Chapter 2 -Dibale Ng Single

2790 Words
High & Untouchable Gods Society Hermes John Klein GOD OF TRADE written by: Blackrose Chap 2 -Dibale Ng Single -------,-'-,-'-{@ Veronica Pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom ay lakad takbo na ako para makalabas ng premises ng school. I need to rush dahil sa nag-extend ang last professor namin ay maaari akong ma-late sa duty ko tonight. And strict pa man din ng manager on duty namin ngayon so I really have to hurry up. Ayokong makarinig ng sermon mula sa kanya kung sakaling late ako kahit na limang minuto. Kung nandito lang sana si Jason now at kung wala siyang lakad at kausap na importante, hindi ko kailangan na magmadali dahil for sure ay ihahatid niya ako pauwi at papasok sa trabaho ko. Agad akong pumara ng jeep pagkalabas ko. Sakto pag-upo ko sa jeep ay tumunog ang cellphone ko. I immediately smile when I saw kung sino ang tumatawag sa akin. 'Panget.' I giggle nang marinig ko siyang humalakhak sa kabilang linya. 'Malapit ka na sa apartment, Diyosa?' 'Hindi pa. Kakasakay ko lang ng jeep dahil nag-extend si Mam. Kaya ngayon pa lang ako pauwi.' 'Eh anong oras na? Baka ma-late ka niyan?' 'Bibilisan ko na lang mag-prepare pagdating sa bahay.' 'I'm sorry I can't drop you off at work tonight, Diyosa. I'm still here sa kausap ko, hindi pa kami tapos.' 'Ayos lang, Panget. Hindi naman madalas. Saka para mamiss mo rin ako paminsan-minsan.' 'Hahahahaha!! Miss ko na nga ang Diyosa ng buhay ko.' napangiti ako. Kinikilig ako. 'Bukas sunduin kita sa apartment mo ha, umaga. You wait for me.' 'Dating gawi? Church at pasyal tayo?' Kapag kasi Sunday ay talagang binabakante ni Jason ang buong araw niya and we spend the whole day together. Magsisimba kami sa umaga tapos ay namamasyal kami sa kung saan-saan. Then pagtungtong ng 6pm ay hinahatid niya ako sa trabaho ko at tatambay siya dun hanggang sa matapos ang duty ko. Then ihahatid niya ako pauwi sa apartment. 'Ofcourse Diyosa. Unless you have something in mind?' 'Naku, tigilan mo ako Hypnos Jason Klein.' 'Hahahaha!!! I am just kidding Diyosa! Don't get mad agad, hahahaha!!!' 'Baliw ka, Panget.' humalakhak rin ako. 'Baliw sa'yo. I love you Diyosa.' 'I love you too, Panget.' 'I have to hang up Diyosa, nag-restroom lang ako so I can check on you.' 'Alright. Ingat ka, Panget.' 'I will, always. For you. I love you, mahal na mahal kita.' 'I love you too, Panget. Sige na. Ingat ka jan.' 'Ikaw rin. Text mo ako kapag nasa bar ka na. Bilin ko sa'yo.' 'Opo! Bye Panget.' Papakila muna ako habang waiting ako na makarating sa apartment ko. My name is Veronica Novera, turning 21 next month. Yes, tama kayo. Novera ako. Kapatid ako ni Hazel Lane Novera, half sister to be exact. Same kami ng father kaya parehas kami ng surname, pero iba ang mother namin. Wala na si Tatay, same rin sa mother ni Ate Hazel. Pero ang mother ko ay buhay pa, hindi ko nga lang alam kung nasaan siya. Ang sabi sa'kin nila Tatay, baby pa lang daw ako ay umalis daw ang mother ko at iniwan ako kay Tatay. Pangalawang pamilya kami ni Tatay, ang una ay sila Ate Hazel. Pero kahit pa half sister kami ni Ate Hazel at anak ako sa labas ng tatay ko, never kong naramdaman sa kanila na extra lang ako or sampid ako sa pamamahay nila. Tinuring nila akong parang pamilya talaga nila at sobrang bait nila sa akin, lalo na si Nanay. Minulat nila ako na puno ng pagmamahal at pag-aaruga. Hindi rin nila nilihim sa'kin ang katotohanan, hindi nila nilihim na anak ako sa labas ni Tatay. That is why I am so thankful and grateful to them lalong-lalo na kay Ate Hazel. Dahil mula ng mawala sila Tatay at Nanay, siya na ang tumayong magulang ko. Sinakripisyo niya ang magandang kinabukasan niya at ang pagkakataon na makapag-aral para makapagtapos ako ng High School at makapag-aral ngayon ng Kolehiyo. Utang ko kay Ate Hazel ang priveledge ko na makapag-aral at ang mabuhay. Kaya I've told her and also promised to myself, na mag-aaral akong mabuti at ga-graduate ako ng college. Kahit na walang honor basta maka-graduate ako. Yun na lang ang masusukli ko kay Ate Hazel, sa lahat ng sakripisyo at hirap na ginawa niya para sa akin. Pinangako ko rin sa sarili ko ay na makaka-graduate ako ng virgin at makapaghanap ako ng magandang trabaho para maibalik ko rin naman kay Ate Hazel ang tinulong niya sa akin. Kaya nga sa age kong ito, Jason is my first love and my first boyfriend. May mga nanliligaw naman sa'kin noon pero hindi ko talaga pinagtuunan ng pansin ang pagno-nobyo. Aral at bahay lang ako. I mingle with boys but upto friendship lang ang pwede kong i-offer sa kanila. Maybe you'll ask if bakit ko naging boyfriend si Jason kung nabanggit ko na hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang pagno-nobyo. Actually, sa lahat ng mga manliligaw ko ay si Jason lang ang pinaka-persistent sa lahat saka ang pinaka-patient. Nag-iisa siyang manliligaw ko na bumilang ng ilan taon bago ko sinagot. Saka tama lang na sinagot ko siya kasi he is a good friend ni Kuya Timothy na ngayon ay asawa na ni Ate Hazel. One time noong hindi pa sila mag-asawa ni Ate, kinausap ako ni Kuya Timothy. Telling me things about Jason pati ang background niya na alam ko na naman. Pero dahil sa sinabi ni Kuya Timothy ay mas minahal ko pa si Jason. Ewan ko ba kung ano ang nakita sa akin ni Jason at ako ang niligawan niya. Sa totoo lang kasi ay hindi ako maputing babae na kagaya ni Ate Hazel. Kayumanggi ako at payat. Kung si Ate Hazel ay may laman at may korte ang katawan, ako naman ay payat at hindi kalakihan ang assests. Kung hindi nga lang mahaba ang buhok ko ay pinagkamalan na siguro akong lalaki. Lumamang lang ako ng tangkad kay Ate bukod sa maganda at expressive rin ang mga mata ko. Pero aside from that, ay wala na akong makitang kapantay or aangat pa kay Ate Hazel. Kaya talagang nagtataka ako kay Jason kung bakit nag-tyaga siyang ligawan ako ganon na maraming mas lamang pa sa akin when it comes to physical features. Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko pero hindi kasi ako yung klase ng babae na lilingunin ng dalawang beses ng mga lalaki. Syempre naman! Kung may katabi akong maputi at may laman ang hinaharap, di hamak na mas mapapansin ang katabi ko kesa sa akin. Noon ay mababa talaga ang self-esteem ko sa sarili ko. Pero simula nang sinabihan ako ni Ate Hazel na may distinctive akong kagandahan saka sobrang buti daw ng aking kalooban, nagbago ang pananaw ko sa sarili ko. Sabi ni Ate Hazel ay mabuti daw ang kalooban ko. Pero ang totoo, naka-depende ang ugali ko sa mga taong nasa harapan ko. Mabait naman talaga ako dahil maayos ang pagpapalaki sa'kin nila Tatay saka alaga ako sa pangaral ni Ate. Pero, nagbabago ako ng pakikitungo kapag masama ang ugali ng kaharap ko. Hindi ako basta-basta nagpapatalo. Hindi ako pumapayag na inaapi ako at nilalait ng iba. Hindi ako pumapayag na laitin ang pagkatao ko kahit pa hirap kami sa buhay. Lumalaban ako lalo na kung alam kong nasa tama ako. Hindi pwede sa'kin na apihin ng kung sinu-sino. Kahit naman kasi hindi kami mayaman ay mangaral parin ang buhay namin kaya we are also entitled to be respected by others. Napasimangot ako when I remember my boyfriend's brother na si Hermes John Klein. Kumukulo ang dugo ko to the highest level everytime I heard his name, lalo na kapag nakikita ko siya. Sinong hindi kukulo ang dugo kung nuknukan ng yabang, hambog at kasamaan ng ugali ang makikita mo? Hinding-hindi ko makakalimutan ang unang beses na nakita ko siya at pinakilala ako sa kanya ni Jason the time na nanliligaw pa lang siya sa'kin. ***FLASHBACK*** Magkasama kami now si Jason sa isang restaurant dito lang rin sa vicinity ng Quezon City. Niyaya niya akong mag-snacks pagkatapos ng last class namin, classmate ko siya sa last subject kasi today. Dahil narin sa nakapagbitiw ako ng pangako sa kanya na jo-join ako sa kanya na mag-meryenda, kaya eto ngayon ay magkasama kami. Patapos na kami halos na kumain nang may lumapit sa amin na lalaking matangkad ng ilan pulgada kay Jason at may similarity dito. 'Bro! I didn't expect to see you here.' tumayo si Jason kaya tumayo narin ako out of respect sa bagong dating. Hindi nagsalita ang lalaking dumating pero sinulyapan niya ako. Sulyap na kakainisan mo dahil halatang sinusukat niya ako sa mga tingin niya. 'Siya pala si Veronica, bro. Nililigawan ko.' Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ng lalaki, naka-sideview kasi siya sa akin. Tumingin ito sa akin kaya tumayo ako ng tuwid saka naglahad ng kamay. 'Hello. Ako nga pala si Veronica.' ngumiti ako ng malapad. 'She's my classmate at some of my back subjects, bro.' dugtong ni Jason sa sinabi ko. Nangawit na lang ang nakalahad kong kamay ay hindi parin ito inaabot ng lalaki. Jason purse his lips saka bahagyang tumango kaya binaba ko na ang kamay ko. Nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya sa inasal ng taong nasa harap ko ngayon. 'I don't have time for cheap acquaintance, Hypnos.' kasabay ng pagtaas ng kilay ko ay ang pag-usbong ng galit at pagkamuhi ko sa lalaking akala mo kung sino magsalita. 'Ahm...' halata narin kay Jason ang pagtitimpi. 'Siya pala ang kapatid ko, Nica. Si Hermes John Klein.' So eto pala ang Kuya niyang naku-kwento niya sa'kin ng madalas noon. Sa unang tingin ay hindi mapapansin ang pagkakahawig nila pero kapag tinitigan mong mabuti ay mapapansin mo ang mga features na magkatulad sa kanila. Kahit pa unang beses ko pa lang nakita ang kapatid ni Jason, masasabi ko ng magkaiba sila ng ugali. Magkasalungat na magkasalungat ang ugali nilang dalawa. 'Leave for awhile, Miss.' sabi ng kapatid ni Jason without looking at me. 'Oh! I forgot! Baka hindi mo ako naiintindihan! English kasi?!' he smirk, still not glancing at me. 'Hermes!!' almang sabi ni Jason. 'What?!' mas lumalim pa ang tono ng boses ng kapatid ni Jason. 'I am just stating reality here, Hypnos! She might not understand me because she looks like a maid to me!' umalpas lahat ng dugo sa mukha ko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa galit. 'Teka nga lang! Sino ka para...' napahinto ako sa sasabihin ko nang iharap ng hambog na ito ang palad niya sa mukha ko. Na parang pinapahinto ako sa pagsasalita. 'Where did you meet this peasant, Hypnos?! You don't really know how to choose a chick, little brother!' sinuyod niya ulit ako ng tingin, mula ulo hanggang paanan ko at pabalik. 'Stop it!!' hindi natinag ang tingin ni hambog sa akin. He is still seizing me. 'I like Veronica! Actually like is an understatement! I love Veronica!! And I won't permit it that you talk trash to her!!' Nilapitan ako ni Jason matapos na maglapag ng pera sa table. Hinawakan niya ako sa siko saka niyayang umalis na. Pero bago ako tuluyan na nagpatianod kay Jason, tinignan ko muna ulit ang kapatid niya sa mata. Ang talim-talim niyang tumingin na kung nakakamatay ang pagtitig ng ganyan, malamang ay bulagta na ako ngayon at duguan na. Tingin pa lang niya ay alam mo ng maliit ang trato niya sa'yo. Inangat ko muna ang isang kilay ko, saka tinumbasan ng matalim rin na titig ang tingin niya sa'kin saka ngumisi ng nakakaloko. Bago ako nagsimulang maglakad palayo sa lalaking maitim ang budhi na akala mo kung sino makatingin. ***END OF FLASHBACK*** Kaya ganon na lang ang galit at pagkamuhi ko sa kapatid ng boyfriend ko. Masyadong mataas ang tingin sa sarili niya na feeling niya ay isa siyang diyos at lahat ng tao ay nasa ilalim ng paanan niya. Hindi na ako nagulat kung bakit malayo ang loob ni Jason sa kuya niya, they can't be together dahil nuknukan ng sama ang ugali ng Hermes John na yun compare sa napakabait na ugali ni Jason. Ugali pa lang ng hambog na yun ay napaka-demonyo na. Naalala ko pa nung minsan akong isinama ni Jason sa bahay nila sa Ortigas, nagkataon kasi na may kailangan kunin si Jason sa kwarto niya na nakalimutan niya. Malay ko bang nandun ang kuya niyang abnormal. Kung alam ko lang ay hinding-hindi ako sasama papunta dun. Aba naman ay sabihan nito ang mga maids nila na i-vacuum ang inupuan ko at baka daw may surot or insekto akong dala ay maiwan sa mamahalin nilang sofa saka mangati daw siya! Kung hindi lang nakakahiya at nasa bahay nila ako ay nakarinig ng malutong na mura sa'kin ang gagong yun. Kaya buhat noon ay masama na ang pakikitungo ko sa taong yun. Tutal ay masama rin naman ang pakikitungo niya sa akin, then quits na kami. Nagtimpi lang ako nung kasal nila Kuya Timothy at Ate Hazel. Kahit na ayokong tanggapin ang panyo na inabot niya sa'kin during the time na nagsasalita ako sa reception, ayoko naman na gumawa ng eksena sa mismong special day ng kapatid ko. Kaya kahit na labag sa loob ko ay tinanggap ko narin ang panyo niya. Mabilis na tumakbo ang oras, papasok na ako sa bar kung saan ako nagta-trabaho bilang bartender. Si Jason ang nagpasok sa akin dito, kakilala niya ang may-ari ng bar at nagkataon noon na in need sila ng bartender saka gusto ay babae naman. Since HRM student ako ay may konti naman akong alam sa mga alak, kung paano ito timplahin at sa pagba-bartending. Dahil dun at sa pag-back up sa'kin ni Jason, natanggap ako. Matinong bar ang napasukan ko kaya hindi ako masyadong nag-aalala kapag naka-duty ako. Noong una ay against si Ate na magtrabaho ako dahil narin sa pag-aaral ko. Baka daw maapektuhan ang mga grades ko at mapabayaan ko ang pag-aaral ko. Pero dahil narin sa pag-back up sa'kin ni Kuya Timothy at pagtulong sa'kin na magpaliwanag kay Ate, pumayag narin sa huli ang Ate ko. Saturday ngayon. Kaya expected ko ng maraming tao tonight. Dalawa kami ni Stacy tonight. Dito sa bar kasi ay babae ang mga bartenders nila, bale tatlo kaming bartender ng bar na ito. Si Stacy at Mika ay salitan kapag MWF then kapag TTH ay kami naman ni Mika ang salitan. Kapag Sabado at Linggo naman ay kami ni Stacy ang naka-duty. As expected, jam pack nga ang bar as early as 7:30pm. Mabuti na lang at malaki ang capacity ng bar saka malakas ang aircon sa may bar counter kaya kahit maraming customers ay hindi masyadong mainit at suffocating. Makalipas ang dalawa't kalahating oras ay pagod na ako. Ang dami kong customers na in-assist. Sabagay, Saturday ngayon at payday pa pala. Inayos ko ang ponytail ko nang may lalaking tumapat sa harapan ko. 'Scotch on the rock please.' napatingin ako sa lalaki. Sa tindigan pa lang nito ay halatang may sinasabi ito sa buhay. His scent filled the atmosphere at napansin ko rin ang paglingon ng ilan sa mga customers dito sa lalaki. 'Double Sir?' I ask politely. Pero ganon na lang ang pagkagulat ko ng magtama ang aming paningin ng lalaking bagong dating. 'Diyos ko naman po! Sa lahat naman ng bar dito sa Manila ay bakit dito niyo pa dinala ang manyakis na ito?!' piping usal ko sa isip ko. 'f**k!' rinig na rinig ko ang pagmumura niya kahit pa mahina ito. Automatic na umangat ang isang kilay ko. Napaka-antipatiko talaga ng taong ito. Anong akala niya sa sarili niya? Diyos?! 'Pasalamat ka at naka-duty ako ngayon, hudyo! Kung hindi ay baka nakatikim ka na sa'kin ng sapak, tarantado ka!' sabi ko ulit sa isip ko. Matapos kong huminga ng malalim ay pilit kong kinalma ang sarili ko dahil customer parin naman siya ng bar. 'Double Sir?!' halata na sa tono ng pananalita ko ang pagkainis ko sa kanya. 'Give me a bottle of Jack Daniel instead.' naglabas ito ng pera at pinatong sa countertop. 'A pack of marlboro red...' agad na itong tumayo. Akala ko ay aalis na siya pero may pahabol pa pala na sasabihin. 'Keep the change! You need it more!' Tumaas ang dugo ko sa ulo sa narinig ko. Napaka-hambog talaga ng isang ito. Masahol pa sa illiterate ang pag-uugali niya. Walang-wala siyang panama kay Jason. Total opposite silang dalawa. Matalim ang mga tingin na tinitigan ko siya habang papalayo siya sa counter. 'Salamat sa Diyos na hindi ikaw ang naging boyfriend ko! Dibale ng single kung ikaw rin lang ang makaka-relasyon ko! Neknek mong animal ka! May araw ka rin sa'kin! Makikita mo Hermes John Klein!' Gigil na usal ko sa isip ko. ------'-,-'-,--{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD