid ko!! Hindi ako!! May pa Muffin-Muffin ka pang nalalaman!! Siguro type mo ako ano?!! Siguro pinagpapantasyahan mo ako ano?! Sorry to spoil your fantasy pero... Hindi kasi kita type!! Ang itim-itim mo at ang payat-payat mo!!'
Ang kapal talaga ng mukha nitong hayop na ito!! Kung makalait ng kapwa akala mo perpektong tao!! Napaka-hambog talaga niya!! Nung nagsabog ang Diyos ng kumpiyansa sa sarili ay siya lahat ang nakasalo kaya over to the max ang kayabangan nito sa katawan.
Pinilit kong kumalma dahil nasa maling lugar ako. Pero ang ngisi niya ay mas nagpapadagdag ng bwisit ko.
'ANG KAPAL...' agad kong nilayo ang katawan ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Bwisit talaga ang gagong ito. Napaka!!!
'Who told you to speak?!! You witch!!! Empleyado lang kita kaya huwag kang mangarap na maaabot mo ako!! Huwag ka ng mag-ilusyon dahil kahit kailan ay hindi kita mapagbibigyan sa pantasya mo!!! Do you hear me you piece of s**t?!!'
Lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat lahat sa ulo ko. Walang kasing bastos talaga ang isang ito na malayong-malayo sa boyfriend ko. Pati babae ay wala siyang modo. At ano yun? Piece of s**t?! Kulang na lang ay literal na umusok ang mga butas ng ilong ko sa galit. Nagbaba ako ng tingin at huminga ng malalim bago ako magsalita.
'I'm... I'm sorry.' inangat ko ang ulo ko kaya kita ko ang agad na paglapad ng mga labi niya na halatang natuwa sa sinabi ko.
'See? Pwede naman na ganyan kung bakit ba kasi palagi ka na lang nakikipagtalo sa akin. Kung hindi ka umarte ng ganon kanina, wala ka sana sa lugar na ito...'
Sinamantala ko habang nagsasalita siya at hindi sa akin ang atensyon niya. Buong pwersa akong bumwelo saka sinuntok ang panga niya. Sa lakas ng suntok ko ay napaupo siya sa flooring.
'f**k!!!!'
Mabilis akong tumayo pero bago ako lumabas ng cubicle ay tinadyakan ko muna ang binti niya na nakaharang sa dadaanan ko. Paglabas ko ng cubicle ay tumingin muna ako sa kanya na ngayon ay hawak ang panga niya at nakakunot ang noo.
'HINDI LAHAT NG BABAE AY KAYANG-KAYA MO! IBAHIN MO AKONG UNGGOY KA!! f**k YOU KA RIN! YOU PIECE OF s**t!!'
Paglabas ko ng restroom ng mga lalaki ay pinagtitinginan ako ng mga taong nandun. Siguro ay nagtataka sila na lumabas ako sa CR ng mga lalaki. Paglayo ko at nang medyo humupa ang galit ko ay saka ko naramdaman ang sakit ng kamay ko. Agad kong tinignan ang kamay ko, pulang-pula ito at namaga na nga. Naluluha ako sa sakit. Bwisit na unggoy ka! Sinira mo ang araw ng pahinga ko at ang lunch ko!!
Hermes John
How dare her to do this to me?! May araw rin siya! I'll make her pay for what she did! Akala niya makakalusot siya sa ginawa niya sa'kin?! Oh no you witch!! I will make you pay at sisiguraduhin kong you will regret hitting me sa face ko.
Napaka-barbaric talaga ng babaeng yun. Who would have thought na ang isang payat na kagaya niya ay kayang manuntok? Tinignan ko ang mukha ko sa rearview mirror. Naggalawan ang magkabilang panga ko upon seeing my lower lip na pumutok saka namamaga. Sakto pa talagang may meeting ang society ngayon.
'f**k!!!!' hinampas ko ang steering wheel ng Audi ko.
Siguradong uulanin na naman ako ng tanong ng mga kaibigan ko. I am thinking na huwag na lang magpunta tonight sa meeting because I knew them so well. Pero aside sa damage sa mukha ko, Smith let us signed an agreement para daw maiwasan ang hindi pagpunta ng mga members sa monthly meeting namin. Isang absent ng member, he will be billed a sum of 100,000Php. Mautak si Smith dahil ang agreement is regardless of all reasons kaya wala talagang lusot unless gustuhin kong mabawasan ang yaman ko ng one hundred thousand pesos nang ganon-ganon lang. So I really can't be absent. Kahit naman kasi wala lang sa kayamanan ko ang multa, pera parin kasi yun and every penny ay pinaghirapan ko.
Dahil sa 6:30 in the evening ang meeting, I am now on my way to Parañaque City sa HLM Gaming Club kung saan gaganapin ang society meeting namin. Pagdating ko ay nakasabay ko pa si Smith.
'What happened to your face, man?' pansin agad niya upon walking towards me. 'Have you been in a brawl, Klein?'
'No. Don't mind this, this is nothing.' nag-iwas ako ng tingin para ilayo ang bruise ko sa paningin niya.
