"Pauwi ka na?" Napapitlag ako ng huminto ang itim na SUV sa aking tapat at iniluwa ang nakangising si Ycko Lorenzo. "Oo. Ano naman sayo?" Iniripan ko siya habang kibit balikat na lumilinga ng masasakyang taxi. Ginabi na kasi ako dahil nag overtime si Apollo. Pinauna na lang niya ako dahil mag-eextend pa siya ng isang oras. "Suplada. Ihahatid na nga kasi kita!" Preskong sambit niya habang bumababa ng sasakyan. Napataas ang kilay ko "thank you. Pero ayoko" Humalukipkip siya sa at sumandal sa sasakyan habang nakaharap sa akin "pagbigyan mo naman na ako" ngumisi pa ulit siya sabay kindat. Ang presko ng brusko! Hindi ko siya pinansin habang pumapara ng taxi na lahat ay may lamang sakay kaya nahihirapan akong makasakay ng gabi dahil rush hour. Kung mag dyi-dyip naman ako ay lalakarin ko

