"Napapadalas ata ang delivery boy ng flower farm sa opisina ah?" Tukso ni Andoy habang nakataas ang kilay sa pumpon ng rosas sa ibabaw ng mesa ko. Ipinagkibit balikat ko nalang ito at umiling "kung naiinggit ka pwede ko namang ipasabi sa nagpapadala sa akin na sa opisina mo nalang idirekta!" Natawa siya saka pinasadahan ng tingin ang nag iisang tangkay ng puting rosas sa makitid na vase sa tabi ng mesa ko. "Eh ba't yan lang yata ang dini-display mo? May discrimination bang nagaganap? Samantalang ang isang 'to na di hamak na mas madami at mas maganda ang presentation ay isinasantabi mo lamang" hinawakan niya ang boquet ng bulaklak at dinala sa kanyang ilong at inamoy amoy. "Iyo nalang kung gusto mo" ismid ko saka ibinaling ang mga mata sa screen ng computer. "Ycko" nanlalaki ang mga ma