'Wala daw! Look at you man! You look like a mess! Who did that to you?! Sabihin mo at babalikan natin!'
'It's nothing dude.'
'Damn you Klein! I knew you so well! Tayo ang unang magkasama bago pa nabuo ang society! I know you so f*****g well, man! Kaninong girlfriend na naman ang kinama mo kaya ka nasapak ng boyfriend?! Hahahahaha!!'
Sabay kaming pumasok ni Smith sa private room na naka-designate talaga for us. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay napansin ko na kaagad na sa akin nakatingin ang apat na married men. Sabay-sabay narin silang lumapit sa akin.
'What happened to your face, man?' si Li ang unang nagtanong.
'Napaaway ka ba?' Reiz asked afterwards.
'Wala ito!'
'May ginalaw na naman yan na pag-aari ng iba. That's for sure. Tama ba Klein? Just like the old day, am I right?' Martin said next.
'Get serious, man! Kailan ka pa magseseryoso?! When your 70?!' sabi naman ng bestfriend ko.
'This is nothing nga! Quit buzzing me for informations because I won't say it!' I walk passed them at tumuloy ako sa bar section. I pour for myself some brandy then ininom ito ng straight.
'Ano bang problem, man?' sinilip ko si Stern na nasa likuran ko na pala. 'Anong gulo na naman ang pinasok mo?'
'Hindi ako nagsimula dude. That witch put a stunt then siya pa ang may ganang magalit.' mahina kong sabi.
'You what? Teka teka.' gumilid siya kaya magkatabi na kami ngayon. 'What did you say? Sinong Witch? That's Hazel's sister Veronica, right? Anong put a stunt? Wala naman pasok sa work nyo kanina diba?'
'Nakita ko siya sa Mall kanina, I'm with someone. She put a stunt claiming that I'm her fiance kaya nasampal tuloy ako ni Antoinette.'
'Kaya namaga at pumutok ang lips mo because of the slapped?'
'No.' huminga muna ako ng malalim. I trust Stern. He is my bestfriend. Matagal na kaming magkakilala and I know na palagi siyang available for me mula pa noon. 'After the slapping incident, I dragged the witch to the men's restroom.' I emptied my second glass first before lighting a stick of cigar. 'I just wanted to frighten her, dude. What she did is beyond unforgivable. Because of her ay nasampal ako which I can't fathom dahil wala pang nakakagawa ng bagay na yun sa'kin from my harlems.'
'Okay given that she did b***h around, pero bakit mo dinala sa men's restroom? And what happened to that?' he pointed my lips.
'I talked to her. I just wanted to give her a lesson dahil nakapa-pakialamera niya.'
'So you kissed her again kaya ka niya sinampal which cause that bruise sa lips mo?'
'I did not, dude.'
'Then what happened to you?' napakamot ako sa batok ko.
'She punched me on the face, dude.' kasing-hina ng bulong na sagot ko.
'WHAT?! THE f**k!!! HAHAHAHAHA!!! SHE WHAT?! OH MAN!! HOW I WISH I WAS THERE TO SEE THAT!! HAHAHAHAHA!!!'
'Did what?! Who did what?!'
Napapikit ako upon hearing a chorus question that came from our behind ni Stern.
'The fucker had been punched by a lady. Hahahahaha!!!' I shot a deadly glare at my bestfriend. He raise both of his hand as a sign of surrender. 'Sorry man, it slipped. Hahahahaha!!!'
'What the f**k Klein! Who punched you?!' simulang tanong ni Reiz.
'Must be a f*****g strong lady para maging ganyan ang face mo, man! Hahahahaha!!' nang-aasar pang sabi ni Martin.
'Who's the lucky girl to hit you for the first time, Klein?! Tell us para we can thank her for giving you a smack! Hahahahaha!!' Smith mockingly said.
'It's Veronica!!' I curse underneath my breath sa sinabi ulit ni Stern.
'Veronica?!' sabay-sabay na tanong nila Reiz, Martin and Smith then look at Li who is looking at me. Napatingin narin ako sa kanya.
'Don't f*****g tell me that it's my wife's sister you are pertaining to, Klein.' he utter while seizing me.
'I didn't do anything, Li! Swear to God! I didn't kiss her or touch her!'
'I knew Veronica perfectly well, man. Lalaban siya kapag alam niyang nasa tama siya. You two always clashed, baka magkatuluyan pa kayo ng sister-in-law ko?!'
'f**k no Li! Hell no!! Wala akong ginawa sa kanya. She just punched me then kicked my leg! Damn her!!' nagsalin ulit ako ng brandy.
Napuno ng tawanan ang private room namin. My friends are laughing like lunatics. Hindi ko na lang sila pinansin dahil my jaw still aches dahil sa ginawa ng witch na yun kanina.
'I should commend her pala!! Hahahahaha!!! At long last, the pervert god has meet his match!!' malakas na sabi ni Li that creates another roars of laughter.
'I will make you pay, Veronica Novera. Humanda ka.' I whisper in my mind.
----------'--,--'-,-{@