COLD TREATMENT

1139 Words
SHANE POV Napabuntong hininga si dad, para bang gusto niya akong sigawan pero dahil sa baby girl niya ako, halatang hinahabaan niya ang kanyang pasensya sa akin. "Of course pantay ang pagmamahal ko sa inyong dalawa and balak ko kayong pagsamahin sa iisang kwarto para magkasundo kayo!" Nang marinig ko ito kay dad, nag tantrum ako at pinalo ko ang dibdib niya ng pabebe. "I hate you! I hate you! I hate you!" Hinawakan ni dad ang mga kamay ko at nagkatitigan kaming dalawa. Ang blue eyes niya, para talaga siyang si Zac Efron na pinoy version. Tapos yung ngiti niya, sobrang nakakatunaw. "Oh bakit naman? Matagal nang gustong umuwi nang kuya mo rito pero ngayon lang siya nagkaroon ng maluwag na schedule. Sure ako na marami siyang mga ibibigay na gift sayo sa darating na birthday mo so wag mo siyang bubugbugin kagaya ng ginawa mo dati ha?" Nakikita ko pa lang si Justin sa imagination ko, hindi ko talaga mapigilang mainis! Aaminin ko, sa kanya ko binubuntong ang galit ko sa nanay niyang malandi at gold digger! "Dad, hindi na lang po ako sasama," nakasimangot na sabi ko kay dad. "Oh bakit naman? Nai set up ko na ito eh! Please anak, alam ko na nasasaktan ka pa rin sa mga nangyari dati pero ibaon na natin sa limot ang lahat ng masasakit na alaala. Pasko pa naman ngayon kaya gusto kong magka patawaran kayong dalawa. Yun na lang naman ang hiling ko ngayong pasko eh." Ayaw ko sana itong ituloy pero sobrang mahal ko si dad at sinusunod niya lahat ng luho ko. "Okay po dad, wala po akong problema kahit na matulog kami ni Justin sa iisang kwarto." Muli akong niyakapan ni dad ng mahigpit, "Maraming salamat anak. Sobrang saya ko lang na magkasama tayong tatlo ngayong pasko." Kumalas na si dad nang pagkakayakap niya sa akin at nakita ko ang bakas ng luha sa kanyang mga mata dulot ng sobrang saya. "Dad, magbibihis lang po ako sa kwarto," pagpaalam ko sa kanya. Napatingin naman si dad sa orasan, "Sige lang, 5 pm ng hapon, mag impake ka na ng gamit dahil aalis na tayo. Pang one week lang naman ang susuotin mong damit." "Noted dad," pagkatapos kong magsalita, tumalikod na ako kay dad at sumimangot ako sabay ikot ng mata ko. Umakyat ako sa room ko at sa galit ko, hindi ko na inayos ang mga damit na dadalhin ko. Nagbihis ako ng maiksing shorts at sleeveless na damit. Pero dahil sa tagaytay kami pupunta, nag dala na rin ako ng makapal na jacket. Paglabas na paglabas ko, nakita ko si dad na nakabihis na rin ng Polo shirt at pantalon. Mayroon pa siyang dalang dalawang maleta. I wonder kung bakit marami siyang dalang gamit gayong sinabi niya na two days lang kami doon. Magi spend lang kami ng birthday ko sa 12 tapos siguradong papauwiin niya kaming dalawa sa mansyon. "Tara na Shane, naghihintay na ang sasakyan sa atin sa labas. Mahaba haba pa naman ang biyahe natin." Naglakad ako papunta kay dad at tsaka kami nagpunta sa Ferrari niya at tsaka umalis. Magkatabi kaming dalawa sa back seat and instead of talking to each other, kanya kanya kami ng browse sa selpon namin. And syempre, tamang chat na din ako kay Lucas na tinadtad ako ng mga messages sa chat. Sa totoo lang, dahil first year college pa lang ako ngayon, hindi talaga ako allowed na magka boyfriend. Pero siyempre pwede naman akong makipag usap kay Lucas since kahit papaano, naging childhood friend din kami. "Sorry late reply, nasa sasakyan kasi ako ngayon kasama si dad. Magbabakasyon kami sa tagaytay so thru chat lang tayo magkaka usap for the mean time." "What? Sakto may family trip rin kami sa tagaytay for one month. Saan ang apartment niyo? Kasi kami, yung malapit lang sa taal Volcano." Naapalingon ako kay dad at nagtanong, "Dad saan po pala banda ang apartment natin?" Lumingon siya sa akin at napangiti, "Ha? Siyempre anak doon tayo sa malapit sa taal Volcano para mas maganda ang view natin. Ka chat ko pala ang kuya Justin mo, ang sabi niya sa akin, on the way na rin siya sa tagaytay." Wow! Ang bilis naman ng mga pangyayari. "Dad yung totoo po, sobra akong nagulat na pauwi na si kuya Justin dito sa Pilipinas. Matagal niyo na po bang alam ito at inilihim ninyo sa akin?" Napangisi si dad at kahit hindi na siya magsalita, alam ko na ang isasagot niya sa akin. "Of course alam ko. Kuya mo kasi ang nagsabi sa akin na wag sabihin sayo hanggat wala siya rito sa Pilipinas. I just followed what he wants. Ang sabi niya sa akin sa chat, marami raw siyang pasalubong sayo kaya dapat i-chat mo siya at sabihin mong excited ka na makita siya." What the hell, ni hindi ko nga friend sa social media ang lalaki na yun dahil literal na wala akong pakialam sa kanya. And then what? Icha chat ko pa siya dahil lang sa mga pasalubong na kaya ko rin namang bilhin? Sure ako na gagamitin niya ang mga iyon para i manipulate ako. "Dad, why would I even do that? I have never asked him to buy me anything, to begin with. So no, I won't chat him or thank him in person." "It's because your brother is doing his best para magkaayos kayong dalawa. Anak naman, hinahabaan ko na nga ang pasensya ko sayo dahil naiintindihan ko ang side mo. Look, kinausap ko rin naman ang kuya mo tungkol rito and he swallowed his pride, alam mo ba na allowance pa niya sa school ang ginamit niya para lang mabilhan ka ng something? Please, try to chat him-" "Mag tha-thank you na lang po ako sa kanya kapag dumating siya sa apartment. Mas maganda po siguro kung sasabihin ko yun ng personal," pagputol ko kay dad. Tumungo siya at ngumiti, "Sige ikaw ang bahala. Basta mamaya, magyakapan naman kayong dalawa at magkasundo. Yan ang gusto kong iregalo ninyo sa akin ngayong pasko, are we clear?" "Yes, Dad!" Isang oras ang nakalipas ng makarating kaming dalawa ni Dad sa labas ng building ng apartment namin. Nagsimula akong lamigin ng lumabas ako sa kotse. Susuotin ko na sana ang jacket ko ng biglang may nagsalita sa likod ko. "What's up with you? Why are you wearing that kind of clothes in this freezing place? You'll surely catch a cold!" sabi ng isang lalaki na may american accent. Para siyang voice actor kung magsalita na mas malamig pa ang boses kaysa sa klima dito sa tagaytay. Naramdaman ko na lang na sinuotan niya ako ng jacket. Pag lingon na paglingon ko, nakangiti sa akin ang isang gwapong lalaki. Hawig na hawig niya si Ian Somherhalder. Maputi, matangkad, at long hair. Emarald green din ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD