"Oh good thing! You're already here miss!" Pumalatak siya at bumaling sa akin. Linapitan ko siya habang pigil pigil ang inis na nararamdaman ko. Wala siyang ginagawang mali sa akin ngunit sadyang mabigat ang dugo ko sa babae na ito. "Yes ma'am. May I help you?" Malumanay kong tanong. Iginiya ko siya sa silya sa harap ng mesa ko ngunit di siya umupo. Itinukod niya lamang ang dalawang payat at makurba niyang kamay sa mesa at maarteng ngumiwi. Bumuntong hininga siya at muling nagsalita. Ang mga mata niya ay halatang kumikinang kahit na sabihin pang medyo iritado siya "hindi ako magtatagal. Your boss left and I want to set an appointment with him" Umalis siya? Bakit di ko alam? Siguro naglunch lang. Umihip ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon na humalik sa aking balat. Napatikhim a

